Chapter 6.

40 2 1
                                    


Chapter 6.

Araw na ang nagdaan at patuloy pa ring umuusad ang buhay ko bilang isang kawawang nilalang dito sa mundong ibabaw sa kamay ng aking pamilya. Ano pa ba ang bago dito? Buti na lamang at bihira na ang bullyhin ako sa Unibersidad na pinapasukan ko.





Sabado ngayon at masasabi kong isang napakagandang araw nito para sa akin. Dahil wala lang naman ang aking Ina at mga kapatid dito sa bahay. Walang bilin na gawain at ang masarap magagawa ko ang kagustuhan ko. Makapag selfie nga. Ang tagal ko nang walang upload pictures sa mga account ko.







Sa daming anggulo at kuha na ginawa ko, iilan lamang ang masasabi kong maganda filteran. Para malinis ang pagkaka edit at walang bahid ng filter na siyang makakaalam sa lahat. May iilan dito ang tinaggal ko ang salamin ko at nag little heart sign, may mga naka peace sign at kung anu ano pang nauuso na posing ngayon. Ready konang iedit ito nang may mag message sa akin sa messenger.






Accept me or cancel request? I have full page account. Hindi mo nako ma aadd.





"Damn!" Napamura na lamang ako ng malakas sa lakas ng apog nitong lalaking pipi na halimaw na ito. Buti na lamang at walang tao na kasama ko.





Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin ng huli kaming nagkausap sa library.






(FLASHBACK)





Halos hindi na ako makagalaw matapos magbitaw ng napakaraming salita ang pipeng halimaw. Tuloy tuloy pa rin sa pag agos ang aking mga luha. Ito na lamang ba ang magagawa ko? Hindi manlang ba ako mag sasalita? Napipe na din ba ako katulad niya? Hindi ko mahanapan ng butas ang kanyang mga sinabi habang mariin kaming nagtititigan dalawa.






"Can you please don't stare like that? Masama ba ang mga sinabi ko?" Saka lamang ako bumalik sa realidad ng mag salita na siya muli. Tang ina bakit ganito? Stuck in the moment!




"Uh.. Uhm.. Sorry." Sagot ko sakanya at hindi ako magkanda ugaga kung saan ko ibabaling ang aking sarili. Nagawa ko na lamang iyuko ang aking mukha sa mga palad ko at pinunasan ko ng palihim ang mga takas na luha sa pisngi ko. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya.



"Sorry. Kung ano man ang mga sinabi ko." Ulit ko. Hindi pa rin ako mapakali sa aking sarili. I feel so damn awkwardness after all.




Nagulat na lamang ako nang lumapit siya sa akin. Pinakatitigan ko siya na parang nagtatanong at saka niya ako kinabig para mapalapit sa dibdib niya. Nakahawak ang mga kamay niya sa akin braso at dahil maliit ako, nasa ulo ko ang baba niya. Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko magawang magpalabas ng hangin sa aking katawan, bigla na lamang akong nahipnotismo sa ginawa niya. Naramdaman ko ang mainit niyang katawa kahit na naka uniporme kami parehas, rinig at ramdam ko rin ang tibok ng puso niya.




"Feel me Mela. Feel safe in my Arms even in my chest." Pinaka higpita niya ang pagyakap sa akin. Buti hindi siya nandidiri ngayon?




Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bakit? Isang malaking tanong na bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. I feel safe in his Arms na parang ayoko na umalis dito para wala nang umaway sa akin, na parang ayoko na kumawala dito para maging masaya naman ako. Ayoko nang umalis siya sa tabi ko. Pero sarili ko lang ang niloloko ko. Malapit ako kay Jiro, kaya nasisigurado kong siya talaga ang tinitibok nito.




Hindi ko magawang magsalita. Napipe na rin ba ako katulad niya? 




Bahagya kaming napahiwalay nang may bumagsak na libro sa isang bookshelves malayo sa amin. Nang lingatin namin ito ay wala na ang dahilan kung bakit ito nalaglag bigla na lang siya tumakbo palabas. Sino naman kaya yun? Sa pagkakakita ko lalaki ang may kagagawan nito.  Hindi manlang inabala ang sarili para ayusin ang nalaglag niya. Nagkatinginan na naman kami. Damn this awkwardness.





"You already okay now?" Tanong niya sa akin na parang walang nangyare. Balik na naman ang tamad niyang itsura. Isa na naman siyang halimaw.



"Thankyou.." Sagot ko na lamang sa kanya, walang mailabas na kahit anong salita ang bibig ko. Bakit ganito?






"Don't cry again. Please do something for not let them bullying you. Be strong Mela,  hindi sa lahat ng oras ay kakaawaan mo na lamang ang sarili mo. mabuhay ka kung ano ang nararapat mong maging buhay. Do the right thing bilang isang tao."




Hindi ko alam kung iiyak na naman ba ako o ano. Masyado akong naapektuhan sa lahat. Pero salamat din sa halimaw na ito ay may busilak ding puso sa pag papayo. Buong puso ko itong isasapuso at isasaisit.


Napatitig na naman ako sakanya. Ang gwapo ng nilalang na ito, bakit ko nga ba siya natawag na halimaw? Ang gwapong halimaw naman nito. My ganon ba? Sana ganito na lang siya araw araw baka sakaling may pag asang mahumaling ako sakaniya. Pero joke lang kasi mahal ko na si Jiro noon pa at lalong tumitindi ito dahil sa mga ginagawa niya.







"I have to go. Clean your face. Yung isang baby mo nagdudugo." Nagulantang ako sa sinabi niya naulit na naman ang before go, bully words. Tang ina! Saka na lamang siya umalis at narinig ko pa ang mahinang pag tawa niya. Bumalik na naman siya sa dati



Hindi ko magawang sumigaw dahil nga nasa library ako, napapadyak na lamang ako sa aking sarili sa pag pigil ng inis. Tang ina ka talagang pipe ka! May araw ka din sakin.




"Tang ina mo pipeng halimaw!" Sigaw ko na lamang habang palabas ng silid aklatan.




(END OF FLASHBACK)




Mabulok ka sa friend request ko hayup ka.




Ipinagpatuloy ko ang pag eedit kahit tadtad na ng mensahe ang pipeng halimaw na nagchachat sa akin. Damn.



Accept me!



Hindi kona pinakulit pa ang isang to, at ginawa ko na ang gusto niya.







Okay na. Masaya kana?





Hindi nagtagal ay nagchat na naman ito. At halos mapamura na naman ako sa sagot niya.







Isang napakalaking thumbs up emoticon ang bumungad sa akin nang buksan ko ang chatbox namin. Damn these Andrade! He's getting into my nerve!



-

Shangdara

Beautiful Flower (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon