This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Introduction
Si Tanya Lopez ay nag-iisang anak ng may-ari ng isang sikat na Clothing Line. Ang BELLA. Nasa kanya na ang lahat. Pera, Ganda, Kabaitan at Kasikatan. Perpekto na nga kung maituturing. Sa edad na 18 years old ay napilitan siyang magpakasal sa isang mayabang na lalaki at higit sa lahat ay malakas mang trip... Akala niya noon ay hindi na uso ang Fix Marriage pero nagkakamali siya dahil ngayon ay dinadanas niya na ang kalupitan nito. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nito kaya napagpasyahang i-fix marriage ang kanilang mga anak. Sa ngayon ay nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong.
Nagsimula ang istorya sa.......
"RECHIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!" minsan nakakabanas na talaga ang lalaking iyon. Hindi pala minsan kundi araw-araw nalang. Kung hindi niya nilalagyan ng sulat ang mukha ko gamit ang pentle pen, minsan naman ay binubuhusan niya ako ng malamig na tubig tuwing umaga. Pinipigilan ko lang ang sarili kong magalit pero ngayon? hindi na talaga ako nakapagpigil. Pano ba naman ay binuhos niya sa mukha ko yung honey syrup.. Nakakainis!!! huh. Napanguso ako. Ang lagkit ko na!
"HAHAHAHAHAHAHAHA.. Ang panget mo talaga kahit kailan! Huwag ka ngang ngumuso, nasusuka ako.." tumalikod na siya para kunin yung tinoast kong tinapay para sa agahan namin.
"Linisin mo yung mukha mo at sumama ka sakin sa Birthday Party ni Dominic" pagkatapos niyang kagatin yung tinapay ay pumasok na siya sa kwarto niya.OO . magkahiwalay kami ng kwarto. Bata pa kami at isa pa, ayoko kayang makatabi yung halimaw na yun. Ang tumira nga lang kasama niya ay parusa na para sa akin. Tuwing umaga lagi siyang may surprise sakin. Kaya lang hindi ako natutuwa sa mga surprise nyang iyon. Mas lalo lang niyang pinaiikli ang pasensya ko.
Pagkatapos kong ligpitin ang kinainan namin kahit na wala naman talaga kaming kinain kundi yung apat na tinapay lang ay pumasok na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay sinarado ko lang ang pinto at hindi ito ni-lock. Kinuha ko ang towel ko at pumasok na sa banyo. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ay may biglang kumatok sa labas ng kwarto ko. Dinig ko ito dahil napakatahimik lang. "Tanya!!!! Ano ba! ang tagal mo naman!! Huwag ka ng magpaganda. Panget ka pa rin kasi!!! hahahahahahha" humalakhak siya ng parang kontrabida sa buhay ko. Ay mali! Kontrabida na talaga kasi siya noon pa man. Saka ano yung ppinagsasabi niya? Nye.. Nyeeee. Ako nga ang Ms. Intrams sa school namin last year eh. tapos.... tapos.... Arghhhhhhhhhhhh.. Ka badtrip talaga!!!
Naging mabilis nalang ako dahil ang halimaw ay hindi na makapag antay.
Paglabas ko ng kwarto ko ay mukha niya agad ang bumungad sakin. Nung nakita niya ako ay umalis na siya. Hmp! Ni hindi man lang purihin ang suot ko o kaya hintayin man lang akong tuluyang makalabas.. Hay! Ano ba naman ang aasahan ko sa isang tulad niya? Isa siyang halimaw na ipinadala sakin para mabaliw o kaya maluka ako at tuluyan na akong masiraan tapos pagssamantalahan ako ng iba. Oh shet. Kailangan hindi ako magpadala sa mga sasabihin niya. Kailangan, ako ang magpapaalis sa kanya o kaya gagawa ako ng paraan para layuan niya ako. Aha. Napasmile ako sa ideyang naisip ko. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Para kang siraulo! tss..."
Napasimangot ako ng marinig ang boses niya. " Para kang sira ulo!.... Nye nyeeeee,,,," ginaya ko ang tono niya tapos bigla siyang napalingon sakin. At binigyan niya ako ng isang deathe glare. Halimaw nga talaga!
Nauna siyang pumasok sa kotse kaya pumasok na rin ako at umupo sa back seat. Nung inaayos ko na ang upo ko ay may biglang pumukol sakin ng isang flying unan. "Aray! ano bang problema mo ha?" tanong ko a kanya.
"Dito ka sa front serat. Baka mapagkamalan pa akong driver mo! bilis!" Sabi niya ng makita niyang hindi ako kumikilos.
