♫ "Someday, you're gonna realize.." ♫
Balang araw, marerealize mo na maling iniwan mo ko... Marerealize mo na maling niloko at pinagpalit mo yung babaeng handang gawin lahat para sayo, yung babaeng handa kang protektahan kahit ano pang kapalit, yung babaeng hindi ka kailanman iniwan..
♫ "One day, you'll see this through my eyes.." ♫
Isang araw, makikita mo sa mga mata ko na wala na akong pakialam sayo at sa mga alaala natin. Makikita mo sa mga mata ko na wala ka nang halaga sa'kin..
♫ "But then, I won't even be there.." ♫
Pero pag dumating yung araw na yun, wala na ako sa tabi mo. Wala na ako para punasan yung mga luhang papatak mula sa mga mata mo, wala na ko para icomfort ka, para sabihin sayo na hindi kita iiwan, para sabihin sayo na magiging okay din ang lahat..
♫ "I'll be happy somewhere..." ♫
Kasi magiging masaya na ako.....nang wala ka. Ngingiti na ko nang hindi ikaw yung dahilan. Tatawa ako nang hindi ka iniisip...
♫ "Even if I can't.." ♫
Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko kaya....hindi ko kaya na wala ka..
♫ "I know, you don't really see my worth.." ♫
"Kailan mo ba nakita yung halaga ko!??!?! Lahat ginagawa ko para sa akin lang mapunta yung atensyon mo... Bakit hindi pa rin ako sapat para sayo? Saige, mahal mo ba talaga 'ko?! SIYA PA RIN BA!?!"
♫ "You think you're the last guy on earth..well I've got news for you" ♫
Kala mo ikaw lang lalaki sa mundo? Pwes sorry ka kasi mali yang iniisip mo! Madaming higit sayo. Maraming mas gwapo, mas mabait, mas sweet, mas hot, mas ideal, at mas hindi gago.
♫ "I know I'm not that strong.." ♫
Oo, matapang ako. Pero inaamin kong hindi ako malakas. Kasi mahina to eh. Mahina tong winasak mo.
♫ "But it won't take long, won't take long.." ♫
Pero konting oras nalang.. konting tiis. Mawawala rin lahat ng sakit. Makakalimutan din kita... konti nalang magiging isa ka nalang mapait na ala ala.
♫ "Cause someday, someone's gonna love me the way I wanted you to need me.." ♫
Kasi balang araw.. may magmamahal sa'kin gaya nang pagmamahal ko sayo.. darating din yung lalaking mamahalin ako at hindi ako uutuin. Yung lalaking hindi ako iiwan.. lalaking handa gawin lahat para sa'kin at handang awayin lahat maprotektahan lang ako.. Yung lalaking laging ako yung inuuna. Yung laging nandiyan.. pumangit man ako ng todo todo, magkabulutong man ako, tumabingi man yung ilong ko, mamaga man yung mukha ko.. yung lalaking mamahalin ako nang buong buo..
♫ "Someday someone's gonna take your place.."
Balang araw, may papalit din sayo. Balang araw, hindi na ikaw yung nandito sa puso ko..
♫ "One day I'll forget about you..." ♫
Makakalimutan din kita... tsh makakalimutan ko lahat ng memories natin. Malamang makakalimutan ko rin na minahal kita..
♫ "You'll see, I won't even miss you.." ♫
Ni hindi nga kita mamimiss eh! Malamang basura nalang tingin ko sayo nun... isang basurang pinagsayangan ko ng oras..
♫ "Someday, someday.." ♫
