The Chance

138 5 2
                                    

I've been in love with this girl for a long time but my feelings are seem to be still a secret though I have told her twice.

After a long time, I have the strength to talk to her again...

Minsan lang naman siya mag-online, at madalang ko lang din siyang maabutan or even makausap in person. Magka-iba kasi kami ng department. Architecture ako while she's from Accounting.

Nakilala ko siya during the campus event when nagkaroon ng department collision. Parang campus festival din. Clan ang tawag sa group nang pinagsasama-samang course at naging ka-clan ko siya.

*Flashback*

"Paabot naman ng scissors" sabi ko sa katabi kong babae"

"Ito po oh" binigay niya naman.

Gumagawa kami ngayon ng confetti. Syempre, need ang patience dito kasi kailangan talagang maging confetti ito.

"Saang department ka pala?" may pagkamadaldal kasi ako kaya nagtanong na ako.

"Accounting po."

"Section mo?" nagpatuloy pa rin kami sa paggugupit.

Kumuha siya ng another metalic paper strip "A101-A po."

"Ahh." Ano ba naman itong kausap ko? "Robot ka ba?"

"Huh?" napatigil siya at nilingon ako, lumingon din naman ako. "Robot? Ako po?"

Napalakas pala ang sabi ko "Ahh. Narinig mo yun? Kasi naman, isang tanong, isang sagot ka." napakamot tuloy ako sa ulo.

"Ahh..." sabay tumawa siya na kinabigla ko "Robot! Hahaha. Di naman po. Ganun lang po talaga ako. Pasensya na po huh."

Natuwa naman ako kasi akala ko na-offend ko siya. "Hindi ayos lang sige, pagpatuloy nalang natin ang usapan. Di ba Claine ang name mo?"

"Opo at ikaw naman po si kuya Kyle. Lagi po kasi nilang binabanggit yung name mo nung na-miss mo yung mga meetings before kaya na-memorize na po namin."

"Grabe naman yun." nagtawanan nalang kaming dalawa.

*end of flashback*

Hindi siya yung unang naging ka-close ko sa clan, nakakusap ko naman yung classmates ko na irregular lang, pero natutuwa kasi ako sa kanya. Wala lang, masarap kausap. One time, napagod lang ako magsalita at nanahimik, nilapitan naman niya ako.

*Flashback*

May tumapik bigla sa akin "Ui, kuya." she smiled. "Wag ka nang malungkot dyan. Wag mo damdamin yun. Ayos lang yun."

"Grabe naman." napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung pinagtri-pan niya ako or wala lang siyang magawa.

Naupo naman siya sa tabi ko "Sige na nga kuya, tatabihan na kita para di ka na emo dito." sabay tumawa ulit siya. "Gusto mo po?" inalok niya ko ng kinakain niyang sandwich.

"Hindi, sige. Kumain na rin ako eh. Thank you."

Tumango siya "Ahh, sige po." may mga umupo na rin sa tabi niya at tabi ko, ka-department niya. "Hayan kuya, marami ka nang kasama. Kapag may problema ka sabihin mo lang sa amin. Willing naman kaming makinig eh."

Tumawa nalang ako. "Sige, sa susunod sasabihin ko sa'yo huh."

*end of flashback*

The ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon