Chapter Three

41K 745 19
                                    

"K-Kaninong bahay 'to?" Sheila asked with full of curiosity in her eyes.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Lumang rest house ni Samuel ito. He bought this after he settled in Manila for good. Ilang oras na biyahe mula maynila hanggang dito sa Tagaytay. This is the safest place to keep this woman.

"You can't bring her with you! Baka makasuhan ka ng abduction niyan!" Ani ni Jerri ng pirmahan nito ang discharge papers ng babae.

"Jerri, I already planned this. May nabili akong rest house. Malayo sa metro. I'm sure walang makakakilala sa kanya doon." He said.

Jerri groaned in disapproval. "What if magtanong siya tungkol sa mga bagay na naaalala niya?"

He looked away. "Kaya kong lusutan 'yan. I just need to do this."

"Don't you think you're being overacting about this?" Mabilis na bumaling siya ng tingin kay Jerri. "Don't get me wrong, okay? We both know what really happened to your sister. Hindi kaya sobra sobra naman na pati buhay ng isang inosenteng tao ay madadamay dahil lang sa gusto mong gumanti. Don't you think it's time to move on and forget what happened from the past?"

Naningkit ang mga mata niya. "So you're saying na kalimutan ko na ang lahat. Namag move on na 'ko. Are you actually crazy? Ano ganoon ganoon nalang 'yon? Isipin kong walang nangyari? That my sister goes once a cheap desperate girl and when she gets pregnant that asshole abandoned her? Tapos ano? Na hindi siya namatay dahil sa murang edad ng panganganak?"

Jerri groaned in resignation. "What I am trying to say is, leave the woman alone. Wag my ng idamay ang mga inosenteng tao sa galit mo para sa isang tao lang. She has nothing to do with you. Bakit hindi mo nalang aminin sa kanya ang totoo?"

Tinalikuran nalang niya ito. "I don't think your stupid ideas have a relevance. It's Extraneousness!"

"Are we really here because of the vacation?" Sandaling natigilan si Ruth ng marinig ang boses ng babae. Nasa harapan na pala niya ito habang nakatayo sila sa gitna ng salas. "You're acting so weird." Puna nito. "May problema ba?"

Ang mga mata nitong punong puno ng mga samo't-saring mga tanong ay nakatunghay sa kanya. He motioned her to the row of doors on their left. "These are the rooms. Choose yours." Walang kabuhay buhay na tanong niya. "Choose mine?" Tila nagtataka pang tanong nito. "Bakit hindi ba tayo magkasama sa iisa g kwarto?" She asked.

He has no plan to get in touch with this woman. Maybe he can explain why they wouldn't have to share a room. "Matagal akong nawala. Baka hindi kana sanay na may katabing m-matulog." He just guessed na baka ganoon ang set-up ni Trey at ng babaing ito.

Bumakas ang kunot sa noo nito. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. We just married months ago. Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil nakuha mo na ang gusto mo? That I obliged you to marry me dahil naniniwala ako sa tradisyon na ang lalaking makakakuha sayo ang dapat ay papakasalan mo?" May butil ng luha siyang nakita sa mga mata nito.

Tarantado ka Zaragoza!  The wall around his heart began to fall. Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa nakikita niyang sakit sa mga mata nito. Tila ang nakakaawang mukha ni Julie ang nakikita niya habang umiiyak sa harapan niya. Sheila's memories na naaalala lang nito ay ang oras kung saan bago paa ng relasyon nito kay Trey. Kaya mas nagagalit siya dahil mas naging malinaw sa kanya kung bakit pinakasalan ni Trey ang babaing ito. He just wants to be under her skirt. "M-Mabuti pa magpahinga kana. Bukas nalang tayo mag usap." He opened the door of the biggest and spacious room. He put their little luggage inside. "We don't have a telephone connection here. No Wi-Fi signal." He said.

"H-How can I call my office kung wala tayong connection dito? I'm sure Pearl was worried to me by now." Ang alam niya, ayon sa imbestigador niya ay ang matalik lang nitong kaibigan ang kasama sa California. It must be Pearl.

"Haven't you remember? You filed a definite leave kaya nga nandito tayo." Alam din niya na nagleave nga ito sa trabaho. She has to see her husband for filling out their annulment.

Sandali siyang napaisip. He need to move fast bago pa nito maalala ang lahat. Akma itong magsasalita ng pigilan niya. "Excuse me." Nagpapasalamat siya na nakasilent mode ang cellphone niya. Naramdaman niya kasi na nag-vibrate iyon sa bulsa niya.

Hindi totoong walang signal sa lugar. May cell site sa likod ng rest house. At matapos ang aksidente nito ay itinago niya ang cellphone  ito. Police surrendered her phone to him. At doon din niya nakita ang address ng apartment ni Trey sa metro na tiyak niyang pupuntahan sana nito. "Sam?" Nakilala niya ang tinig ng kaibigan. Kilalang pulis ito.

"You have to hear it, dude. May naambushed na taxi along the subdivision malapit kay na Lopez."

"And?"

"And police identified her as Mrs. Sherina Montalvo. Gregory's mother-in-law."

Humigpit ang hawak niya sa aparato. Shit! "Thank you, Sam. Kailangan malaman ito ni Greg."









To be continued...








--------

SLU (Super Late Update)

I'm sorry guys. Ilang araw na kasi akong tinatamad magsulat at magbukas ng wattpad. Ewan ko ba. Pakiramdam ko wala akong lakas. Any suggestions para naman bumalik sa dati ang kasipagan ko?

P. S
Nasa iisang timeline lang po tayo. Baka may magulat.

Salamuch.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon