Chapter 14

11.4K 320 39
                                    

Napabalikwas ako ng bangon sabay tingin sa wallclock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Napamura ako, alasdyes na pala ng maga. Nakatulog pala ako ng mahaba. Humiga kasi ako ulit pagkatapos ko manggaling sa labas. Agad ako lumabas para hanapin sina tatay.

Si Potpot lang naabutan kong naglalaro sa sala.

"Pot! Sina tatay?" tanung ko.

" Umalis po kasama si ate Clarise at ate Alex. Dala nila yong manok na pana-

di ko na pinatapos yong sasabihin pa sana ni Potpot, nagbalik ako sa kwarto at agad na nagbihis. Wala ng ligo-ligo. Dumeretcho ako sa bakuran, alam ko naman kung nasaan yong sabungan e, kala nila huh.

Nakatali pa yong isang panabong ni tatay at isang inahing manok. Huhulihin ko sana yong tandang kaya lang tinuka ako sa kamay, buset naman. Yong inahing manok nalang ang hinuli ko dahil mas madaling hulihin. Dapat may dala din akong manok sa sabungan, baka di nila ako papasukin kapag wala akong dala.

Pagkahuli ko ng manok ay agad na rin akong sumakay ng jeep. Bitbit ko yong manok, parang gusto ko na ngang sakalin, makaputak ba naman ng wagas.

"manong, sa sabungan po." sabi ko kay manong driver habang iniaabot ko yong pamasahe ko. Tiningnan pa nya ako ng nagtataka-look bago nito inabot yong bayad ko. Yong mga pasahero naman ng jeep ay nakita kong tinitingnan ako saka sila nagbubulongan. Tsk! Pakialam ko sa inyo, manigas kayo sa byuti ko.

Bababa na sana ako nung biglang tumilaok ang inahing manok na hawak ko. Nagtakip naman ng tenga ang mga pasahero. Nangiti ako saka ko hinaplos ang manok ko, "handa ka ng makipaglaban anu, chil ka lang." at bumaba na ako, baka mahighblood na ang mga pasahero ng jeep, kanina pa putak ng putak ang manok ko e, excited daw sa laban.

Papasok na sana ako ng harangin ako nung gwardia.

"ineng bawal po ang menor de edad dito." pagbabawal nya sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Di na nga ako nagsuklay para magmukha akong matured.

"Manong guard di na po ako bata, bente na po edad ko." pagsisinungaling ko.

"Sus, wag mo ako lukohin ineng. Sa height mo pa lang parang nasa katorse ka pa lang." nakangiti pang sagot ng guard. Naglabasan tuloy ang bokbok nitong ngipin sa gitna. Ewwww.......!

"Ay si manong guard naman e. Kita nyo naman po na may hawak akong manok, makikisabong po ako." sagot ko naman at ipinagduldulan ko sa mukha nya yong dala kong manok. Tumawa naman ng tumawa si manong guard. Pati pala bagang nito bokbok na rin, triple ewww.....

"kaw ineng, galing mo pala magpatawa. Makikisabong ka kamo?" tanung nito na natatawa pa.

"0o nga po." inis naman na sagot ko, ang kulit e. "eto nga po may dala akong panabong ko." at itinaas ko pa yong dala kong manok.
Muli nanamang tumawa ng tumawa si bokbok na gwardia, lumapit tuloy sa amin yong isa pang gwardia.

"Pare, anung merun dito? Ang saya yata natin ngayon." anito kay bokbok guard at nagtataka ang tinging ipinukol nito sa akin.

"i-iyang bhata khasing yhhaan!" sabay turo sa akin. "Makikisabong daw, ang dala naman inah--

inahing manok.!" halos di na makapagsalita ang guard dahil sumasabay ang pagtawa nito.
Napatawa naman yong isa pang guard, napahawak pa sila sa tyan nila habang tumatawa. Tsk! Anu daw nakakatawa don?

"Mga hoy!!" sigaw ko. Napatigil naman sila sa kakatawa, nakakainis na kasi eh. "Papapasukin nyo ba ako o hindi?" nakasimangot na tanung ko.

" kasi ineng naman, inahing manok yang dala mo, di yan panabong." anang isang guard na kakarecover lang kakatawa.

huh? ganun pala yon. Eh malay ko ba.

"ah kwan po manong, yong anak po nitong dala kong manok ay nasa loob. Gusto raw nya mapanood yong anak nya para may magche-cheer." sagot ko naman, o di ba? "susuportahan daw nya yong anak nya sa laban." dagdag ko pa.

"kahit anung palusot mo, di ka talaga pwede pumasok ineng, saka patapos na ang sabong. Palabas na nga yong mga iba o.." sagot ni bokbok guard sabay turo sa loob.
Palabas na nga ang mga tao. Kita ko rin sina tatay at ang dalawa nitong alipores, nag apiran pa ang mga ito. hmp! >_< kainis kayoo!!!

"Anak!" gulat pa si tatay pagkakita sa akin. "Anung ginagawa mo dito?"
Gulat din sina dober at ate Clarise at nakatingin pa sa hawak hawak ko.

"Sinundan ko po kayo, bakit nyo kasi ako iniwan.?" maktol ko.

"e sa di ka nga pwede sumama, saka bakit dala mo yang inahing manok ko?" napapakamot na tanong ni tatay.

"Ciel, gusto mo ng fried chicken anoh? Wag mo pagdiskitahan yang manok ni tatay. Mag k-kfc nalang tayo. Panalo manok ni tatay!" masayang balita ni dober pero nakakainis pa rin, bakit may halo pang pang-aasar at talagang ikina-career nito ang pagtawag ng tatay sa tatay ko.

"Tse! Wala akong pakialam! Bakit nyo ako iniwan hah?!" bulyaw ko sa kanya.

"chil ka lang Ciel, di nga pwede ang bata dito, diba mga guards?" tumingin pa ito sa mga panget na gwardia. Tumango naman ang mga ito.

Ngumuso na lang ako.

"Makikisabong din ako." ako, sako itinaas ang manok na hawak ko na kanina pa putak ng putak.

"Isip bata ka talaga Ciel, akin na nga yan. Hindi panabong ang inahing manok." at kinuha naman ni ate Clarise ang manok ko. Nagpout na lang ako, sa totoo lang naginhawaan din ako, medyo mabigat din yong manok eh.

"bili nalang tayo ng bahay ng manok, baka magdumi pa sa kotse ni Alex." ani kay ate Clarise. Speaking of Coco martin, nasa gilid lang  pala nakapark at lahat yata ng tao don yun ang inuusyuso. Kagwapo naman kasing sasakyan, mukha pang mamahalin.

"nagtago ba yong suklay at tubig kanina Ciel?" ani dober sa akin. Naiwan kaming dalawa dahil bumili ng bahay ng manok sina tatay at ate Clarise.

"huh?" kakong nalito sa tanong nya.

"tinatanong ko kung nagtago ba yong suklay at tubig kanina, ang gulo-gulo ng buhok mo." anito saka lumapit sa akin at sinuklay nito ang buhok ko gamit ang daliri nya. Para namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa ginawa nya, para akong nakikiliti na ewan. Magkalapit pa masyado ang katawan namin, feeling ko yong normal na temperatura ng katawan ko ay tumaas.

"ugh.. dober, lumayo ka nga!" kunwaring pagalit na taboy ko. Di naman ito natinag.

"tumahimik ka lang dyan bansot, ikaw na nga itong inaayusan." anito at walang pakialam na isinusuklay pa rin nito ang daliri nito sa buhok ko. Bawat taong dumadaan ay napapatingin sa amin kaya nailang ako, alam ko namumula na rin ang mukha ko.

"Aish..! Kainis ka dober.." ako, at pilit ko nilalayo ang kamay nito sa ulo ko.

"sshhh......! Wag makulit bansot." patuloy pa rin ito sa ginagawa nya. Hmp! nanahimik na lang ako. Hinayaan ko na lang siya. Siya ring dating nina tatay ate Clarise. Ewan ko pero parang iba ang tingin sa amin ni ate Clarise kanina, nakatutok pa ang mata nito sa kamay ni dober na busy sa ulo ko. Hala, baka nag iisip na ito ng "green". Tsk! Si dober kasi!

"Tara na."mahinang ang pagkabigkas ni ate Clarise, nauna na rin ito kay coco martin. Haist, baka may regla lang si ate.

Sumunod na rin kami. Sosyal ng manok ni tatay, makakasakay ng "tron". Yun kasi nakita ko nakalagay sa harap ng kotse ni dober e. Tron coco martin na ang pangalan nya sa akin. Lahat naman ng tao ay nakatingin sa amin. Sumakay naman sina tatay at ate Clarise sa backseat. Ako? Usual, ako nanaman sa harap, pinagbuksan naman ako ni dober dahil nga prinsesa ako. hihihi!

^-^

Thanyou for reading;)

Mga silent readers magparamdam naman po kayo..

vote

comment

po;)

mhuah! muah!

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon