What is Love?

34 2 0
                                    

By FLORA MAE GUDEZ

Prologue

Si Valerie Jane del Rio, o Val, ay isang third year BA Communication student ng St. Benedict University. Third year college na siya ngunit wala pa rin siyang boyfriend SINCE BIRTH! Bawal sa kanya ang mag boyfriend, pag nalaman ng mama at papa niya na may boyfriend siya, lagot siya!

Avid fan din si Valerie ng mga K-Pop boy bands. Ambisyosa pa siyang mangarap na K-Pop member ang magiging boyfriend niya pagka-graduate niya. Ginawa pa niyang inspirasyon sa pag-aaral ang mga idolo niya. Mag-aaral daw siya ng mabuti upang umasenso, sumikat, makapunta ng Korea, at magustuhan ng isang miyembro ng Kpop. Ang problema, may magkakagusto kaya sa kanya?

Simpleng babae lang si Valerie. Pulbo, lipstick, at eyebrow liner lang ang gamit niya sa pagme-makeup, kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit single pa siya. Hindi rin siya masyadong nakikipag-halubilo sa mga tao sa school, kasi nga hindi siya sosyal at sa simpleng pamilya lang siya nanggaling. Nakapag-aral lang siya sa St. Benedict University dahil scholar siya.

Wala rin siyang natipuhang mga lalaki sa school niya, kasi nga mga mayayaman ang mga tao dun kaya feeling niya hindi siya belong. Meron siyang mga schoolmates na Koreano pero wala din siyang type. Kahit na may matipuhan man siya, pipilitin pa rin niyang hindi matipuhan iyon kasi nga "BAWAL PA".

Ngunit nagbago ang ikot ng mundo niya simula nang makilala niya si Kyle -- isang Koreanong transferee sa school niya. Kim Min Jung ang totoong pangalan nito at BSED major in English ang kurso. Nagpunta lang siya dito sa Pilipinas upang mag-aral ng english, YUN LANG! Medyo kamukha nito ang KPop member ng EXO na si Sehun; parehas din sila ng height. Ang magkaiba lang sa kanila ay ang ugali. Kung jolly type si Sehun sa EXO; serious type at medyo maangas naman si Kyle. Malas lang kay Valerie at naging classmate at partner niya ito sa speech class.

Oo, type ni Valerie itong si Kyle. Napapanganga siya sa tuwing nakikita niya ito. Sino namang hindi mapapanganga sa kagwapuhan ng koreanong yun. Yung nga lang, hanggang type lang siya, bawal siyang ma-inlove. Hindi rin naman siguro siya maiinlove sa taong yun kasi opposite ng kagwapuhan niya ang ugali niya.

Si Kyle naman, maangas nga, ngunit wala siyang magawa kundi magpatulong kay Val sa English class nila. Walang siyang magawa kundi babaan ang pride niya, putulin ang bunto't at sungay niya, at magpaturo sa feeler nitong partner.

Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Mahuhulog kaya ang loob nila sa isa't isa? Mabibigyan ba nila ng sagot ang tanong na "What is love?"

^_^

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon