AJ POV
Hindi ako mapakali ngayon sa aking kinauupuan. Tila gusto ko ng makauwi agad sa Pilipinas.
Nandito na ako ngayon sa airport naghihintay sa flight ko. Nagmamadali kasi akong umuwi ngayon kahit na hindi pa tapos ang mga dapat kong asikasuhin dito.
Flashback...
"Hello dad!"
"Hello AJ! Kamusta ka dyan?" Sabi nya sa akin.
"Okay naman dad. Madami lang inaasikaso. Kayo po kamusta na?" Sagot ko naman.
"Okay naman kami ng mommy mo." Sagot nya.
"Ah... dad! Si Reign po? Kamusta na sya?" Tanong ko sa kanya. Simula kasi ng umalis ako ng Pilipinas hindi na ulit ako nakatawag para kamustahin ang lagay nya. Naging busy kasi ako sa company.
Nagtaka naman ako ng hindi sya sumagot akala ko nga ay wala na akong kausap.
"Dad?! May problema po ba?" Tanong ko ulit. Nag aalala na din ako para kay Reign. Hindi din kasi ako talaga naniniwala na aksidente ang nangyari sa kanya.
"Ahh. AJ! Huwag kang mabibigla ha?" Sabi nya na ikinabahala ko.
"Ano po ba yun?" Tanong ko ulit.
"Nawawala kasi si Reign. Ilang araw pagkalabas nya ng ospital. Umuwi kasi sya ulit sa bahay nila ni Dylan. Hindi nga namin alam kung saan sya hahagilapin eh. Nag aalala na nga kami sa kanya eh. Ang mommy mo iyak na ng iyak dahil sobra na din syang nag aalala kay Reign." Para naman akong binuhan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Si Dylan dad? Alam nyo ba kung nasaan sya? Baka may kinalaman sya dito?" Tarantang tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para makapag isip ng ayos. Sobrang nag aalala ako sa kaligtasan ni Reign.
"Hindi namin sya mahagilap. Hindi namin alam kung nasan sya. Ang sabi ng kasambahay nila hindi na daw ito bumalik simula ng maaksidente sa bahay si Reign." Sagot nya.
"Uuwi na ako dyan dad. Tutulong ako sa paghahanap. Sigurado akong may kinalaman si Dylan dito. Magpapabook na ako ng flight para mamayang gabi." Sagot ko sa kanya saka nagpaalam na agad para makapagpabook na ng flight pauwi ng Pilipinas.
End of Flashback...
Natigil ako sa pag iisip ng tinawag na ang flight kaya agad na akong tumayo.
Matapos ang ilang oras ay nakarating na ako sa Pilipinas. Walang ibang may alam na uuwi ako ngayon bukod kela dad kaya walang susundo sa akin. Nagtaxi na lang ako at nagpahatid sa condo.
Nagpasya muna akong magpahinga sandali ng makarating ako sa condo. Wala kasi akong pahinga pa simula ng makausap ko si dad. Maging sa buong byahe ko ay hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Reign.
Hapon na ng magising ako. Ramdam ko pa din ang pagod ngunit pinilit ko ng bumangon dahil kailangan ko ng mag umpisang hanapin si Reign. Pupunta muna ako sa bahay nila dad para kausapin ito. Alam na din nyang nakauwi na ako dahil naitext ko na ito pagdating ko palang sa airport kanina.
Sandali ko munang tinawagan ang magulang ko para ipaalam na nasa bansa na ako.
"Hello ma?" Sabi ko dito.
"AJ! Anak! Buti tumawag ka. Kelan ka ba uuwi? Namimiss ka na ng anak mo." Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni mama. Namimiss ko na rin naman si Chloe. Ilang linggo na din kasi kaming nagkalayo. Pero hindi ko pa sya mapupuntahan ngayon dahil kailangan ko munang mahanap si Reign.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
Любовные романыPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...