Mahal Kita
Ano ba ang mababago ng salitang ito?
May mapapala ba ako pag sinabi ko sayo?
Pipiliin mo na non ako?
May masusukli ka kaya dito?Pero minsan ang sarap nitong isigaw
At masarap ring masuklian
Kahit siguro araw araw
Di magsasawa sa 'yong sasabihanKaso may mga bagay na minsan
Minsan kailangang itago
Kailangan na lang hayaan
Alam na kasi nilang walang magbabagoYung iba naman gustong gusto nila
Gusto na nilang sabihin
Kaso yung sasabihan nila may iba na
Kaya maglihim ang kanilang pipiliinAko? Matagal na matagal na
Dapat dati la nasabi ko na
Kaso mukhang ako'y nahuli na
Kaso may mahal ka ng ibaMahak kita
Mahal kita
Sana pag nalaman mo
Mahalin mo rin ako
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoesíaMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala