hanggang kailan

254 124 42
                                    

Ok, bago nanamang senario tungkol sa pagibig... Maraming salamat sa mga nagvote at comment.. Lalo na rin sa mga nagadd sa reading list nila.. So guys sana magenjoy at matamaan kayo hahahaha.. Vote and comment kayo after nyo mabasa... thankiee 😙😂
<><><><><><><><><><><><><>

Gail's POV

Tahimik na nakikinig kaming magkakaklase sa aming prof. Sa math. Katabi ko si Gelo.. Masaya naman ako kasi katabi ko siya buong quarter. Kahit daanan ang pagitan saamin. Kahit magulo, ok lang.... mahal ko kasi e.. pag mahal mo,titiisin mo lahat... kahit magulo pa siya

Sino nga ba si gelo? siya lang naman ang minahal ko SIMULA first year.. Gwapo, medyo spoil, magulo, makulit, mabait pag sinapian

Alam mo yung kahit mamamatay ka na sa math, ok lang.. kasi katabi mo sya. Parang wala kang problema sa buhay😆(landi)

Biglang pumunta ang mga katropa nyang babae sa pwesto namin. Malalabo ang mga mata nila kaya lumilipat sila saamin. Nagaasaran lang sila,kwentuhan, nakikinig,tinuturuan nung isa kung paano daw nakuna ang 36/95( eklavu lang yan 😂)

"Ok, pwede na pong kopyahin.. after neto,magrerecess na" sabi ng prof namin

Habang nagsusulat....

"Alam ba niya ung tungkol sa nararamdaman mo?" Sabi ni sophie kay gelo

"Sino?" Tanong ni gelo

"Sino pa ba, edi si iris" sabi ni joy

Si iris, kaibigan ng lahat.. Lalong lalo na ng mga kaklase namin, kabilang na ko doon.. Actually, best friend ko siya. Di man siya kagandahan at katalunuhan, mabait at kalog namin siya..totoo siya, mahaba ang buhok, may braces, at medyo boyish.

At alam nya kung gaano ko kamahal ang taong katabi ko...

May kasunduan kami, pagmahal mo, sayo lang.. Di mo ito aagawin kahit mahal mo pa sya.. Ang kay Gail, Kay Gail.. Ang kay Iris, kay Iris

Sinilip ko sila. Pag tapos sabihin ni sophie yon, ngumiti ng malapad si gelo. Ano yon?

"YIEEEEEE kinikilig si gelo!" Sabi naman ni joy

Parang may pakiramdam na ko.
Pakiramdam ko maling marinig ko to.
Pero kahit anong pigil ko sa sarili ko, kusang gumagawa ng paraan ang tenga ko para makinig.

"Alam nya ata" sabi naman ni gelo

"Ano ba yan, ang torpe mo naman. Try mo kayang ligawan?"- sabi ni joy
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HUWAT!! IS DIS TRU? SI IRIS? IRIS DUMALIANG? SI IRIS GUSTO NI GELO CRUZ?

WORDS OF LOVE(short Stories/ Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon