Chapter 1

184 48 38
                                    

(Chan's POV)

~~At ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
Kaya wag mo na sana kong itaboy
Kase di naman ako, fuckboy~~

Agad akong napadilat sa ingay ng cellphone ko. Pucha! sana talaga inoff ko nalang to eh.

"Ke aga aga ang ingay..." inis kong reklamo habang kinukusot ang aking mga mata. At wala pa din sa tamang huwisyo ay kinuha ko na ito. Para ihagis! Ang ingay eh.

Pero syempre di ko yun maggawa, aba pag nasira to yari pa ko. Mas mahal pa nga yata to nila sakin eh. Nang mabuksan to ay agad namang napakunot ang noo ko.

Ha? 25 missed calls?
Grabe daming load ah.

Tiningnan ko agad kung kanino ito nanggaling.

"Tristan? Anong kailangan nun?" mahinang sambit ko sabay tingin sa orasan.

Alas tres palang ng umaga ah,
Problema kaya nun. Baka naman minumulto na yun.

Ngunit matapos ang ilang segundo ay napalukso ako sa gulat ng bigla nanamang tumunog ang cellphone ko.

"Baklang kalabaw na hinayupak to oh!" Tiningnan ko ang pangalan na nakalagay dito at di nga ako nagkakamali.

Tristan is calling...

Tch! kailangan ba ng mokong na to. Agad ko na itong sinagot. Sa ang ingay eh.

"Oh?" Walang gana pagkakatanong ko dito.

"LANGYA MO BRO! KANINA PA KO TUMATAWAG BA'T NGAYON MO LANG SINAGOT?!" Nailayo ko ng wala sa oras ang cellphone sa tenga ko.

Ay! Pucha ganda ng pambungad ah.

"Pwede ba ha, wag kang sumigaw. Ikaw na nga tong naninira ng tulog ikaw pa tong galit!" inis kong pagkakasabi dito

Lakas ng loob maggalit eh siya nga tong nambw*bwisit.

"Hehe peace bro" sagot lang nito sa kabilang linya

Peace niya mukha niya

"Tsk, oh ano ang kailangan mo?" Nakabusangot kong tanong dito. Ngunit bigla nalang itong tumahimik at maya maya'y...

"Bro wag kang mabibigla ha" seryosong sabi nito, na siya namang dahilan ng pagkaramdam ko ng kaba.

Naman eh! mas nakakadagdag kaya ng kaba pag may pa sabi sabi pang ganun.

"Oh ano yun?" Agad kong tanong sakanya

"Kasi ano eh... ano...hmm.... ano.... a-ano k-ka-"

Ano ng ano! Kasi ng kasi!
Pucha! Nambw*bwisit yata to eh!

"Langya! Ano nga kasi yun?!" Inis kong sigaw sa kabilang linya.

Tsk...ayaw ko talaga sa lahat yung pabitin.

"Ano kasi... alam mo ba... na kapag ikaw ay masaya tumawa ka hahaha pag i-" Walang pag aatumbili ay agad kong binabaan ito..

P*ta ba naman!
Ke aga-aga nantritrip! l*ntek! sinira pa talaga yung tulog ko! Humanda talaga sakin yun mamaya! siguraduhin niya lang talaga na hindi ko siya makikita!

Padabog kong nilagay sa gilid ang cellphone ko at agad na binagsak ang katawan ko sa kama. Akmang pipikit na sana ako ng bigla nanamang nagring yung cellphone ko. Di na ko nag aatumbili pang tingnan kung sino to at agad nang sinagot.

"ANO?!" Agad kong bulyaw dito.

"Hahaha ito naman... chillax lang bro pinapatawa lang kita hahahaha" natatawa niya pang sabi.

"Tawa mo mukha mo! Langya ka Tristan wag mo kong pagtripan ng ganito ka aga dahil malilintikan ka talaga sakin mamaya!" galit kong sabi dito

Sa nakakainis yung ginawa niya eh. Kung sino naman yung nasa posisyon ko mabw*bwist talaga sa ginawa nito.

"Hahahahaha" Aba yung loko tumawa pa...

"Okay na? Papatayin ko na to ha?!" Inis kong sigaw dito at akmang papatayin ko na to ng bigla nanaman itong magsalita.

"SANDALI! SANDALI!" Psh! Nakahithit ba tong lalaking to at ang lakas ng trip ngayon.

"Ehem" sabay pagpipigil nito ng tawa

Ang saya saya yata ng buhay nito ah!

"Ito na ito na, sorry na po ramdam ko kasing intense na intense ka sa sasabihin ko kaya naisipan kong tripan ka muna haha" sabi niya sa kabilang linya habang tumatawa nanaman

Puchang lalaking to oh lakas ng trip sa buhay!

Kung wala siyang magawang matino sa buhay niya. Aba! wag niya kong idamay sa kalokohan niya.

"Uyy bro nandiyan ka pa ba?" Tanong niya, tumahimik nalang muna ako

"Uyy ito naman oh di mabiro" sambit niya pa.
Agad naman akong napabangon sa sinabi niya

"Langya ka din eh noh! Biro?! Ng ganito ka aga?! Langya ang sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin mo lang dahil trip mo?! Paano ako kakalma niyan ha?!" Walang tigil kong sigaw dito na halos pa ay marinig na sa kabilang kwarto.

Pucha kung mapapagalitan ako nila nanay lagot talaga sakin tong mokong na to.

"Kalma lang kasi... ito na seryoso na" halata naman sa tono nito ang pagiging seryoso.

Siguraduhin niya lang

"Pag di yan seryoso, sinasabi ko sayo malilintikan ka talaga sakin" pagbabanta ko dito

"Oo na oo na" kahit di ko nakikita ramdam kong nagroll eyes ito. Ke lalaking tao daig pa ko kung makaroll eyes.

"Oh ano na?" Inis kong tanong dito

"Narinig ko ang usapan nila ni kuya at ng karibal mo" agad naman akong napa ayos ng pagkakaupo sa sinabi niya

"Ano daw?" Tanong ko dito

"May gagawin sila mamaya, ipapakidnap daw nila si Charity di lang ako sigurado sa narinig ko ha. Pero dadalhin daw nila sa *******" mahina niyang sabi sakin

"Ano?! Teka! Sigurado ka ba diyan sa pinagsasabi mo?! Kidnap?! Seryoso?! At *******?!" Di ko makapaniwalang tanong dito.

Eh ikaw ba naman kikidnapin yung taong mahal mo magdidiwang ka?

"Oo nga, narinig ko kanina nung naguusap silang dalawa ni kuya at ng karibal mo sa telepono"

Puchang lalaking yun oh ipapakidnap pa talaga niya, g*go takot ba siyang maunahan ko. Tsk di marunong maglaro ng patas.

"Sige ganito, magkikita tayo ngayon sa park. Hintayin mo ko dun at sasabihin ko sayo ang plano" sabi ko dito

"Sige"pagsang ayonnaman niya.

"Mag ingat ka sa dambuhalang yun ha. Wag na wag kang magpapadakip" sabi ko pa dito at pagkatapos nun ay agad ko ng pinatay ang cellphone at nagmadaling magbihis.

Kahit kailan asungot talaga yung lalaking yun -_-

She's My Lifetime EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon