Waiting Area (short story)

330 11 2
                                    

Cass POV

Ako nga pala si Cass. Cassandra D. Francisco. Ako yung tipong may pagkaisip bata at laging nakatawa. In short masarap ako kasama. SWEAR! Totoo yan! Kapag ako nakasama mo hindi pwedeng hindi ka tatawa – maglalock ang jaw mo. Haha! Mahilig akong kumanta at gumala. Writer din ako – pero sa dami ng nagawa ko ee konti palang ang napapublish. Haha! Hindi yata nagustuhan yung iba. Masyado na yatang mahaba ang pagkukwento ko sa sarili ko. Naiinip na kase ako dito sa kinalalagyan ko ngayon.

Nakakaboring.

Kahit maraming taong pabalik-balik sa harapan ko ee hindi naman nila ako pinapansin. Kahit nga mga kaibigan ko hindi rin ako pinapansin. Minsan nga nakaupo na sa harapan ko ee hindi parin ako kinakausap. Masyado yatang nagdamdam sa ginawa ko dati. Alam ko naman masakit para sa kanila yung naging disisyon ko pero ginawa ko lang naman yung makakapagpasaya sakin. Ok lang siguro to. Tablado ako. Mapapatawad din siguro nila ako.

Ilang taon narin na ganito ang nangyayari. Paulit-ulit. Pagkagaling ko sa bahay, didiretso na ako dito, uupo at mag-aantay ng taong kakausap sakin. Madalas ibang tao pa nga ang bumabati sakin. Nangangamusta at mabilis din agad umaalis. Ganoon na ba kabusy ang mga tao ngayon? Hindi man lang magawang magkwentuhan at makapag-usap ng matagal.

Kaya minsan habang nakaupo ako sa tapat ng bahay namin ay may biglang naupo sa tabi ko. Hindi ko sya kilala. Bagong lipat lang yata. Ang alam ko malapit lang sa bahay namin ang bahay nila. Pamilya nya yata yung madalas kong marinig na nagsisigawan. Nung nakita ko kasi ang mukha nya ay naalala ko sya. Siya yung madalang umuwe ng gabing-gabi at lasing.

"Bakit? Ano nangyari?" sabi ko sa kanya. Hindi ko na nagawang itanong ang pangalan nya kasi ramdam ko na babagsak na ang luha sa kanyang mga mata.

"Lagi nalang ganito sa bahay namin. Hindi na naging maayos. Si Tatay walang tigil sa sugal at si Nanay naman ay halos hindi na umuuwe ng bahay"

Hindi ako nakaimik nun. Hinahayaan ko lang sya magkuwento. Wala kasi akong masabi.

"Hindi ko na nga alam kung anong gagain ko. Ayokong umuwe samin. Alam ko naman na hindi nila ako hahanapin" iyon ang huling sinabi nya sakin hanggang sa tumayo na sya at lumakad palayo.

Naiwan nanaman ako mag-isa. Akala ko makakausap ko sya ng matagal para may makakwentuhan naman ako.

"Lagi ka nalang ba dyan pupwesto? Hindi ka ba pupunta man lang sa ibang lugar?" Bigla akong napatayo nung narinig ko yun. Hinanap ko kung saan nanggaling yun. Nakita ko siya sa bubong namin. Nakatawa. Ang aliwalas ng mukha nya. May hawak-hawak na pisi at nagpapalipad ng saranggola.

Umakyat ako dun. Tutal wala naman si mama kaya makakaakyat ako ng walang magagalit kahit magingay pa ako sa bubong. Pinaupo nya ako sa tabi nya.

"I'm Jeric and you are?"

"Cass" maikling sagot ko.

"Bakit ka nanjan palagi sa tapat ng gate nyo?" tanong sakin ni Jeric.

"Wala naman. Dyan kasi ang pinakapaborito kong lugar."

"Ako naman kahit saan ako mapunta basta may napapalipad akong saranggola, okay na sakin yun"

Lalo nyang nilubayan ang pisi ng saranggola at lalong bumabakas sa mukha nito ang saya.

"May boyfriend ka na?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. May parang kuryenteng dumaan sa pagitan ng dibdib ko.

"Oh bakit ka namumutla? Ikaw talaga"

"Wala...wala ako nun.." iyon ang naisagot ko sa kanya.

"Kwento ka naman. Matagal na kasi ako walang nakakakwentuhan dito. Kahit magpalipat-lipat ako ng bubong ee wala ako matyempuhan.

Waiting Area (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon