Kabanata 5

35 1 0
                                    

Nakapanga-lumbaba lang ako. Weekend ngayon at nandito ako nagbuburo sa bahay dahil wala akong pasok sa opisina. Katatapos lang ng sumptuous lunch este tanghalian namin. Usually go out with V on weekends pero ayun nga kasi siya at luma-lovelife! Hay, nakakatamad.

I took my phone and log on to facebook. Nag check ako ng messenger at napansin ko may mga message request pala ako - 98 message requests. Seriously? Ganun ako ka-famous? 😂

Private ang facebook ko kasi nakaka-irita ang mga add na add na wala naman common friends tapos mang-titrip lang. I was browsing those messages request tapos napansin ko yung picture nung J. I was hesitant at first kung siya nag ba talaga yung nag-chat sa akin. Hmmmm.

It's been a month na siya ang palaging natataon na nakukuha ko kapag nagbo-book ako ng grab pauwi. Level up na din kahit papaano kasi may mga casual talks na din kami. Like, he's asking me, "How was your day?", "Pagod ka ba today?", yung mga ganyan. At syempre, feel na feel ko ang pagkukwento ko ng mga nangyari sa akin buong araw sa office habang naka upo ako sa tabi niya. Level up na "parang girlfriend" niya ako. Oo, ako na nga kasi talaga ang assumera.

Pero sa Isang buwan na paghahatid sundo niya sa akin, ay never pa natuloy ang coffee namin. Dahil kada mag-oopen ako ng topic about dinner mayroon naman tatawag sa kanya na "urgent" daw niyang kailangan puntahan. Ending, ihahatid niya lang ako pauwi tapos aalis na siya papuntang whateverland. Nakakabanas minsan. Pero sabi niya naman kasi tungkol sa trabaho yun. Alam ko kasi may negosyo siyang buy and sell ng mga sasakyan and may trucking business din siya.

Yung mga trucks niya yung ginagamit na pangdeliver ng mga bigas from Visayas, specifically sa Ilo Ilo. Kasi may mga palayan daw sila ng mga kamag anak nila doon. So, yung trucking niya ang nagdadala ng supply ng bigas sa mga wholesalers dito sa Metro Manila. Bale 25 trucks na daw ang mayroon siya. Nagsimula lang siya sa dalawa. He started the trucking business when he was 21 and after 8 years ayan na! 25 na ang bilang ng trucks niya. Plus the buy and sell business niya ng mga second hand cars. Siya na talaga!

May mga assistant naman siya pero yun nga daw, kapag malalaking transactions at issue kailangan talaga ng presence niya. Ang galing niya nga, e. At the age of 29 madami na siyang na achieve sa career. Ako, nga-ngers. Bukod sa stocks at insurance ko, wala akong ibang investment. Hindi naman kasi ako effective sa pagiging business woman. More on office girl talaga ako. So, ayun nga. Tinignan ko yung message niya.

"Hi Maria, how are you?"

Napangiwi ako sa tawag niya sa akin. Siya lang bukod tanging tumatawag sa akin ng kabanal banalan kong first name.

Simpleng message lang, then it came to me that we never exchanged phone numbers! Pagkatapos ng lahat ng alam namin sa isa't isa. Ang basic lang ng getting to know moment, yung pagiging textmate pa yung wala sa amin. Samantalang si Julius aka stalker ko, halos pasabugin na yung phone ko sa kakatext ng mga random quotes at messages na nakakakilabot! Oo, nakakakilabot like..

"JAPAN - just pray at night.
gUdnYt HaNeeiY kOong mEei LabBss Sow SwEieetttZ!
Dreeem Op Mei.."

E, yung matutulog na lang ako halos ibato ko pa ang cell phone ko sa sobrang asar ko. 29yrs old? JumiJejemon pa din? E, millenial na nga uso ngayon. Yung pabali baliktad na ang word. Sa kanya sobra sobra pa din ang letters! Jusme naman, kung hindi ka naman talaga ma-highblood!

Tapos pag gising ko sa umaga naman, may nakakasakit sa ulong message. Tapos mga 16 times sent niya pa na pumupuno ng inbox ko! Ang hirap magbura alam mo yun?

"GOeeUd mOwniNg HaNeeiY mAHy LabBs SoeEww SwEeitsz.
Love is like a rosary that is full of mystery.
KhAeeHn kAh NaH PowHs bReiiikPasst. AYeeew kOong NaEgeeegUetomZ kaHh EiiiHh"

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon