Chapter 15:
"MANANG, si Lordan po?"
"Maagang umalis, hija. Nako, sige na at kumain ka na ng almusal."
Napabuntong-hininga ako. Ito na naman, hindi ko na naman naabutan si Lordan. Lagi na lang akong walang kasabay kumain.
Dalawang linggo na ang lumipas. Sa awa ng Diyos, nakalabas na ng ospital si Miley. Naging ayos na ang kalagayan nito.
At isang linggo rin hindi pumasok sa trabaho si Lordan. Sinasamahan niya ako tuwing bumibisita ako ng ospital. Pati sa kung saan-saang lakad ay kasama siya. Kaya ito, subsob na subsob siya sa trabaho. Ang dami niyang naiwan na trabaho.
Halos isang linggo ng ganito ang set-up namin. Magigising ako na wala na siya sa tabi ko. Minsan ay hindi pa nga siya umuuwi ng gabi. At kung umuuwi man siya, madalas ay tulog na ako o 'di kaya ay diretso na agad siya sa pagtulog.
Miss na miss ko na siya. Kulang na lang ay hindi na talaga kami magkita sa bahay na 'to.
"Autumn, hija, kumain ka na. Busy lang talaga iyong nobyo mo."
I sighed again. "Miss na miss ko na siya, Manang."
"Jusmiyo, ganyan din ang sinasabi sa akin ni Lordan kapag uuwi siya at tulog ka na. Bakit hindi mo siya bisitahin sa opisina niya?"
Napaangat ang ulo ko dahil sa suhestiyon ni Manang Luna. A smile appeared on my face. Bakit nga ba hindi ko gawin iyon? Wala na siyang oras para makasama ko pero I have the all time. Kaya kong bisitahin siya. I really want to see him.
"Manang, paggamit po ng kusina mo, a? I'll cook something for him."
Ngumiti si Manang at binigyan ako ng dalawang thumbs-up. Naeexcite ako. Ito na, magkikita na talaga kami.
Tinulungan ako ni Manang sa pagluluto ng paborito ni Lordan, bicol express. Madali kaming natapos kaya madali na rin akong nakapag-ayos. Gusto ko siyang makasabay kumain ng tanghalian.
Umakyat ako sa taas at naligo. Nagsuot ako ng simpleng cream dress na above the knee. Pinares ko ang doll shoes na cream dito.
Nagpahatid ako kay Mamba papunta ng opisina ni Lordan. As usual, nakabuntot na naman sa akin si Scorp pero nasasanay na ako. Komportable na ko na nandiyaan siya.
Huminga muna ako ng malalim nang makalabas na ako ng sasakyan. Tinitigan ko ang malaking gusali na nasa harapan ko. Montano's HR&M Company. Sobrang laki. Mayaman pala talaga si Lordan. Sobrang yaman.
Binati ng bodyguard si Scorp na nakabuntot sa akin. Pati ako ay binati, ngumiti naman ko at tinanguan siya.
"Anong floor, Scorp?"
"30th, Lady."
I pressed the 30th floor. Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Ako ang may buhat ng bag na naglalaman ng mga baunan. Kinukuha sa akin ni Scorp ito kanina pero hindi ako pumayag. Gusto kong ako ang magbubuhat.
Paglabas namin ay nakita ko agad ang secretary ni Lordan at opisina nito. Nginitian ko siya. Ngumiti rin naman siya sa akin.
"What can I do for you, Ma'am?"
"Nasa loob ba si Lordan?"
"Do you have any appointment, Ma'am?"
Umiling ako. "I'm his... Uhmm... I'm his girlfriend."
Shoot. Malay ko ba kung anong sasabihin ko. Wala naman kaming opisyal na relasyon. Kumbaga, walang label ang relationship namin. Pero dahil sinasabi ni Manang na 'nobyo' ko si Lordan. O sige, girlfriend ang pakilala ko.
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomanceAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...