Chapter 1
Sooyoung's POV
Naisip ko lang, sa dinami-dami ng eskwelahan, bakit dito pa sa mamahaling paaralan ako pinag-aaral ni papa? Hindi naman sa nagmamayabang, pero kahit na may-ari kami ng dalawang hotel, ospital at dalawang malaking spa dito sa Manila, eh ayoko padin mag aksaya ng pera! (Nagmayabang padin.) Performing Arts ang napili kong kurso, dalawang taon lang 'yun dito sa paaralan na 'to kaya nasasayangan ako sa tution fee. Pero gayunpaman, dito padin ako pinag-aaral kasi mahal ako ng papa ko kahit hindi business related yung course ko. Gusto din daw kasi niya na maganda ang paaralan na papasukan ko.
Blank University.
Dito nagaaral lahat ng college student na gusto mag-perform, mag-perform bilang artista, theater actress/actor at kahit ano pang artist yan, basta gusto mag-perform, dito ka sa paaralang ito. Sa totoo lang, hindi lang naman din ang papa ko ang dahilan kung bakit dito ako mag-aaral, ini-rekomenda talaga ako ng 4th year adviser ko sa school na ito eh, tas pinag-audition nila ako at ayun, nakapasok naman din ako with high remarks pa.
First day ko ngayon...
Sabi nila kung ano daw mangyari sa first day mo, ganun din daw sa buong school year. Kaya kung ano man ang mangyari ngayong araw, pangit man o maganda, bahala na!
"Sooyoung!" Biglang may sumigaw sa likod ko kaya napalingon ako sa likod. *Face palm* Ang best friend kong lang naman na napakakulit.
"Oh, bakit parang ayaw mo naman ako makita?" Sabi niya sakin sabay nalungkot siya at nag cross arms na may kasamang pag-pout.
"Aga-aga kasi nakikita ko mukha mo." Sabi ko sakanya at bigla akong natawa.
"Ang sama mo naman best friend." Sabi sakin ni Min-Ah. Nakasimangot padin siya sakin at nagda-drama, aba teka! Pinagpa-practican lang ata ako nito eh.
"Ako ba pinagpa-practican mo ng acting mo? Min Ah, di mo ko maloloko. Pumunta ka na sa klase mo, baka ma-late ka pa." Sabi ko sakanya at bigla siyang tumingin sakin tapos nag smile.
"Ang galing mo talaga mang bisto bes!" Sabi niya sakin sabay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Aish, ako pa ba? Sige na Min-Ah. Nasisikipan na ko sa yakap mo oh." Sabi ko sakanya sabay bumitaw na siya sa pagkaka-yakap sakin.
"Pero ang sungit mo rin talaga. Sige na, bye! Love you!!" Aba't humabol pa ng asar! Nung kukurutin ko sana ang pisngi niya tumakbo na siya papalayo sa akin at kumaway habang tumatakbo.
Hindi ko na pinansin si Min Ah kaya napag-isipan ko ng magpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom ko. Pero nung tumalikod na ko para maglakad, may nakabungo ako. Sa sobrang lakas ng pagkakabunggo namin natumba na ako sa sahig.
"Ouch!" Pasigaw kong nasabi dahil nagulat talaga ako sa mga pangyayari, buti nalang naka-pantalon ako at hindi nagalusan ang aking mga binti na sobrang payat.
"Hala miss, Sorry! Di ko sinasadya." Sabi sa akin ng lalaking nakabunggo sa akin. Ini-abot niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko na ito hinawakan kasi kaya ko namang tumayo ng sarili ko.
"Okay lang, di nama- Suho?!" Sabi ko habang nagpa-pagpag ako ng dumi. Pag-angat ko ng ulo ko, nagulat ako kasi si Suho pala 'to! Best friend ko. Hindi niya na ba ako namukhaan? Sobrang tagal na naming hindi nagkikita.
"Soo-jin?" Naisip ko, Bakit Soo-jin? Hindi naman Soo-jin ang pangalan ko ah?
"Soo-jin ka diyan? Lolo ka na ba? Sooyoung! Si Sooyoung to." Sabi ko sakanya at nagsmile sakanya. Inayos ko pa yung buhok ko para makilala niya ko.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanfictionNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?