Chapter 12
Bago Mag 1st Quarterly Exam, Nag-aral ako ng mabuti katulad ng ginagawa ko dati. Nagbunga naman lahat ng paghihirap ko. 10 out of eleven subjects ko perfect, isa yung 95. Natuwa ako siyempre kasi sa wakas nakabawi na rin ako. Masaya ako kasi nakabawi ako. 1st Quarter pa lang ako na yung Top 1 sa section namin Top 3 over-all. Ginawa kong inspirasyon si Ana tsaka yung oras na magkikita na kami.
Nung 2nd Quarter, mag pinag-igihan ko yug pag-aaral ko. Lahat halos ng quizzes ko perfect. Lahat ng monthly tests ko perfect. At lahat ng quarterly tests ko perfect kaya ayun Top 1 ako sa section namin at Top 1 over-all. Masaya ako kasi eto yung pangarap ko. Yung makilala sa katalinuhan ko. Marami ring nabilib sa kin. Pero si Ana lang naman talaga yung inspirasyon ko sa mga panahong kailangan kong bumawi sa mga grades ko. Kaya nung nag-3rd Quarter na.
1st Day of 3rd Quarter
Pumunta agad ako dun sa puno kung saan kami nagkikita. Sabay pala kaming pumunta.
"Escort ko! Namiss kita!", niyakap ako ni Ana.
"Muse ko! namiss din kita! Musta naman buhay mo nung wala ako?", sabi ko.
"Malungkot! Siyempre kahit nagkikita tayo din naman tayo puwede mag commitment sa relasyon natin.", halos mangingiyak si Ana.
"Sa wakas! Puwede na tayo magkita palagi. Wala na yung ground ko.", napangiti siya.
"2 monthsarry rin yung namiss natin. Malapit na mag October 24. 4 Months na tayo. Wala ka man lang pambawi diyan Anton!", sabi ni Ana.
"Dinner tayo kung gusto mo.", sabi ko sa kanya.
"Pero paano. Magsisinungaling na naman tayo.", sabi niya.
"Sa tingin ko, panahon na rin para aminin natin sa mga parents natin.", sabi ko.
"Sana nga ganun lang kadali yun.", sabi niya.
"Basta magkasama nating haharapin to. Wala namang masama eh. Mahal naman natin ang isa't isa. Basta alam natin yung mga limitasyon natin.", sabi ko.
Isang Araw Bago Ang 4th monthsarry
Pumunta kami sa Bahay nila Ana. Nakakakaba rin pala. Alam mo yun parang pamamanhikan pero ipapaalam lang naman namin sa mga parents namin. maganda rin to para alam nila na may relasyon kami kaysa ilihim. Papasok na kami ng pinto.
"Oh Ana tuloy kayo. Teka sino yung kasama mo.", sabi nung mama ni Ana.
"Ma. Papaliwanag ko sa inyo, pasok muna tayo.", pumasok na kami sa bahay nila. Halatang nakakaangat sa buhay sila Ana. Parang mansion yung loob ng bahay.
"Upo kayo.", sabi nung nanay ni Ana.
"Umm Ma. Gusto ko lang po malaman niyo na siya po, si Anton po ay...", pakabang sinabi ni Ana.
"Boyfriend mo?", sinabi ng nanay ni Ana ng pangiti.
"Opo.", sabi ni Ana.
"Ilang buwan na kayong magkasintahan?", tanong ng mama ni Ana.
"Mag-aapat na buwan na po.", sabi ni Ana.
"Anak, dapat nung nililigawan ka pa lang niya, sinabi mo na. Maiintindihan ko naman. Trese anyos ka na. Nagsisimula na yung mga ganyang feelings niyo para sa isa't isa. Piling ko naman responsable si Anton. Sige legal na kayo sa kin.", grabe yung paliwanag ng nanay ni Ana. Talagang pinangangaralan niya kami.
"O Anton kumain ka na?", tanong ng nanay ni Ana.
"Hindi pa po."
"Kahit kailan talaga PG ka! Kakakain lang natin kanina.", sabi ni Ana.
"Hayaan mo na Ana, ikaw talaga. Pag hahanda ko kayo ng meryenda.", habang naghahanda ng meryenda yung nanay ni Ana, nag-usap kami ni Ana.
"Ang bait ng nanay mo. Sana ganyan din kabait yung nanay ko.", sabi ko kay Ana.
"Anu ka ba escort ko, sa tingin ko rin naman mabait yung nanay mo. Hindi ka lalaki ng ganyan karesponsable kung hindi mabait yung nanay mo.", sabi ni Ana. Ayun pagkatapos namin kumain umalis na kami. Walking distance lang yung bahay namin sa bahay nila Ana.
Papasok na kami sa bahay. Kinakabahan na naman ako. Siyempre nanay ko na to. Papabor kaya siya sa relasyon namin. Eh kakabawi ko pa lang sa mga grades ko eh.
"Ma.", sabi ko.
"O Anton. Sino yung kasama mo?", tanong ng mama ko.
"Pasok muna tayo sa loob.", sabi ko sa mama ko.
"So Sino yang kasama mo?", sabi ng mama ko.
"Ma, Si Ana, girlfriend ko.", medyo nagulat si mama pero nakalma rin naman.
"Anton, ummm. Wala namang masama sa pag kakaro ng girlfriend. Basta maging responsable kayo. Unahin niyo yung pag-aaral niyo. Gawin niyong inspirasyon ang isa't isa. Wala muna masyadong commiment. Mahirap yun kasi nga may relasyon kayo pero bata pa kayo. Kung mahal niyo talaga ang isa't isa, mahalin niyo lang basta alam nyo ang limitasyon niyo.", kita ko naman sa nanay ko na sobra yung pagintindi niya sa kin. Akala ko nga magagalit siya pero at least naintindihan niya ko.
"Nagmerienda na kayo?", tanong ni Mama.
"Opo", sabi ko.
"Ma puwede po bang don muna kami sa kuwato. maglalaro lang kami ng computer"
"Sige nak.", ayun umakyat na kami. nagpicturan. Tapos inupload sa FB. Aba! Ang daming naglike. At least legal pagbabalikan namin ni Ana. Wala na kaming nililihim sa magulang namin. Mas magiging malapit na kami sa isa't isa. Mas magiging comportable. Si Ana talaga inspirasyon ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.