EMPEROR TREGG SIDE STORY
40 YEARS AGO (GALCERA-RAHMAN WAR)
Isang Linggo na ang nakakaraan nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig sa Pagitan ng Galcera Kingdom at Rahman Kingdom ito ay dahilan sa nais makuha ng Galcera ang Yamang-Langis at Mineral na nakatago sa Ilalim ng Lupain ng Rahman. Subalit matibay ang Paninindigan ng Hari ng Rahman na si Haring Al-Jaeb na Makipagdigma laban sa Kanluraning Bansa.
King Al-Jaeb : Kumusta ang Depensa natin sa To-ak,Heneral Burma?
Heneral Burma : Mas Lalo pong humigpit ang aking Depensa sa To-Ak dahil na rin sa pakikipag-alyado ng Rebeldeng Hushad. Napaatras na rin po natin ang iba pang Kawal ng Galcera sa Mo-og ng Halfara.
King Al-Jaeb : Huwag ninyong hahayaang maging maluwag ang Depensa natin sa Astiff, Yun lamang ang tanging daanan para Mabilis nilang masakop ang Sentro ng Rahman.
Heneral Burma : Opo, Kamahalan!
King Al-Jaeb : Heneral Gallian!
Heneral Gallian : Ano po yon,Kamahalan?
King Al-Jaeb : Ano itong nababalitaan ko na may mga Kawal kang nagsisitakasan dahil sa Takot nila sa Pwersa ng Galcera.
Heneral Gallian : Totoo po yon, Kamahalan.
King Al-Jaeb : Anong ginagawa mong Hakbang para matigil ang ganitong Pag-atras ng mga Kawal ng Walang Pahintulot mo?
Heneral Gallian : ......
Minister Garel : Heneral! Kinakausap ka ng Mahal na Hari. Sumagot ka Agad!
Heneral Gallian : . . . . . Kamahalan.
King Al-Jaeb : Sabihin mo, Heneral Gallian.
Heneral Gallian : . . . . . Kamahalan.. Ang mga Kawal na nagsisitakas at mga Naduduwag makipaglaban sa sa Kawal ng Rahman.. Pinagpapatay ko po Isa-isa..
King Al-Jaeb : !!!!!
Nagimbal ang mga Opisyal sa narinig nila mula sa Bibig ni Heneral Gallian. Maging si Heneral Burma ay kinagulat din ito.
Heneral Burma : !!!...
Ministro Garel : Heneral Gallian!!! Mga Mamamayan sila ng Rahman! Bakit mo ginawa ang ganitong Kalapastanganan! Maaari kang Maparusahan sang-ayon sa ating Batas o' dili kaya'y Hatulan ng Kamatayan!
Sa Puntong yun ay hindi makapagsalita ang Hari dala nang pagkagulat.
Heneral Burma : Hindi ka ba nag-iisip sa Ginawa mo?!?.. Kahit ang Pamilya mo maaari silang Ipapatay!!!
King Al-Jaeb : Katahimikan!!!
Ministro Garel : .....
Heneral Burma : ....
Heneral Gallian : ....
Nagkaroon nang sandaling Katahimikan.
King Al-Jaeb : Inaatasan ko ang Lahat ng Opisyal na mga nakatalaga sa Katihan, Patayin ang sinomang Kawal na Umaatras sa gitna ng Digmaan hangga't wala akong Pinapahintulot ng Pag-atras Walang Aatras!!! Mamatay kayo para sa ating Bayan, Ano na lamang ang Ipagmamalaki ninyo sa mga Susunod na Henerasyon na isa kayong naging Duwag sa Gitna ng Pananakop ng mga Dayuhan!?! Mga Ministro! Ipatupad agad ang Batas na ito! Ang sinomang tumaliwas, Ipapupugot ang Ulo sa Sentrong Lungsod sa harap ng Maraming Mamamayan ng Rahman!
Ministro Garel : Ma-Masusunod po, Kamahalan!
Nagpatupad ang Hari ng Rahman ng Bagong Batas at sa Mismong Kalagitnaan ng Digmaan laban sa Galcera Ipinatupad ito. Marami ang sumang-ayon pero meron din namang mga hindi pumabor sa panukalang ito kabilang na dito si Ministro Garel.
YOU ARE READING
CHILDREN OF SETHRO : SEASON 3 (Complete)
FantasíaSeason Three of Children of Sethro