Warning: Please be open-minded. Some scenes in this chapter is Rated SPG. (Pagbigyan niyo na si Author. XD)
~~~
Marceline's POV
Standing there as he rested himself on the wall. Within just two weeks naninibago ka na ba niyan, Marceline !? Ibang iba kasi yung dating niya. Lalong gumwapo sa paningin ko. And seriously, ang gwapo gwapo niya !
"Sige na, puntahan mo na. It's only 5:30 pm. I'll take care of my self and go enjoy. Have your night with him," bulong ni Young Master Apollo. Tumango lang naman ako at nagsimula nang maglakad papunta sa kanya.
Sorry sa may birthday ngayon pero mukhang hindi rin naman ako officially invited kaya okay lang na hindi na ako maki-join sa kanyang party. Tsaka, ewan ko ba kung sinadya ito ni Young Master Apollo pero wala na rin siguro akong pakielam. At least nandito siya. May ilang nakabunggo sa'kin habang naglalakad ako pero di ko na pinansin. Yung atensyon ko kasi na sa kanya lang. Alam niyo yun, yung pakiramdam na baka mawala siya.
Sa halos two months ko nang pagtatrabaho bilang nanny, o kahit ano pa yung pwedeng itawag sa'kin, ang masasabi ko lang naman eh masaya. Kung tutuusin nga parang hindi rin ako nagtatrabaho. Except sa mga gawaing bahay pero seryoso nga, daig ko pa ang girlfriend nilang tatlo. Lalo na kapag galing sa trabaho sila Young Master Apollo at Young Master Marcus, at sa school naman si Young Master June, bigla bigla na lang silang maglalambing. Sa breakfast at dinner namin (kasama nila akong kumakain), magiging ako si 'Ai' ni Young Master Apollo, 'Babe' ni Young Master June at 'Baby ko' ni Young Master Marcus.
"Hey," nakangiting bati niya. Gosh. Namiss ko po yung boses niya. Konti lang yung space na hindi rin naman ganun kalapit pero amoy na amoy ko na yung pamilyar na amoy niya. Nakaka perv !
Sa totoo lang, sa kanilang tatlo, siya ang crush ko. Oo, crush ko ! At oo din, nagbigay na ako ng interes pero hindi ko pa rin iyon pinapahalata. Ewan ko ba basta ang alam ko hindi ko iyon pinapakita, hindi ko naman alam kung siya na mismo ang nakakahalata o wala rin siyang alam tungkol doon. "Wag na wag kang magpapakita ng interes sa kanila kung ayaw mong mapahamak," yan pa rin ang tumatakbo sa konsensya ko.
Ngumiti ako, pero nanginginig pa rin ako. Wag niyo ng tanungin kung bakit kasi ko din alam. Parang kinakabahan lang ako. "H-Hello," muntikan pa akong mapiyok ! Ano ba, puso ! Wag kang magwala ! >///<
Natawa siya. Nosebleed ! Ang sexy ng tawa niya. Makalaglag Panty 101 by the original Young Master Marcus ! Then bigla siyang tumingin sa'kin ng matapos siyang tumawa. Yung tingin na parang binabasa niya ang nasa laman ng utak mo, isama mo na pati kaluluwa mo. Ganyan katindi yung epekto ng tingin niya. Baka matunaw ako !
"How are you ?" tanong niya. Two weeks and three days in states, bumalik na naman yung accent niya simula noong una namin pagkikita. Pati boses niya ang gwapo. "O-Okay lang n-naman po, Young M-Master Marcus," nauutal ko pa ring sagot. Puso naman ! Kalma lang !
He chuckled again. "Come on, alis na tayo dito. I don't want to be a gate crasher on someone's birthday party." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at kinuha na niya ang kamay ko at lumabas na kami.
Ang init ng kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam ng init na yun pero kailangan na niyang bitiwan ang kamay ko kasi magmamaneho na siya. Ano ba, Marceline !? Wag masyadong madala, kinikilig ka na !
Narinig ko na naman yung tawa niya. "You really are blushing," nakatinging sabi niya sa'kin. Ganun ba kahalata ? "H-Hindi kaya ! Blush on lang yan. Napeke ka 'no ?" lalo niyang ikinatawa ang sinabi ko. Kasi naman, tawa niya lang namumula na ako. Ganun ng siguro kahalata at ramdam ko rin naman, ang init init kasi ng mukha ko. Para akong may lagnat.
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
MizahExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...