"Oo na, teka lang.." bumaba ulit ako. Pagkatapos ay pumunta na dun sa may front seat.
"Kanina lang nagmamadali ka. Oh ano na?Bakit hindi mo pa pinapaandar?" tanong ko ng hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan.
Ngumuso siya. "Ha? Ano yung?" tapos ay ngumuso ako. ano ba yun? baka gusto niya ng gusto niya ng kiss? HUH? Hindi pwede, wala pa nga akong first kiss at kung magkakataon ay siya ang magiging first ko. OH NO!! Paano nalang yung Prince Charming ko?
Umiling ako sa kanya. "Hindi pwede."
Lumapit siya sakin. Palapit ng palapit Patuloy pa rin ako sa pag iling. NO! hanggang sa..... "Mag seatbelt ka kasi..Atsaka.. Anong akala mo? hahalikan kita? In your dreams! hahaha" sabi niya pagkatapos ay pinaandar na ng sasakyan..
Siya si Rechie James Kingston. Ang asawa ko.
Kabanata 1
Ang Simula
"Dito ka lang. Huwag na huwag mong subukang umalis dito. Lagot ka sakin! Naintindihan mo?" sabay turo niya sa upuan. Nanlalaki pa ang mata niya.
"Oo na. Halimaw ka talaga!" sigaw kko sa kanya. Nakakairita na talaga siya. Napalingon yung ibang bisita sakin. Yumuko nalang ako. Nakakahiya.
Umalis na si Rechie kaya naman umupo na ako.
"Miss?"
"Ah. Hello!" sabay ngiti ko sa kay gwapong nilalang.
"Ako nga pala si Dominic." Dominic? isip....isip........... Tama! siya yung may birthday na kaibigan daw ni Rechie.
"Anyway, happy birthday nga pala.he-he" bati ko sabay napakamot ako sa ulo ko.
"Thanks. Sino nga palang kasama mo?" tanong niya.
Sasagot na sana ako kaya lang may umakbay sakin.."Ako..."
Nagulat itong si Dominic ng makita si Rechie.
"Uy James!! Long time no see.pare!! Musta na?"
Iniwan na ako nun dalawa dahil mukhang ngayon lang ata nagkita. Malamang, Tanya! Long time no see nga daw diba? Aishhh. bakit ko nga ba kinakausap ang sarili ko.
Naglakad-lakad muna ako sandali. Pumunta muna ako sa may garden. Paglabas ko ay bumungad agad sakin ang naggagandahang mga bulaklak.
"Wow!! Ang gaganda naman nito!" manghang-manghang sabi ko. Tumalon talon ako dahil sa totoo lang. Gustong-gusto ko na mga bulaklak.
Habang iniisa-isa ko ang mga klase ng bulaklak ay natuon ang pansin ko sa dalawang lalaking nag-uusap.
Teka? Sila Rechie yun ah? Ano kayang pinag-uusapan nila? Mukhang mga seryoso sila sa pinag uusapan nila.
Aalis na sana ako ng....
"Simula pa lang mahal ko na siya Dominic. Siguro hindi na yun mababago pa." aniya.
Tiningnan ko si Rechie. Seryosong seryoso siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit anim na buwan palang kaming nagkakasama.
Hindi ko kayang marinig pa ang susunod niya pang sasabihin. Tumalikod na ako. Naglakad na ako pabalik dun sa upuang tinuro sa akin ni Rechie.
Bakit ganun? Bakit parang nasasaktan ako?
pshhhh. malabo! tinuon ko nalang ang pansin ko sa mga nagsasayaw at mga nagtatawanang bisita.
Mga ilang minuto pa ay bumalik na si Rechie at hindi niya kasama si Dominic.
"Oh? bakit nakasimangot ka? ampanget mo! huwag ka ngang gumanyan. Tara na, uwi na tayo."
sumunod nalang ako sa kanya. Ewan koba? parang wala ako sa mood ngayon.
"Get in."
"Okay." Bored kong sagot sa kanya.
Nang pauwi na kami ay napapansin kong pasulyap sulyap siya sakin...
Siguro hindi siya sanay na tahimik lang ako. Kadalasan kasi ako ang madaldal saming dalawa.
Bigla nalang akong nawala sa mood ko kanina.
BINABASA MO ANG
Behind My Back
Teen FictionSi Tanya Lopez ay nag-iisang anak ng may-ari ng isang sikat na Clothing Line. Ang BELLA. Nasa kanya na ang lahat. Pera, Ganda, Kabaitan at Kasikatan. Perpekto na nga kung maituturing. Sa edad na 18 years old ay napilitan siyang magpakasal sa isang m...