"kamusta friend?"
"wow bago ah!"
"magkano parebound mo?"
"i miss you friend.."
"san kayo nag-swimming?
Puro's ganyan ang naririnig ko pagka-pasok ko palang sa loob ng campus. Fourthyear high-school na ako pero transferee ako, naman kasi nasunugan pa kami ng bahay. ngayon tuloy porita na kami >.<
Room.14 ang nakalagay na permanent classroom ko for the whole year. hindi naman sobrang lawak ng campus na ito kaya mabilis na nakita ko ang room.14 .
Pagkapasok ko sa classroom napansin kong napapatingin sila sakin pero iaalis din naman. siguro dahil new face ako.
umupo ako sa 2nd-row rightside sa dulo kung saan katabi ng bintana.
marami-rami narin ang studyante sa classroom namin. medyo naninibago ako kasi eversince sa allgirls school ako nag-aaral, pero dahil porita na kami kaya transfer na ako dito sa public school.
Naramdaman kong may umupo na sa tabi ko. Babae siya na chubby at maputi, nagkatinginan kami kaya ngumiti siya sakin and I smiled back.
"Hi transferee ka noh?" aniya ng makaupo na siya. Tumango lang ako at simpleng ngumiti .
"ako si kate" aniya at inilahad ang kamay nya. Tinaggap ko ito. "maria rianie odrey ang full name ko. just call me rhian for short"
"wow nice name.hehe" binuksan niya ang bag niya, may kinuha ito at ipinahid sa labi . Lipstick i think. kumuha din siya face powder at nagpahid sa mukha. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa niya yun.
"gusto mo? try mo oily face kana rin eh"
"hindi.. ayoko.." umiling-iling pa ako. Sa gantong klema ng classroom nila, este namin na pala.. mahirap ang mag pulbos dahil magiging libag lang. Hindi katulad sa dati kung school airconditioner .