SINGLE KA BA? MAHAL KASI KITA (#SKBMKK) (ONE SHOT ROMANCE)

665 7 2
                                    

SINGLE KA BA? MAHAL KASI KITA

By: Tsoklet Ayskriim

“Tiktilaoooooooooooooooooooooooooooook!”, sabi ng manok.

Ang ingay friend ha? Maaga pa okaaaay?! Maaga pa! Ashushu nakakapambulabog ka ng taong tulog eh.

Teka, teka teka -------------

Paano nagkaroon ng manok?... like Hello??? Nasa condo po ako hinihintay si vhong may dalang foods XD

De joke lang. Nasa condo ako ni Katy nakikitulog.

“Haaaaaaaaaaaaaay”, *hikab. Nananaginip ata ako na may manok.  Masyadong namimis ko na ang probinsiya. Buti na lang uuwi na rin ako mamayang alas dos. Magbabakasyon ako. YEHEY! Tatakasan ko muna ang pagiging call center agent sa isang buwan. Hihiihihi XD

Naligo ako, nagtoothbrush at kumain. Aish. Mali pala. Kumain ako, nagtoothbrush at naligo XD Nag- ayos na rin ng mga di pa naeempakeng gamit at pasalubong para kina nanay at tatay plus kapatid kong si Joshua.

Hinintay ko ang alas dos. Tagal eh… pero sa wakas, dumating din siya. Hinatid ako ng pinsan ko sa airport tapos umuwi na siya. Haha. Malamang!

“Nay! Tay! dumating na po si ate Sophia!”, sigaw ni bunsoy Joshua.

Tapos, yung usual batian, kissing and hugging scene pag may dumating. Suuus alam niyo na yun. Itatype ko pa ba? Haha.

Shempre natulog ako. Nakakapagod eh. Baka isipin niyo, antukin ako ha? Yung start kasi, natutulog ako, tapos ngayon tulog nanaman? Hahahaha. Yung nagsulat po nito ang antukin, hindi si Sophia.

Kinabukasan ng hapon, inaaya ako ng kapatid ko sa plaza. May paliga daw kasi. Ayses wala akong hilig sa basketball. Sa isang basketball player, meron… pero sige go na lang. Matagal ko rin kasing hindi nakasama ang kapatid kong 12 years old pa lang kaya sinamahan ko na para may bonding din kami.

Ayyyyy. Nakakaantok nanaman. Haha. Yung writer ang antukin, remember.  Nakakaantok kasi di pa nagsisimula.

“Uwi na tayo Josh?”, sabi ko.

“Haaaaa? Grabe naman ‘to si ate oh. Di pa nga nagsisimula eh.”

“Sige, bili muna ako ng tubig dun ha? Baka makatulog na ako nito eh”

 Pumunta muna ako sa tindahan sa malapit para bumili ng tubig. Grrrr. Ayoko talaga manood ng basketball eh kasi naman!

Bigla may nagsalita sa mic. Magsisimula na ata. Nagsilapitan na ang mga tao. Naglakad ako pabalik. Pabalik sa basketball court ha! Baka isipin niyong naglakad ako patalikod.  Matutumba ako pag ganun. Baka mawalan na ako ng puwesto pag di pa ako bumalik dun…

Naglalakad ako tapos biglang…

-

-

-

-

-

-

BOOOOOOOM!!!!! May sumabog na bomba!

-

-

-

-

Hahahaha. Shempre joke lang XD Nabangga ako. Pshshshshshshs. Mukhang malaking tao nakabangga sakin kaya natumba pa ako. Asan mata mo tsong?????. Haaaaay naku. (Hahaha. Nanisi eh di rin naman tumitingin sa dinadaanan kaya may nabangga!) Eh anong problema dun? Puro tao nasa harapan ko eh.

SINGLE KA BA? MAHAL KASI KITA (#SKBMKK)  (ONE SHOT ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon