Chapter 14:
MALALAKI ang hakbang ko habang papunta sa kwarto na kinalalagyan ni Miley. Ramdam ko na nakasunod si Lordan sa akin. Sa sobrang pag-aalala at pagkataranta ko, hindi ko na siya nalilingon. Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay si Miley.
Walang katok-katok akong pumasok sa loob. Naabutan ko si Henry na nakaupo at halatang problemado. May isa pang batang lalaki na nasa tabi niya. Naaalala ko itong batang 'to, ito ang kinaiinisan ni Miley.
"Henry."
Agad siyang lumingon sa pagtawag ko. Kitang kita ko ang malalim at maitim na ibaba ng mata niya. Bakas ang sobrang pagod at pag-aalala para sa anak niya.
"Autumn."
Tinabihan ko siya at hinimas ko ang likod niya. I can feel his sorrow. Alam kong nasasaktan siya dahil sa estado ng anak niya. "Salamat sa pagpunta. Hinahanap ka niya kanina n'ong magising siya." Mahinang mahina ang boses niya.
Sinulyapan ko ang kinahihigaan ni Miley. Maputlang maputla ang balat niya. Pati ang dating mapupulang labi niya ay nawalan na ng kulay. May kung anong nakapasak sa ilong niya. May nakaturok din na dextrose sa kanya. Nahahabag ako sa nakikita ko. Ako ang nahihirapan para sa kanya. Gusto ko maiyak dahil sa kalagayan niya. Kung pwede ko lang kunin ang lahat ng masakit sa kanya ay kukunin ko.
"Ito na ang pinakamalalang atake na nangyari sa kanya. Akala ko mawawala na siya kanina. Sobrang putla niya. Hindi na talaga siya makahinga. Huminto ang paghinga niya ng ilang segundo. Natakot ako, Autumn. Akala ko iiwan na niya tayo."
Umiyak siya. Narinig ko ang paghagulgol niya. Hinarap ko siya at niyakap. "Sshh. Tama na, Henry. Hindi siya matutuwa kung makikita ka niyang ganyan paggising niya."
He hugged me back. Hinamas ko ang likod niya. Iyak lang siya ng iyak sa balikat ko. Pati ako ay napapaluha na. Sa kwento niya, natakot ako. Takot na takot ako. Muntik na niya kaming iwan. Muntik na pala.
"Sorry kung wala ako sa tabi niyo nang nangyari 'yon. I'm really sorry." Bulong ko sa kanya.
"Tito, 'wag ka na pong umiyak. Miley is strong. Kaya niya 'yan."
Napalingon ako sa batang nasa tabi niya. Nakita ko ang nakakunot na noo ng batang lalaking kinaiinisan ni Miley. Nakatingin lang siya kay Miley. Ramdam kong nag-aalala rin ang batang 'to para sa kanya.
"Autumn." Baritonong boses ni Lordan ang narinig ko.
Napalingon ako sa pintuan. Napabitaw sa pagkakayakap si Henry sa akin. Nagtatagis ang bagang ni Lordan habang nakatingin sa amin. Madilim ang ekspresyon niya.
"Outside." Malamig na saad nito.
Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Alam kong galit siya. Base sa boses niya, baka magawa niya akong saktan ulit. No. May tiwala ako sa kanya. Hindi niya na ulit ako sasaktan. He promised.
"Henry, babalik ako. Aalis lang ako saglit."
"Please, bumalik ka kaagad, Autumn. Baka magising si Miley." Nanghihinang saad nito.
Tinanguan ko siya at kinakabahang lumabas. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Paglabas ko, nakita ko agad siya na nakatayo malapit sa kwarto ni Miley. Nakahalukipkip siya. Seryosong seryoso ang mukha.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Agad niya akong hinablot sa braso nang makalapit ako sa kanya. Hindi ganoon kasakit ang pagkakahawak niya pero nilalamon ako ng takot at kaba.
"Autumn, you're mine. Lagi mong tandaan 'yan. Hindi ka pwedeng hawakan ng ibang lalaki."
"Lordan, Henry is a good guy---"
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomanceAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...