Ano ang pipiliin mo..? ang Puso mo na alam mong doon ka sasaya o ang isip mo na doon alam mong Tama..
Pipiliin mo ba ang kaligayahan mo kahit alam mong mali o pipiliin mo ang tama kahit hindi ka maligaya..Alex's POV
Maaga akong gumising dahil pasukan na naman.. Isa akong bagong Guro sa Sampaguita Highschool. So kailangan kong pumasok ng maaga dahil may mga instructions pang iibigay ang Principal. Bale magiging Adviser ako ng isang section sa highschool. Sana naman makayanan ko 'to, sana naman mababait ang estudyante sa paaralang ito.
Habang papasok sa Principal's office ay kinakabahan ako. Baka kasi hindi ako magustuhan ng mga estudyane ko. Maraming What if's sa isip ko, pero i have to think positive lang..
"Goodmorning Sir Edward" bati ko sa principal na may katandaan na rin. Nasa mga 50's na ata siya..
"Goodmorning Ms. Alexa" ngiti niyang bati.
Pinaupo naman niya ako at doon siya nagsimulang magbigay ng instructions. Seniors pala ang hahawakan kong klase.
"Wag kang kabahan Ms. Alexa, alam kong kaya mo yan. Congratulations and goodluck" nakipagshake hands siya at pagkatapos ay nagpaalam na ako para puntahan ang MAPEH's Department bilang MAPEH ang subject na ituturo ko. Aayusin ko din ang mga gamit ko at maghahanda sa unang araw ng Klase. Section C ang hinahawakan kong klase kung saan ako ang adviser nila.
Pagsapit ng 7:30 ng umaga ay nagsimula ng magdatingan ang estudyante. Hanggang sa sumapit ang Alas 8, magsisimula na ang klase. Pero siyempre dahil first day, getting to know kami.. Isa isa silang magpapakilala..
"Sorry" nang may isa pang estudyanteng humabol. Unang araw ng klase ay Late. Pagbibigyan ko muna pero hindi ko talaga gusto ang mga late, sino ba din naman ang my gustong late na estudyante.
"Ok i'll consider it today..but before you go to your seat, please introduce yourself" pumunta siya sa harapan para magpakilala. Isa siyang matangkad, maputi, matangos ang ilong, magandang pangangatawan, at sa kabuuan isa siyang napakagandang babae.
"Hi Alam kong kilala niyo na ako, i'm Danika Arevalo, 20 years old na po haha. Yun lang" tawa tawa siya at saka umupo,habang sumusunod sa galaw niya ang mahaba at straight niyang buhok na may highlights na blonde..
"Thank you" sabi ko sa kanya.
"And of course I am Alexa Perez, i'm your adviser at bago lang ako dito kaya sana maging mabait po kayo sa'kin" sabi ko na may halong paglalambing.
"Ma'am, ilang taon kana?" Tanong ni Rafael.
"I'm 25" sagot ko naman sa kanya, habang nagtaas naman ng kamay si Jordan
"Ma'am single pa po ba kayo?" Tanong niya.
"Yes i am" ngiti ko..at naghiyawan sila"Ma'am, baka mali po ang pinuntahan ninyo" sabi naman ni Peter
"Bakit?" Pagtataka kong tanong.
"Kasi po nababagay kayong maging model, hindi teacher" natawa naman ako sa sinabi niyang yun. Habang ang ibang estudyante naman ay sumang ayon din."Magtitino na talaga si Danika, kasi ang ganda ng teacher namin." Sabi naman ni Carol..
Natatandaan ko naman sila isa isa kasi 27 students lang naman ang meron ako, kaya mas madali silang turuan.
"Tama na yan class, so ngayon bilang first day of class at first day ko dito. get 1 whole piece of paper and i want you to write how you feel, kung masaya o kung malungkot o kung may problema kaba. All i want you to do is to express your feelings through writing" may mga nagreklamo pero sinunod din naman nila ang inutos ko.
Naglibot ako sa buong classroom at tiningnan ang bawat isa sa ginagawa nila.
"Danika, bakit di kapa nagsisimula?" Tanong ko sa kanya nang madaanan ko ang kinauupuan niya
"Wala akong papel" sagot niya
"First day of class wala kang papel? " umiling iling siya at ngumiti ng napaka ganda
"Anyone who wants to give Danika a piece of paper?" Sabi ko sa klase.
BINABASA MO ANG
One shot stories (gxg)
RomanceIto ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip na pangyayari.. Puro kathang isip ?