True Love can WAIT

85 1 3
                                    

Ang kwentong ito ay isa sa napaka halagang parte ng buhay ko at ng aking asawa.

Sana magustuhan nyo ang aming love story.

Scene: High School ( Year 2001 ) .

Ito ang unang taon namin ni Jaylon sa paaralan ng DAZSMA. Magkaiba man kami ng section nung unang taon namin halos magkatabi naman ang classroom namin.

Kaya halos araw-araw ay napapansin ko sya, dahil sa tangkad at angking kakyutan din naman nya. Kaso hindi nya ako napapansin.

Bago ang lahat ako nga pala si Nhorivie isang babaeng lihim na humahanga kay Jaylon habang kami ay nasa hayskul pa lamang. Hindi ako kagandahan noong hayskul ako dahil sa hindi naman ako palaayos. Ngunit may mga nagpaparamdam din naman ang kaso wala sa kanila ang gusto ko.

Mabalik tayo sa kwento...

Nakarating kami sa aming ikatlong taon sa paaralan na iyon, hindi namin inaasahan na magiging magkaklase kami at tatanghaling President at Vice President ng klase na iyon.

Uy Nhorivie ayus Vice President ka na, nung second year tayo lagi ka lang auditor at p.r.o. ---- MIA

Oo nga. Ito pa ang President nya ay yung ultimate crush nya. ---- LEIDY

Sila ang matatalik kong kaibigan na simula elementary pa lang magkakasama na hanggang tumungtong kami ng hayskul.

Aaayyy biglang namula. ---ROSELLE

Siya naman ang aking bestfriend, lahat ng lihim ko alam nya. Kaya naman ganun na lang sila kiligin para sa akin dahil alam nilang crush koh si Jaylon.

Tumahimik nga kayo... Mamaya nyan marinig kayo....

Yung totoo.... Hindi ka kinikilig??? --- ROSELLE

Syempre kinikilig kaso alam nyo naman varsity player sya kaya hati oras nyan. --- NHORIVIE

Isang varsity player si Jaylon kaya naman hindi kami masyado nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sa halip naging mortal kaming magkaaway.

Oh ano na...??? --- JAYLON

Anong ano na??? --- NHORIVIE

Ano na ang plano para sa Christmas Party natin??? --- JAYLON

Aba malay ko, ikaw ang president kaya ikaw ang magdesisyon noh... --- NHORIVIE

Bakit ba ang sungit mo??? --- JAYLON

Eh kasi di mo ginagawa ang trabaho mo bilang president lagi na lang ako. Lagi kang wala. ---- NHORIVIE

At doon natigilan si Jaylon nung sinabi ko yon. Ewan ko din kasi bakit sinabi ko pa yon. Hanggang ang ending ng aming ikatlong taon aso't pusa lang sa pagaaway at pagtatalo sa lahat ng bagay.

Dumating ang aming JS PROM ang pinaka aasam kong program sa hayskul. Ang kaso hindi sya naging memorable tulad ng inaasam kong first dance namin dahil hindi man lang ako tinangkang alukin ng Jaylon na ito para sumayaw.

Umabot kami sa ika-apat na taon at huling taon namin sa eskwelahan na iyon. Sa pangalawang pagkakataon naging magkaklase kami ni Jaylon at napahiwalay naman ako ng section sa ilang katropa ko. kami lang ni leidy ang naging magkaklase samantalang si mia at roselle ay magkasama sa ibang seksyon.

Sa parte ng aming love story dito ko masasabing nagumpisa ang aming kilig moment.

Akalain mo kung kelan naman gagradweyt na kami dun pa may kilig moment.

Intrams Week namin meaning walang klase ng buong linggo at meaning pwedeng gumala sa buong campus.

Ang kilig moment na ito ay nangyari nung ikatlong araw ng aming intrams. Habang nasa bahay ako tumunog ang aking cellphone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love can WAITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon