Yve Night

6 1 0
                                    

Hindi baliw si Christian, Yvette does exist at maling mali si Gab. Kating kati na ang mga daliri ko kaya sinearch ko agad-agad kung anong itsura ng Yvette na ito ee! Misteryoso! Kala mo naman….. oww…

Maganda nga. Kutis mayaman. Loves to wear High Heels. Favorite book niya ang The Prince. Ang mama niya ay isang Registered Nurse at ang papa niya ay isang Elementary School Principal. Only daughter si Yvette. May mga pictures siya sa Taguig, sa SM Aura particularly. EXO fan. Profile Picture niya kasi ay nakasuot siya ng EXO t-shirt na color black, naka-micro mini short at naka-heels habang nabang nakangiti sa camera. Clinick ko ang picture niya at nabasa ang caption…

Captured by Babe Christian at Taguig.<3 ”

Sabay sarado ng Laptop, higa sa kama. Pikit ng mga mata. Hinay-hinay sa paghinga……… Ang sakit-sakit. Bakit ikaw pa kasi! Sa dami ng lalake sa mundo bakit ikaw? Anong meron sa mga tigyawat mo? Anong meron sa matangos mong ilong? Anong meron sa mga labi mo at nakuha mo ang loob ko? Bakit hindi nalang si Nelson- DOTA Player pa! Bakit hindi nalang si Gab- Matangkad rin naman! Bakit hindi nalang si Werner- sige ikaw nalang. Bakit ikaw pa Christian. Alam ko namang may Yvette kana. Alam ko naman na kaibigan at classmate lang talaga pero bakit hinayaan mo akong mahulog sayo at hindi ka naman pala handang saluhin ako. Nakakainis ka Christian. Hinayaan mo akong mabaliw sayo.

Sabay subsob sa unan na siyang sumalo ng lahat ng luha na dinulot ng puso kong umasa na mamahalin ng isang taong may mahal ng iba.

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon