Crush

8 1 1
                                    


Crush

Sino nga ba ang taong walang hinahangaan?

Nakakagulat kung meron man akong malalaman.

Sabi nila, hindi ka tao kung hindi ka pa nakaramdam ng paghanga.

Pero pwede rin bang burahin ang nararamdaman, sa pamamagitan ng pagbuntong hininga?

Istudyante, Nagtatrabaho, Matanda, bata isama mo narin ang tambay.

Lahat sila humahanga, lahat sila ay nalulumbay.

Sabi nila, kapag tumibok ang puso mo.

Wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Sa panahon nga ngayon, crush palang, iniiyakan na.

Crush palang, nagmu-move on ka na.

Lalo na pagnabitter ang iba,

Si crush ang sinisisi kasi mga pa-fall daw sila.

Ha! nakakatawa.

Di mo maipaliwanag ang nadarama nila.

Crush? crush nga lang ba?

Baka di mo namamalayan, mahal mo na pala.

Pag tinanong ka nang iba, sige deny-deny pa.

Yung iba naman, masulyapan lang si crush? Buo na daw ang araw nila!

Pag nagkatitigan naman yung iba.

Pati sariling kaibigan, nabugbog ng hampas na!

Hay nako crush. Sino ba ang nag-imbento sayo?

Patay na ba? Kasi sila, patay na patay sayo!

Written by: Jayelee

POEMSWhere stories live. Discover now