Chapter 18: Recovery

24 1 0
                                    


Anonymous' point of view

Kasalukuyan akong naka-upo sa aking trono at naghihintay ng balita mula sa aking mga tauhan.

Oh yes Miccollo, heto na ang simula ng paghihiganti ko. Ang paghihiganti ng isang Loro.

Duanne's Point of View

Mariin kong tinititigan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ang putla-putla ko na. Wala pa akong tulog at ligo. Hindi ko kayang iwan si Lisa, lalo na't may nagbabanta sa buhay niya. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang gumawa sa kaniya nito.

Hindi pa rin namin ma-contact ang Mommy ni Lisa.

Unti-unti na ring bumubuti ang lagay ni Lisa, matapos niyang masalinan ng dugo, galing sa isang hindi nagpakilalang donor.

Umuwi na muna si Maureen para magpahinga ng kaunti, at syempre para maligo.

Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa tabi ni Lisa.

Minamasdan ko ang kaniyang maamong mukha.

"Hoy babaita! Walangya ka! Paliguin mo naman ako. Yung eyebugs ko oh, ang laki na. Paggising mo, kailangan mo kaming ilibre ni Mau. Grabe na paghihirap namin dito eh." Kinakausap ko si Lisa, umaasa na magigising siya. Haaaays.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa yugyog sa akin ni Maureen.

"Duannieee, gising na. May dala akong Chicken Teriyaki, gawa ni Yaya. Kumain ka na." Malambing na saad ni Maureen.

Pagtayo ko, ay si Maureen naman ang pumalit sa upuan ko.

"Sana hindi mo na lang pinalagyan ng fried garlic sa taas. Ayoko ng lasa eh." Reklamo ko, pero tinawanan lamang ako ni Maureen.

"Buti ka pa, nakaligo ka na." Seryosong wika ko, pero tinawanan niya ulit ako.

"After mong kumain, umuwi ka na----- Oh my gosh!" Napatayo ako, dahil sa pagsigaw ni Maureen.

"What happen?" Nagpapanic kong tanong.

"I saw her. Gumalaw yung kamay ni Lisa. Call a doctor." Nagdidiwang na sigaw ni Maureen.

"Can you lower down your freakin' voice?"

"Waaaaaaaaaaaah!" Sabay na sigaw namin ni Maureen.

"OH MY GOSH! GISIBG NA ANG BABY NATIN!" sigaw ko, kaya't biglang nagpasukan ang mga nurse.

"What's the problem, Ma'am?" Nagaalalang tanong ng nurse, pero nayakap ko lang siya.

Unti-unti rin kaming naging kalmado ni Maureen.

"Tapos na kayo?" Masungit na tanong nito.

"Obviously?" Pambabara ni Maureen.

Back to basic.

"Gaano na ako katagal nakahiga dito?" Tanong ni Lisa habang nakapikit pa rin.

"Well, mga 2 months?" Pabirong sagot ko kaya agad siyang napatayo.

"2 months? Seriously? Tapos na ang pasko?" Nagaalalang tanong niya. Nakonsensya tuloy ako sa biro ko.

Bigla siyang napahawak sa sugat niya.

"Uy, joke lang. 4 days pa lang naman. Tsaka, sa monday pa ang pasko." Sagot ko at napabalik naman siya mula sa pagkakahiga.

"Good Morning Ms. Tenorio. Ichecheck ko lamang ang pasyente." Biglang singit ng doctor.

Tumabi naman ako at pinanood ang ginagawa ng doctor.

"Kailangan lang magstay ng pasyente ng higit sa dalawang araw. Pagkatapos, pwede na rin siyang iuwi." Saad ng doctor bago niya lisanin ang kwarto ni Lisa.

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon