She’s just a small town girl
livin in a lonely world
she took the midnight train
going anywhere.
‘TUG-TUG-TUG-TUG…..’
sabi ng PNR na dinuduyan ako sa pagsisimula ng gabi. Siksikan at pinipilit kong pahinaan ang tugtog sa aking cellphone. Soundtrip sa byahe ikanga nila, hindi sa kadahilanang malakas ito, kundi may naaalala lang akong pangyayari- relate relate din kasi te pag may time.
Espanya
Onting lakad lang sabay liko- dormitoryo ko na.
Nakaramdam nako ng katahimikan at kalungkutan, parang kanina lang kasama ko pa ang tropang PNR. Yung iba pa-Alabang, pa-FTI, pa-Muntinlupa at ako kasabay ko yung mga pa-Tutuban. Maingay, tawanan, kulitan, tulakan sa riles ng tren at may panandaliang katahimikan rin sa byahe, pagod narin kasi galing klase. Pero iba ang katahimikan kapag mag-isa ka nalang, may halong kalungkutan sabayan pa ng ihip ng hangin na hahaplos sa iyong pisngi sabay dadampi sa iyong mga matang dilat na dilat sa katotohanang naging tanga ka ng sobra kahit minsan.