Mga Tanong na di na Masasagot

57 0 0
                                    

Mga Tanong na di na Masasagot

Ang mga sagot na gustong gusto ko
Sa mga tanong kong ayaw itanong sayo
Ayoko kasing masaktan
Mismo sa iyong harapan

Sasabihin ko na lang dito
Dito na papel na blangko
Ilalabas lahat ng damdamin ko
Mga tanong na para sayo

Isa,  dalawa,  tatlo, o lampas pa
Pagtatanong ko'y isasagad ko na
Tulang tanong lang ang laman
Tanong na galing sa aking nararamdaman

Mahal mo bang talaga siya?
Na kaya mo na akong iwan para sa kanya?
Ipagpalit ako sa isang tulad niya
Kase wala naman talaga akong kwenta dba?

Kayo na ba talaga?
O tayo'y may pag-asa pa?
Siguro ayoko lang maniwala
Kase hanggang ngayon ako'y umaasa

Mabait ba talaga siya?
Oh sadyang ako'y masama?
Tao lang ako,  pasensya na
Di ko rin kayang maging tulad niya

Ano ba ang nariyan sa 'yong mata?
Tila may nakikita akong kakaiba
Na kahit papaano ay meron pa
Meron pang pagmamahal na para sakin ay natira

May kuryente ba talagang dumadaloy?
Sa kamay na pinagdidikit natin?
Na parang minsan sing init na ng apoy
Ang ating damdamin

Minsan sa aking pagsasawa
Naiitatanong ko na lang talaga
Kaya ko pa bang kumapit?
Kung ikaw ay bumibitaw ng pilit?

Kapag ako ay galit
Salita ko'y nag iinit
Naiitatanong na lang na manhid ka ba?
O sadyang pakialam mo ay wala na?

Sana kasi minsan mapansin mo ako
Di mo ba halata na nakatitig ako sayo
Sinusulyapan ka minu-minuto
Takot na ako'y mahuli mo

Ang kaso kahit anong galit at pagod ko
Nawawala rin kaagad ito
Iyan naman kasing ngiti mo
Sobrang nakakatukso

Bakit kasi ang tanga tanga ko?
Hindi pa kita pinili noon
Kung sanang naging ma-ingat ako
Nasa akin ka sana ngayon

Mas nakakatakot itanong sayo
Yung tanong na " Mahal mo ba ako? "
"Mamahalin mo pa rin ba ako?"
"Mahal mo pa rin ba ako? "

Kase kahit diko itanong alam ko na'ng sagot mo
Halata naman sa salita't kilos ko
Sadyang nagbubulagbulagan lang ako
Ayaw umalis sa nakaraan ng 'tayo'

Ilang saknong na nga ba ang nagamit ko?
Pero alam kong marami pa ito
Hanggang dito na lang siguro ako
Kahit ito'y itanong ko siya pa rin naman ang mahal mo





Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon