Malay lang

36 0 0
                                    

Malay lang

Sa mga akala maraming nasasaktan
Sa bawat "malay mo" maraming umaasa
Ngunit paano pala kung ito'y totoo
Pero huli na ng malaman mo

Maraming malay ang nakaksakit
Mga akala na dulot ay pait
Masaya sana kung di ito akala
At totoong mangyayari pa

Malay mo gusto ka niya?
Pero ayaw mo na sa kanya
Malay mo peke lang yung sila?
Kaso agad kang naniwala

Malay mo ikaw talaga?
Kaso iniwan mo na siya
Malay mo may pwede pang magbago?
Kase umiikot naman ang mundo

Alam mo yung pinapasakit?
Yung hanggang malay na lang talaga
Mapapangiti ka na lang ng mapait
Kase paulit ulit kang naniniwala

Gustong gusto mong mapunta sa reyalidad
Ang "malay mo mahal ka rin niya"
Kaso malabo na itong matupad
Dahil sa ayaw niyang mapunta ka sa kanya

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon