Chapter 4: Race to Consequences

2 1 0
                                    

---
I didn't bother to talk kahit na sigaw na ng sigaw ang kapatid kong si Xin.

"Arghhh!!!...Mamatay ka na!!... Punyeta!"

Nageever wing lang naman kasi ang magaling kong kapatid para matalo ang highscore kong 4,950.

Hindi ko nalang siya pinansin at saka nagdrive papuntang sa JIS.

Nagmamaneho ako ng motor ko, obviously. Nang mapagisipan kong dumaan muna sa Starbucks.

Ipinark ko muna ang motor ko at saka pumasok sa loob.

At dahil maulan ngayon I decided to wear my black leather jacket covering my blank sando together with my Black skinny jeans and my black Dr. Martens' Boots.

Well.. You're right. I'm really not fond of black.

"1 Javachip frappe, please." ani ko.

"Name?"

"Xam." I answered.

Umupo ako sa bakanteng upuan bandang likod malapit sa bintana. Maya maya lang rin ay dumating na ang order ko. I was taking a sip nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko.

"Ang tadhana nga naman, Xammy." nabaling ang tingin ko sa nagsalita at sabay nagtaka ang aming paningin. Tama nga ang hula ko..

"Oo. Pinagtagpo tayo. Pero hindi tayo itinadhana, Blaise." I muttered as I furiously look straight in his eyes.

"I'm just kidding,Xam. Why so serious?" aniya tsaka humagalpak sa tawa. I think this guy is the one that Xin is talking about. You know, the one ON drugs. "Oh Jace!" he shouted at saka umakbay sa kasama niya. "What took you so long?"

"Psh." rinig kong bulong ni Jace.

"Have I already introduced Ja-"

"I know him/her." sabay naming sabi. Napatingin naman kami sa isa't isa at sabay ring umiling.

•••

Sumakay ako sa motor ko at ganun rin si Jace. Si Blaise naman ay sumakay sa white porsche niya.

Halos magkatabi lang ang motor naming dalawa ni Jace habang nagdadrive sa Highway. Tumigil kami pareho nang pumula ang ilaw sa traffic light.

"I'm sooo bored." singhal ni Jace. Hindi ko siya pinansin. I smirked when suddenly and idea came up.

"How about a race?" ngisi ngising tanong ko.

Nabaling agad saakin ang atensyon niyang may puno ng pagtataka at saka niya ako tinaasan ng kilay.

"When the light turns green yung ang magsisilbing 'Go' natin... And our finish line will probably be at the JIS campus." ani ko. "Game?" dagdag ko pa.

Yung kunot noo niyang expression ay biglang naglaho at saka napalitan ng ngisi. "Bring it on." aniya.

Nagmala toro ang tunog ng aking motor at ganun rin kay Jace.

3..     2..    1...

GO!!

Agad kong pinaharurot ang motor ko at ganun rin si Jace.

May ngiti sa aking mukha habang nagmamaneho at si Jace naman ay kunot na kunot ang noo.

Mas binilisan ni Jace nang makadaan kami sa intersection na siyang ikinangisi ko lalo.

Binilisan ko rin ang pagpatakbo ng motor doble pa sa bilis na pinapa kita ni Jace na siyang ikinabigla niya.

Hindi pa man umaaboy ng ilang minuto ay naaninag na namin ang malawak na Campus ng JIS.

Salit salita kami ni Jace sa pagiging lead. Minsan siya ay ang nauuna pero kadalasan naman ay ako.

Topher's POV

"Andyan na ba ang kapatid kong si Xam, Topher?" Xin asked me surprisingly.

"Hindi pa nga eh." sagot ko. Oo nga naman.. Asan na ba ang babaeng yun?

"Where is that son of a bitch!?" Xin exclaimed.

Nakalimutan ko sigurong magpakilala..

Hi! First POV ko rin toh kaya syempre kailangan ko talagang magpakilala!

I'm Topher Toshiro Ayazawa. Childhood friend ko si Xam and so as Jace and Blaise.

Kaibigan ko silang pareho, si Jace at Blaise. Pero hindi na ngayon...

Some people hide their true identity with such a simple mask.

Kanina pa wala si Xam kaya't napag isipan kong tulungan maghanap sakanya si Xin. Pumunta ako sa parking lot ng JIS at...

ERRRRRKKK!!

Halos lahat ng taong nagkukumpulan sa parking lot ay gaya kong nagulat at napatingin sa gawi ng tunog na lumikha ng napakalaking usok. Ang tunog namang narinig namin halos kaparehas ng tunog ng kotse kapag ito ay nagdidrift.

Agad kong itinuon ang atensyon ko sa usok nang may bigla akong marinig.

"I Win." dinig kong boses ng isang babae.

"Psh.."

Nang mawala ang usok ay tila nanlaki ang mga mata ko pati narin ang mga tao sa paligid ko.

Nakasakay sa magkaibang motorsiklo si Jace at Xam habang hawak hawak ang kanikanilang helmet.

Don't tell me na...

"Nagdrag race kayong dalawa?!"

Xam's POV

Hingal na hingal ako nang tumigil kami sa tapat ng entrance ng JIS at sa tapat ng madla.

"Nagdrag race kayo?!" pasigaw na sabi ni Xin habang kunot noong naglalakad papunta saamin. Si Eiva naman ay nasa harap rin naman na nakapa mewang.

"Uhh.. Yes?" simpleng sagot ko.

Napatingin ako sa kasama ni Xin na si Eiva na nakataas ang kilay.

Napakamot nalang kami pareho ni Jace dahil sa inasta ng dalawa.

•••

Matapos ang mala nobelang litanya ni Xin ay tumungo na kami sa classroom namin.

I'm back at it, again. To my normal and boring life pagkatapos ng nangyareng drag racing saamin.

"At dahil late kayo Ms. Schwinn at Ms. Baelshmith, the both of you will be partners in practicing..." aniya ni Ms. Buendia, Prof. Namin.

Practice?? Ng ano??

"Practice what??" tanong naman ni Jace.

"Waltz."

Waltz lang naman pala eh...

W-Wait. Whut?!

"Waltz?!" sabay na sigaw namin ni Jace. "Sasayaw kami?" dagdag niya pa.

Oh fvck! Can this day get any better!?

An Angel in Disguise [ON GOING]Where stories live. Discover now