A Daughter's Love

538 13 10
                                    

Happy Birthday to my bestie, Pressure. Pang-limang bati ko na to sayo pare, pano ba yan, susubukan kong paiyakin ka sa special day mo. Haha joke lang ^_^

WARNING: MAGHANDA NG TISSUE, baka maiyak po kayo. siguro lang naman. 

Start Reading :)

Mag-isa nanaman ako ngayon, birthday na birthday ko pa man din...

Lagi na lang ganito, lagi na lang akong malungkot, lagi na lang akong umiiyak, lagi na lang tahimik.. nakakabingi na.. Wala na bang iba? Gusto ko yung masaya naman.

Wala naman akong nagawang mali para parusahan ng ganito ah? Gusto ko lang naman mapasaya ang mga taong nasa paligid ko kasi mahalaga sila sa akin. Yun lang. Pati na nga ang sarili kong kasiyahan ang kapalit eh binibigay ko na..

Kung kelan malapit na ang loob ko sakanila, dun naman sila mawawala. Lokohan ba?

Sadyang brutal talaga ang tadhana. wala akong laban, mahina lang ako. diba?

Simula nung nawala ang daddy ko, ganito na ko. Naging negative sa buhay.

Umiiyak gabi gabi, laging tulala. hindi maka-usap ng maayos kasi laging may iniisip. hindi na rin ako kumakain sa tamang oras, palagi lang ako nagkukulong sa kwarto ko. Sinisisi ang sarili sa lahat ng kasalanan, sa lahat ng nangyayari. ako naman talaga may kasalanan. diba?

Limang taon din akong naging ganito. 

(Now playing: Dance with my father again cover by Tamyra Gray)

Naalala ko pa nung nanaginip ako nung isang gabi.

Flashback..

May nakita akong lalaking nakahiga sa kama, parang nag-aagaw buhay. Madaming tao ang nasa paligid niya. Walang ibang maririnig kundi ang mga iyak nila. Medyo malabo yung panaginip kong yun. Pero alam kong sobrang lungkot.

Nagising ako. Sana masamang panaginip lang yun. Oo tama, panaginip lang ang lahat ng yun, may gusto sigurong ipahiwatig si Lord sakin, yun nga.

Pinipilit kong ngumiti nung mga sandaling yon, pero kahit anong pilit ko, luha pa rin ang lumalabas. Hindi ko maintindihan ang mga nararamdaman ko ngayon, bakit ba parang may takot?

Pinuntahan ko ang daddy ko, may sakit siya, stage 4 cancer.

Ako muna ang naging nurse niya, yun kasi ang gusto niya.

Isinakay ko siya sa may wheelchair at pumunta ng park para naman kahit papaano makalis siya sa pagkakakulong sa bahay namin at mamasyal.

Natuwa ang daddy ko, ngayon lang siya ulit nakalabas ng bahay, palagi na lang kasi siyang nanunuod ng mga movies sa bahay. Alam kong sobrang bored na siya.

Kitang kita mo yung bakas ng saya sa mukha niya, kaya natutuwa din ako.

Parang ayaw ko nang lumipas ang oras na ito.

"Thank you baby girl, at napasaya mo ko ngayon. I'm so proud of you. manang mana ka talaga sakin. sana paglaki mo, maging successful ka katulad ko"

Alam kong wala pa kong nagagawang malaking bagay para maging proud ang daddy ko sakin, pero kahit ganun, kahit maliit na bagay, pinupuri niya ako para lang di ako mawalan ng ganang abutin ang mga pangarap ko.

"Oo naman dad, para sayo gagawin ko"

"You have great skills and talent. Nakita ko yon with my own eyes. At your age, napaka-mature mo na, you'll be a great person or maybe greater person than me."

A Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon