Chapter 28

1K 22 0
                                    

Prince's POV

Hinihintay ko na lang si Fayea na makababa, ang bagal ng isang iyon. At akalain niyo, may lahing babae pala ang isang iyon? Kanina pa naiirita si Gwen kasi hinihintay pa daw siya ni Ancel, itong sila Mikky at Le'an hindi nag-uusap at sila Kuya Michael at ate Dianne nagbabangayan sa damit na sinuot ni ate Dianne. Kailan pa sila naging close ng ganito?

"I have to go, Ancel is waiting for me. Can't I just call a taxi or something?" Kanina pa niya sinasabi ang mga bagay na iyan, kasi nga daw si Ancel ganun si Ancel ganito. Argh, halatang may tama na sa kanya.

"Malapit na tayong umalis, hintay hintay lang" mahinahon kong tugon, she roll her eyes. Bakit ba nakakatakot ang isang ito pag nagagalit?

"Wait, you mean. Ancel Villanueva?" Napatingin kami sa taas ng hagdan, at doon nakita si Fayea. Inipit na niya ang buhok nang fishtail na medyo magulo, may naiwang buhok sa gilid ng tenga niya. Wala siyang nilagay sa mukha niya, maliban na lang sa lip balm na nasa labi niya. Shit, I was stunned.

"Ye..ah, so..what?" Umiwas ng tingin si Gwen, lahat  kami wala sa sarili noong nakita namin siya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya, inalalayan ko syang makakababa.

"Oh, so your THE Gwen his talking about. I can't believe it" nagtaka kami, he knows him?

"Wait, paano mo siya nakilala?" Tanong niya, Fayea tilted her head.

"His my 'self proclaimed' little brother" what? Biglang bumukas ang pinto at doon napunta lahat ng atensiyon namin.

"Wah, ate! Si Kuya Lance kinuha yung kotse ko-!" Nahinto siya ng nakita ako.

"Wah! Bakit po kayo nandito?" Napaatras pa siya.

"Wah! Gwen! Wah! Anong! Meron?" Huh?

"Ang ingay mo" mabilis na tinikom ni Ancel ang bibig, hindi makapaniwala si Gwen.

"Wait, the big sister your talking is...her?!" Galit na tanong ni Gwen sa kanya, lumungkot ang mukha ni Ancel.

"Yeah, but I didn't lie to you. Ayaw mo kasi kay atr Fayea kaya hindi ko na binanggit ang pangalan niya, huwag ka ng magalit saakin please" paghingi niya ng tawad.

"Why are you the f**k** one whose apologizing idiot" inalis ni Fayea ang kamay sa braso ko at lumapit kay Ancel.

Pinikit ni Ancel ang dalawang mata na parang hinihintay na suntukin siya nito, woy! Sasaktan niya ba si Ancel? Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Gwen, oh.

"Wait!" Humarang si Gwen sa harap ni Fayea.

"What are you trying to do?"

"Anong pake mo?" The coldness of her tone makes me shiver down to my spine, its scarier than before.

"Ah..." Nag-aalinlangan pa si Gwen na sumagot, kawawa si Ancel.

"Out of my way" lahat kami nagtataka sa kinikilos ni Gwen, pero sila Mikky at Kuya Michael mukhang alam na ang dahilan.

"No," diin nito.

"Out. Of. My. Way." that's scary.

"Gwen...umalis ka dyan" bulong ni Ancel, mukhang si Fayea ang may awtoradad sa bahay na ito.

"Anong balak mong gawin?" She ask, marahas na hinawakan ni Fayea ang braso ni Gwen at hinawi siya palayo kay Ancel. Walang umangal saamin, sa sofa naman siya napunta kaya ayos lang iyon.

"Now, where are we?" Tumingin siya kay Ancel, tumayo lahat ng balahibo ko. Lumapit pa siya kay Ancel hanggang makatapat siya nito, namaywang sa harap niya at walang buhay siyang tiningnan.

Secretly Falling In love with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon