Kabanata 14 - Plano at Paano
12 de Mayo de 1890
Ciudad de Santa Clara de AsisHacienda Montecillo
~~~~~~~~~~~~~~
"C-crisostomo?" Wika ko at napanganga ako ng makita ko siya, Anong ginagawa niya dito ?
"Binibini mukhang hindi yata maganda ang tyempo ng pagdalaw ko dito....... mas mabuti sigurong sa ibang araw na lang ako bumisita" wika niya at agad naman siyang tumalikod.
Agad ko namang hinila yung kamay niya para hindi siya umalis, at hinarangan ko pa yung dadaanan niya kaya nagulat naman ito sa ginawa ko.
"Ah G-ginoong Crisostomo hindi hindi! Ah eh bakit ka agad aalis? Eh kakarating mo lang hindi ba?" Pagpipigil ko sa kanya at napatawa siya bigla pero hagikhik lang naman.
"Narinig ko kasi na mukhang hindi yata maganda ang timpla ng iyong araw at mukhang mainit din ang iyong ulo kaya sa ibang araw na lang ako pupunta" wika niya at naglakad na ulit siya papunta dun sa kalesa niya pero agad ko siyang pinigilan.
Gosh! Ano ba tong ginagawa ko? Pinipigilan siya?
"Ano ka ba naman Ginoo? Ayos lang at hindi mainit ang aking ulo kaya tumuloy ka sa loob ng bahay" natatawa kong wika at agad naman kaming nalakad papasok a loob ng bahay.
Phew! Akala ko hindi ko siya mapipigilan.
"Salamat Binibini sa iyong pagpapatuloy sa'kin dito sa bahay mo" pagpapasalamat niya.
"Nako wala yun!...... Pero sandali nga Ginoo, bakit ka nga pala napadalaw? Ano ang iyong sadya sa pagpunta dito?" Tanong ko kasi wala naman akong sinabi sa kanya dati na dumalaw siya dito eh.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Narrativa StoricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...