Aizhel's POV
Siguro nga'y nagtataka kayo kung bakit kakaiba yung tawag namin sa isa't isa ni Kyler a.k.a Kumag noh?Gusto nyong malaman?Pilitin nyo muna ko.Sige na pilitin nyo na ako.Huy,ano na?pilitin nyo na ko my dila is so nangangati na.Okay okay dahil mapilit kayo eto na ikukwento ko na.
Noong unang panahon... Ay de joke lang.Hahaha
Ganto kasi yun,teka tingin ka muna sa taas.Halina't sabayan nyo akong mangarap.Arot!Eto na talaga
•Flashback•
Nagklaklase kami noon sa T.L.E nang biglang nagtanong si Ma'am Jelai kasabay ng paghalungkat nya ng drower doon sa Desk nya.
"Wala ba kayong chalk dito?"tanong ni Ma'am Jelai
"Ahm Ma'am wala po yata"
"Hindi meron po jan!"
"Wala po yata kase ginamit namin kahapon"
magkakasabay na sambit ng mga kaklase ko
hanggang sa-"Ma'am eto po si Aizhel may tinatagong chalk dito!!!"hanggang sa sumigaw yung katabi ko dito,as in kailangan ba talagang ipagbulgaran?!
"Hoy anong tinatago!?Akin ba yan ha?!akin yan!?"tanong ko sa kanya ay mali bulyaw ko sa kanya
"Tsk.tsk."sabay iling pa ni Kumag"Kaya pala ang puti ng mukha mo kumakain ka pala ng chalk at tinatago mo pa ha?Kaya pala ubos lagi yung chalk dun sa harap eh"HANUDAW?Kainin ko daw ba yung chalk!?
"Baliw!makakain ko ba yan?Tsaka para sa iyong impormasyon,meron akong sapat na pera para makabili ng pagkain!"pagtataray ko
"HAHAHA!Ma'am eto napo kunin nyo at baka masobrahan to sa chalk."sabay tawa pa ng nakakaloko
"Argh!Hin.di.nga.a.kin.ya.an!get it stupido!?"pagtataray ko
Hindi na sya umimik pa at dumeretso nalang sa upuan nya na sa kasamaang palad,ay nasa tabi ko.
"Pstt."diko sya pinansin
"Pstt.Pstt.Uyy"Diko parin pinapansin
"Psttt.Huyyy!"Ang kulit naman kasi!"Ano!?"sabi ko at tinaasan pa ako ng kilay the Fudgeee sya na nga tong istorbo sya pa may ganang manaas ng kilay
"Psh.Alis nga!Ikaw ba kase yung tinatawag ko?Assumera amputeks!"sabi nya sabay tabig sakin
"Ah...Eh..N-Napaka ano mo kase!"Fudgeee pahiya ako dun ah!Lupa kainin mo nako!
Malay ko ba kasing si Enriel yung tinatawag nya?Bakit ba kase ano ah napaka ano nya talaga.Argh!
"Assumerang Hungry for Chalk.Tsk."asar pa,asar pa Kumag!tama.Isa kang kumag Kyler!Isang kang dakila,nag-iisa at walang katulad na Kumag!
•End of Flashback•
So yun nga,yun na nga yun.Kahit na medyo napahiya ako noon eh,edi syempre konting taray din para di halata.Dun na nga nagsimula yung Callsign namin.Teka..Hanudaw?Callsign?Psh.basta yun yung tawag ko sa kanya.Dot.
Mabait naman dati yong si Kumag kaso ewan ko ba kung bakit naging ganon nalang yung pakikitungo nya sakin.ToT aww.Chareng!Drama pa,Drama pa Aizhel!Pero alam nyo bang may nabubuong conclusion sakin eh,pero secret lang natin to ha?Tingin ko kase insecure sakin yun si Kumag eh.Sa ganda ko ba namang to nakuuu!May kakaiba talaga jan sa Kumag na yan eh,parang ano kase eh...Parang feeling ko Bakla sya. ^_^So don't cry na Bby Aizhel,Hayanaan mo lang syang mainsecure sayo!Hahaha pero syempre joke lang!sa section kase namin sa totoo lang sya talaga yung pinaka-gwapo eh.Ahihi^_^kaso sya rin yung may pinaka masamang ugali!Argh.Pero basta Gwapo parin sya.Mehehe
Aish!makapunta na nga Gym makanood nalang ng mga nagtratraining nandun din kase ngayon si Baby Marcus Jeriel ko eh*o* Hihihi.Malapit narin kase mag-intrams eh.Kaya suportado ko si Baby Mj ko^_^
Pagkarating ko ng gym...
"Hoy bes!Lika dito oh!"napalingon-lingon ako sa paligid kase pamilyar sakin yung boses na narinig ko
"Aizhel!Bes halika dito!"sabi na nga ba eh,si Jhomary yun eh.Makasigaw di na nahiya,nandun pa naman yung dakilang Crush nya!Tumango nalang ako at sumenyas na 'wait lang'
"Kanina ka pa dito?"tanong ko kay Jhomary nang makalapit ako sa kanya.Binigay nya muna sakin yunng kinakain nyang Pic-A bago ako sagutin.
"Oo.Kanina pa nga kita hinihintay eh.Ang galing ng Baby mo!Ahihi.Nakakaturn-on^_^"sabay hagikgik pa ni Beshung kaya naman lumanding sa batok nya yung kamay ko
"Anong hagikgik yan ha Jhomary Carmela Torillo Avillanoza!?Diba akin lang sya!?Akin lang sya!Pwede kang kiligin basta wag sa kanya!"sabi ko sabay irap ko sa kanya
"Syempre bes joke lang!Hehehe.Di ka naman mabiro.Eh mas hot pa nga sa kanya si Babe Vincent eh ahihi*o*"Ahm.Mabuti naman kundi nakooo malilintikan talaga sya sakin aba!magkakalbuhan na wag nya lang maagaw-agaw sakin ang Baby Mj ko!
"Good.Alam mo namang wala akong sinasanto pagdating sa Baby ko Jho.Magkakalbuhan man tayo"sambit ko
"Aww.I'm afraid.Sa lampa mong yan?Huh.Ewan ko nalang"asar nya sakin"Penge nga sinolo mo naman na!"sabay agaw nya sakin ng Pic-A nya
"Wag mo akong subukan Jhomary.Iba ako bilang BestFriend mo at iba rin ako bilang kaaway,kaya umayos-ayos ka!"pagbabanta ko sa kanya
"Ayy.Bes!may kukwento nga pala ako sayo!"masiglang sabi nya
"Do I know you?You look familiar.Did we met before?"pa-inosenteng tanong ko
"Edi Wow!wag nanga lang."walang ganang tugon nya.
Andaming mga nanonood buti nalang talaga at may pagka-prangka tong Bestfriend ko at may napwestuhan pako para mapanood yung Baby ko.Ahihi^_^Btw.Pareho kasing Arnis yung Baby ko at Babe ni Jhomary kaya ayun pareho kaming todo suporta dito,kala mo nga laban na talaga eh kahit na Training palang naman.Hahaha
"Bes punta lang ako ng Canteen bili lang ako ng inumin natin ha?"sabi ko kay Jhomary.Tumango naman sya bilang pag sagot.Wala eh busy-ing busy-ing ba naman sa panonood sa Vincent Babe nya.Yaks
"Excuse.Excuse"sabi ko sa mga naharang na estudyanteng nakapalibot doon.Hanggang sa makarating ako malapit sa Training Area ng Volley Ball.Tuloy tuloy lang ako ng lakad hanggang sa...sa...biglang may tumamang bola sa ulo ko.Awwwsh!anshakit!
Kung sino man ang nakatama sakin nakooo!matalo sana!isinusumpa ko kung sino man sya!
Napahawak ako sa ulo ko kung saan tumama yung bola ng volleyball.Oo Volleyball ano pa nga ba diba?alangan namang galing sa Arnis o kaya sa...sa...hmp.basta!
Napabaligwas ako ng biglang may tumapik sa ulo habang ngising-ngisi pa.
"Pfft.Ma-masakit ba?Hahahahaha"natatawang tanong nya
"Ikaw ba yung nakatama ng bola sakin --!?
-
Sino kaya yung nakatama ng bola kay Aizhel?Hmm.Comment plsss:-*Itutuloy ko pa po ba?