HSP Ch. 27

303 4 0
                                    

HSP Ch. 27

// KIRA's POV //

Balisa, parang praning na tulala lang ako sa isang sulok ng bahay nila Nate. Isang babaeng nangunguna sa klase na naka-istokwa sa bahay ng isang lalaki. Ayos, malamang kapag nalaman 'to ng mga nakakilala sakin, mag-iiba ang tingin nila sa akin.

“Kira, mag-juice ka muna.” Biglang sumulpot sa tabi ko si Nate na may dala-dalang juice. 

Tiningala ko siya at ngumiti ng mapait,“Salamat, Nate. Mabuti na lang nandyan ka.” Kinuha ko ang baso at uminom doon. Ano na kayang kalalagyan ko kung wala si Nate sa tabi ko? Ano na kayang kalalabasan ko kung hindi niya ako pinagtanggol? Pinanindigan? Di katulad ng ginawa ni Nathan na tinakbuhan at iniwanan ako? 

Nawala ang mga iniisip ko ng biglang hawakan ni Nate ang magkabilang pisngi ko at iniharap ito sa kanya, kasabay ng pagtitig niya sa mata ko,“Kira, wag kang malulungkot. Baka makasama yan sa anak natin.

Sa pagtitig ko pa lang sa mata niya, naluluha na naman ako. Hindi pa sapat ang pasasalamat kay Nate. Buti na lang talaga sinalo niya ako.

“Ssshh. Wag kang umiyak. Sige na, gusto kong makita yung ngiti mo.” Ngumiti siya sakin habang hawak pa din ang pisngi ko.

Sinubukan kong ngumiti para sakanya. 

“Yan, lalo kang maganda.” Tapos niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya na akong pakawalan.

“Salamat, Nate.” Sabi ko habang yakap siya.

“Wala 'yon. Responsibilidad 'ko 'to para sa anak natin.” Kumalas siya sa yakap at tumayo kaming pareho,“Matulog ka na. Alam kong pagod ka.” Iginawi niya ako sa malaking kama sa kwarto niya.

Humiga ako doon ng nakaupo siya sa tabi ko.

“Nate, matulog ka na rin.” Paalala ko sa kanya.

Ngumiti siya,“Okay lang ako. Sige na, matulog ka na.

Tumango lang ako sa kanya at ipinikit ang mga mata. Sinusubukang makakuha ng katahimikan sa lahat ng problema.

***

Kinabukasan, pagkagising ko, may nakita akong mga maleta sa kwarto.

Sakto namang pumasok si Nate,"Goodmorning." At ngumiti siya sakin.

Ngumiti lang ako skanya,"Goodmorning. Kanino yang mga maleta na nandiyan?"

"Kinuha ko sainyo." At parang kalmado niya pang sinabi sakin.

"Pumunta ka ng bahay?!" Napasigaw kong tanong.

Ngumiti naman siya at lumapit sakin,"Wala dun yung Mama mo. Binigay sakin ng babae na nandun yung mga gamit mo."

"Dapat sinama mo na lang ako."

"Di na kailangan. Trabaho ko yun eh." At hinalikan niya ako saking tuktok.

Napangiti na lang ako. Napakalambing ni Nate. Sobra siyang maalaga. Napapangiti niya talaga ako.

Niyakap ko siya,"Salamat, Nate."

Ngumiti siya at niyakap din ako pabalik,"Wala yun. Alam mong importante ka saken, Kira."

At dun ko napagtanto na papasok pa pala kami. Anong oras na din kasi nang magising ako.

"Nate! Papasok pa pala tayo."

Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya para hindi ako makawala,"Saglit lang. Ang sarap pa nga ng yakap ko eh."

Tinawanan ko lang ang kakulitan niya,"Loko ka talaga. Tara na nga."

At nagasikaso na kami pareho para pumasok sa eskwelahan.

***

Lumipas ang mga araw at hindi ko namamalayang anim na buwan na pala ang laki ng sanggol sa sinapupunan ko.

Sa tingin ko, isa sa pinakamalaking dagok na naranasan ko, ay yung usisain ako ng mga tao. Lalong lalo na sa school.

Nakita ng lahat naroroon ang paglobo ng tiyan ko. Lahat sila,nagtanong. Lahat sila nanghusga. Pero lahat... Lahat-lahat ng sinabi nila, tinanggap ko. Ginusto ko to eh. Pero hindi ibig sabihin na susuko ako. Isang malaking pagkakamali ang kapusukan ko. Pero hindi ko kinokonsoderang malas ang pagkakaroon ng anak at hindi pumasok sa isip ko na ikahiya siya.

Anim na buwan. Limang buwan hindi nagpakita si Nathan sa akin. At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung saan siya nagpunta. Bakit hindi siya nagpaalam.

Anim na buwan akong pinagtiisang alagaan ni Nate sa loob ng bahay nila.

Nalaman ng magulang niya ang tungkol sa mga nangyari at isang malaking himala na mas pinili pa nila akong suportahan.

Pumatak na ang buwan ng January. At ako lang ang mag-isang nandito sa bahay pagkatapos umuwi galing school.

Naglinis ako ng kwarto. Lahat ng pwede kong gawin para matulungan si Nate, ginawa ko. At pagkatapos, naligo ulit ako.

Nagpunta si Nate mall para mag-grocery para sa mga kakailanganin namin sa bahay.

Nakakatuwa lang na pati sila Alex sinusuportahan din ako. Todo alaga sila saakin kapag nasa school at sila yung parating nagtatanggol sakin sa lahat ng mga tao na may mapanghusgang dila.

Andami ko dating nirereklamo sa Kanya, pero ang totoo, madami na Siyang tinugon sa mga kailangan ko. Isa na dun ang mga kaibigan ko, pati na din si Nate na hindi nagsasawang mag-alaga sakin at magpasensya kapag inaatake ako ng kasungitan. Sa anim na buwan na lumipas, imposibleng hindi mahulog ang loob ko sa lalaking katulad niya.

Wala na akong pakealam sa mga taong nang-iiwan. Dahil sa buhay ngayon, hindi na dapat dagdagan ng pansin angmga nang-iiwan. Pahalagahan natin yung mga taong hindi tayo sinukuan.

Bumaba ako sa salas para magbasa basa magazine.

Nung nasa ikapitong pahina na ako, biglang tumunog ang doorbell.

Tumayo ako agad sa pagiisip na si Nate ang nagdoorbell.

Pero laking gulat ko na lang ng pagbukas ko ng pinto, hindi si Nate ang nandon.

Nandito siya sa harap ko. Nakatayo, buhay na buhay.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at namamanghang binanggit ang pangalan ko,"Kira."

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon