Am I Dreaming? (One Shot)

615 26 20
                                    

What would you feel if you received a flower from your Crush? A simple,single, beautiful flower. Is it a big deal for you? Eh paano naman kaya sa kanya?.. HMPP...!

************************************************************************

Grechen Ann Benjamin po.  "Gab" for short. Yun lang!.. ahah! Tall, white, straight hair, and friendly. hehe


"Happy Fiesta!!"


Feast day ng Patron Saint sa aming section ngayon.  Ang ingay ng room namin..! Ang daming pagkain,  prizes, may malakas na new hit songs, at higit sa lahat, ANG SAYA NAMIN!!!!. Minsan nga ay napapagalitan kami ng other teachers sa kabilang classroom dahil sa sobrang ingay namin.  But that is what high school students always do... MAINGAY TAYO!!!...


"We will have our games now"


Yess! Games na! Treasure hunting ang first game namin.  We have to find treasures one at a time para maka-proceed sa next treasure.  We have to look for five treasures.  And we have  already found four.  Obviously, isa nalang ang kulang para manalo na kami!!..


Actually, its not an easy game.  We have eight buildings in our school with six floors. Nahahati ang grupo into eight groups with five members.  Tig-iisang building kami.  Nasa building #2  kami naassign.  At ang swerte ko dahil ditto ang building ng crush kong si ETHAN!!!!!!!!...


Ethan was a high school student at magka-batch kami.  Meztizo siya at bagay na bagay ang uniform niya sa kanya.  Simple but handsome.  Medyo makapal yung eyebrows, may dalawang dimples, at gumagamit ng braces.  Napaka-strict ng parents niya, kasi pati ngipin niya ay kailangan pang harangan.!!.. ahha! 


Kasalukuyang nasa third floor ako kasama ang bestfriend kong si Gresha.  Habang ang iba ay nasa ibang floor.


"Arrrggh! Bakit ba kasi ang laki ng building na'to ?!" reklamo ni Gresha habang nakaupo sa may hagdan.


"Hoy, tumayo ka nga jan. Baka makita ka ni Ethan. At baka isipin niyang may kaibigan akong baliw dito." Sabi ko.


"So, kinakahiya mo ako, ganun? Teka, treasure ba ang hinahanap mo o yang Ethan mo?" tanong niya.


"Ethan ka jan!!!" sigaw ko.


"Hinahanap mo si Ethan? Nasa room 384 siya" sabi nung lalaki.


"Hindi! Nagkakamali ka! Hindi ko siya hinahanap! Ang ibig kong sabihin ay yung aso namin.  Ethan kasi ang pangalan niya. Heheh" palusot ko at umalis na rin yung lalaki. Kaklase niya ata.


"Alam mo, napaka-denial mo.  At kailan ka pa nagkaroon ng aso hah? At Ethan pa talaga ang name?" tanong ni Gresha at nagsimulang lumakad.


"Psst! Hoy! 'San ka pupunta?!" sigaw ko kay Gresha ng pabulong, alam nyo na yun. Hehe.  The classes are still going on pa rin kasi eh.


"Eh ano pa ba ang ginagawa natin dito? Edi maghahanap ng treasure...." Sagot niya.


Am I Dreaming? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon