Chapter 29: Sino ka?

130 3 5
                                    

Naiinis pa din ako, hindi ako maka-move on. Paulit ulit kong naririnig yun HINDI KO KILALA YAN. Ang sakit pa din hanggang ngayon. Sobra akong naiyak kagabi, kaya itong mata ko, namumugto. Parang kinagat ng ipis.

Bakit nga ba ako naapektuhan? Hindi naman kami dba? Porket ba sinabi niya noon na mahal niya ko, e totoo na yun? Kalokohan. Malay ko ba kung joke time lang pala yun. Hay. Dapat talaga hindi na ko nag tiwala sakanya una palang. Tsk. Aaaaaah. Hindi nanaman ako makakapasok nito. Lagot, ilang araw na kong hindi napasok. Tsk.

Late na rin naman ako, kaya hindi na talaga ako papasok. Masakit lahat sakin ngayon. Ulo, mata, tsaka puso. Hay, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nasabi ni Alexander sakin yun, sa harap pa ng mga kaibigan niya.

Kinakahiya niya ba ko? Tsk. Pero hindi naman tama yun, na sabihin niyang hindi niya ko kilala. Kung alam niya kung gano kasakit, tsk.

Makababa na nga, ano kayang masarap na kainin? Pa-deliver nalang ako, katamad mag luto.

Oh? Anong ginagawa niyan dito? Pagkatapos niyang sabihin na hindi niya ko kilala. May lakas pa siya ng loob bumalik dito? Dapat tinapon ko na mga gamit niyan kagabi e. Grrrrrrr!!! Naiinis ako!!!! >:( Hindi ko nalang siya papansinin.

“Gising ka na pala, tara kain na.”

Bahala ka dyan. Hindi ko kakainin yang hinanda mo. Tsk, mamaya may lason pa yan. Hindi kita kilala. Kausapin mo sarili mo.

“Hello.. Pa-deliver po ng quarter pounder.. Yes po, large fries then yun drinks, pineapple juice… Large din ah? …. Yup…. Samahan mo pala ng mcflurry…. Yes…. Okay…..”

Mawala sana init ng ulo ko pag nakakain na ko. Hay. Invisible si Alexander, di ko siya papansinin!

“Bakit ka pa nag pa deliver? Eto na oh, nagluluto na ko.”

Bahala ka dyan. Tsk. Wala kang kausap.

“Huy, Hanna?”

Kulit naman! Grrrrrrrr!! Mapapansin ko ng wala sa oras ‘to e, pero kaya mo yan Hanna.

“Hanna? Ano ba?!”

“Sino ka?”

“Huh? Si Alex. Bakit? Problema mo?”

“Hindi kasi kita kilala. Nagtataka lang ako bakit ka nandito sa bahay ko.” Halatang gulong gulo siya sa mga sinasabi ko.

“Huh? Si Alexander ‘to! Ano ka ba Hanna?”

“Di ka pa ba tapos? Pag tapos mo, umalis ka na ah. Stranger ka kasi. Baka kung ano pang gawin mo sakin.”

“Hanna! Dito ako nakatira. Tsk. Tama na nga yan mga kalokohan mo.”

“Hindi talaga kita kilala. Sorry.”

“Tsk. Gulo mo!”

Ikaw ang magulo! Bwiset! Ikaw pa may ganang magalit, grrrrrrrrr!!!!!!! >:(

“Bakit kaya may mga tao talaga na pagkatapos mong gawan ng mabuti, e ni THANK YOU man lang, hindi masabi. Tapos pag nagkita kayo, sasabihin HINDI KO KILALA YAN. Grabe na talaga mga tao ngayon. Tsktsk.”

“Pinagsasabi mo dyan?”

“Kausap kita? Wag mo kong kausapin, hindi kita kilala.”

“Arte mo!”

“Ang kapal mo din PO no?!”

“At bakit?!” Wew. Siya pa talaga ang galit. Ayos talaga!

“ANG KAPAL LANG KASI NG MUKHA MO! AKALA MO KUNG SINO KANG UMASTA! AY, IKAW NGA PALA SI ALEXANDER JOSEPH DELA CRUZ! ISA SA MGA TAGA PAG MANA NI MR. DELA CRUZ! MAHIYA KA NAMAN KAHIT ONTI! IKAW NA NGA LANG NAKIKITIRA DITO, NAG PAKITA LANG NAMAN AKO NG CONCERN SAYO KAGABI, TAPOS ANONG SASABIHIN MO?! HINDI MO KO KILALA?! WHAT THE HELL!”

“E ano naman kung sinabi ko yun?!”

“MASAKIT KASI ALEX!”

“Alin ang masakit?!”

“Yun itanggi mo ko sa harap ng mga kaibigan mo!”

“Teka, ano ba kita?!”

“Friend? Housemate?!”

“O, anong kinakagalit mo dyan?!”

“Ang kinakagalit ko, pwede mo naman sabihin na kaibigan mo ko. Nag pakita na nga ako ng concern, tapos ganyan ka pa!”

“Tsk.”

“Ano?! Wala ka ng masabi?”

“Ikaw naman may kasalanan nun e!”

“Ako pa ngayon?!”

“Oo! Masakit din kasi Hanna!”

“Anong ginawa ko sayo?!”

“Ang dami ko ng nagawa para sayo, pero parang useless lang lahat. Kahit ano pang pilit ko, hindi mo rin naman ata ako mapapansin, mabibigyan ng importansya. Ang sakit Hanna, sobrang sakit!”

“Dba sabi mo naman, hindi mo ko minamadali? Bakit biglang ganyan?”

“Hindi nga, pero sana naman Hanna, pakita mo naman sakin na-naappreciate mo yun mga ginagawa ko para sayo. Hindi yun ganyan!”

“Na-appreciate ko naman ah?! Lagi akong nag tthank you, nakikita mo naman yun saya ko pag may ginagawa ka para sakin, hindi pa ba sapat yon Alex?! Ha?!”

“Eto na po yun pina-deliver.” Istorbo naman yun oh. Nag aaway pa kami e! Hmp.

Hanggang matapos kaming kumain, walang pansinan. Walang kibuan. Parang hindi namin kilala ang isa’t isa. Hindi pa kasi ako handa na sabihin sakanya. May onti pa din pangamba dito sa puso ko.

Pinipilit ko naman e, kaso hindi maaalis yun doubt. Madali ang magmahal, madaling sabihin ang salitang I love you.

Pero pag nasaktan ka na, madali ba ang mag move on? Ang mag pretend na masaya ka? Hindi dba, kaya ako, aamin ako pag alam kong handa na ko, at alam kong sigurado nay un nararamdaman ko.

“Hanna, sorry sa nangyari kagabi.”

Galit pa din ako, kahit mag ilang sorry ka pa dyan. Di kita papansinin!

“Hanna, wag ka ng magalit. Sorry talaga.”

Kahit lumuhod ka pa, hindi talaga.

“Please Hanna, sorry.” Ay tae, lumuhod nga. Amp.

“Bakit mo ba kasi ginawa yon?” Di ko matiis. Waaaaaaa!

“Sinusubukan ko kasi na lumayo na sayo, na kalimutan ko nalang yun nararamdaman ko para sayo. Kasi nga, feeling ko, mawawalan lang ng bisa ang lahat ng ginagawa ko. Sinubukan ko na isang araw na wala ka, hindi kita nakikita, nakakausap. Kaya ayun.”

“Psss.” Wala akong masabe. -___-

“Pero hindi ko pala kaya ng wala ka Hanna, may nagdidikta dito sa isip at puso ko na ikaw ang para sakin, na wag akong sumuko kahit sobrang sakit na. Kaya ito ako ngayon, kahit na nasasaktan, nahihirapan, at hindi alam kung anong takbo ng isipan mo, nandito pa rin ako, bumabalik.

...Para makita ka, makasama, makausap. Tsaka ilang araw nalang din ang natitira. Ayoko ng sayangin pa yon.”

Wala na talaga akong masabi sakanya. Hindi ko alam magiging reaksyon ko, magagalit, matutuwa. Ano? Hindi ko rin ma-explain yun nararamdaman ko. Hay.

“Kaya Hanna, sorry. Alam kong nagkamali ako. Patawarin mo na sana ako. Mahal na mahal kita Hanna.”

“Tumayo ka dyan. Sige na.”

“Hindi ka na galit?”

“Hindi ko alam. Akyat muna ko.”

- Sorry kung lame. Hindi ko na alam idudugtong ko e. Wala pa sa kondisyon utak ko. Haha! Sa Chapter30. Bobonggahan ko. Lol. :)))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon