Chapter 3

3 0 0
                                    

"Woahhh!" hindi napigilang ibulalas ni Bunny ng tumigil sila ni Silver sa isang malaking pinto. "Paano nagkasya sa eskwelahang ito ang pintong iyan?"

Silver giggled sabay ng malakas na hampas sa likod.

"Joker ka, Bunny." masayang anito ngunit agad ding sumeryoso. "Dito ka mamalagi after ng mga regular classes mo. Tutal hinayaan ka na ng walang hiyang kapatid mong magpalaboy dito sa campus kaya ako na ang nagdala sayo dito."

Hindi niya napigilang mapakunot noo sa binitiwang salita nito. Pakiramdam tuloy niya isa siyang high breed na pusa na biglang naging palaboy dahil pinabayaan ng amo.

Muli siyang napatingin sa engrandeng pintong nasa harap nila. Ang disenyo niyon ay tila sa isang cathedral, malaki at gawa sa bakal. My flourish curve doong naka-ukit at mihihinuna nino man na matagal ng panahon na iyon.

"Teka, allowed ba talaga tayong pumasok dyan?" Bunny asked sa pag akmang paglapit ni Silver sa pinto.

"Malamang, kasasabi ko lang diba, hindi ka nakikinig eh. Tara na." mabilis siya nitong hinila.

Laking gulat niya na imbis hawakan ang seradura ng pinto ay nagpatuloy sa paglalakad si Silver. Nais man niyang huminto sa paglalakad hindi niya magawa dahil kapansin pansing mas malakas si Silver kesa sa kanya kahit babae ito.

Pagpikit na lang tuloy ng mata ang kanyang nagawa. Ilang sandali pa ang lumipas at hindi dumating ang hinihintay niyang pagdantay ng malamig na bakal na pinto sa kanyang katawan bagkus ay tuloy tuloy ang kanilang paglalakad.

Napadilat tuloy siya ng mata ng marinig ang malakas na palahaw na tawa ni Silver.

"Haha. Epec ang itsura mo. Hahahaha!!!" tatawa tawang ani ni Silver.

Isang malakas na palo sa batok ang natikman nito mula sa kanya sa inis niya.

"Sira-ulo ka ba? Paano kung tumama ako dun sa pinto? Ni hindi mo man lang binuksan. Hindi ba uso ang salitang 'doorknob'. Makapang hila wagas! Paano kung nag kabukol ako? Paano kung..." mabilis na talak ni Bunny ngunit natigilan ng mapagtanto ang kanilang kinalalagyan.

Nganga, iyan ang expression ng kanyang mukha ng tuluyang mabista ang kanilang paligid. Kasabay rin niyon ang muling pagtawa ng malakas ni Silver. Sa pagkakataong iyon ay napa-upo na ito sa sahig sa kakatawa.

Pakiramdam tuloy niya pinaglalaruan siya ng kanyang paningin at ang may gawa ay ang kasama niya ngayon. Tila bumalik rin, full blast, ang inis na nararamdam niya kanina.

Isang malakas at puno ng panggigil na sumigaw siya. Ngunit hindi niya inaakalang sa simpleng paglabas ng kanyang inis nagawa niyang sirain ang kanilang paligid.

Nagkaroon ng isang malaking creater ang kinatatayuan niya. Si Silver ay tumalsik ng may kalayuan sa kanya. Nakayakap ito sa puno at gulat na nakatingin sa kanya.

Doon rin niya nakita ang pagsulpot ng isang lalaking kamukha ni Silver. Agad nitong dinaluhong ang huli at halata ang pag-aalala para dito. Hindi sumagot si Silver bagkus ay bumitaw ito sa puno at pasalpak na umupo sa lupa. Humugot ito ng hininga na tila ilang oras nitong pinigilan.

Napabaling tuloy ang lalaki kay Bunny. Puno ng pagtataka at kung hindi siya nagkakamali ay may kasamang galit para sa kanya.

From where she stand a mystic yellow light draw. Changing the surrounding from forest to a big hall way.

Napalingon siya sa kanyang likuran ng may maramdamang mga nilalang na bagong dating sa lugar na iyon.

Nakita niya ang naka-kunot na noo si Red, may katabi itong babaeng naka formal atttire at mukhang istrikto, sa likod ng mga ito ay my isa pang lalaking kasing tanda lang ng kanyang kapatid at nanlalaki ang mata sa gulat subalit sobrang laki ng ngisi.

Rinig pa niya ang pagsigaw ni Red ng kanyang pangalan ngunit hindi siya nakasagot. Hindi na rin siya nakagalaw. Tila may malaking bagay na pumatong sa boung katawan niya. Nanlabo rin ang kanyang mga mata bago naramdaman ang pagkapagal sa boung katawan.

"K-Kuya..." bulong niya.

Bago siya tuluyang mawalan ng malay at bumagsak sa lupa alam niyang may sumalo sa kanya. With her blured eyes, kita niya ang mabilis na pagtakbo ni Red sa kanya ngunit may iba ritong na una.

Kahit ang kapatid niya ang nais makasalo sa kanya ay tila may nagsasabi sa nanlalabong isip niya na ang taong sumalo sa kanya ay ang taong hinihintay niya.

a stone that changeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon