Stanza 8
***
Nakauwi na ako sa penthouse. Sinundo ako ni Kristoffe at Loisa. Para nga silang magsyota eh. Nainggit tuloy ako. Wait... single silang dalawa, pwede! Pinagpahinga nila ako at sila na ang nagtrabaho sa kusina.
"Steph, may outing ang barkada sa December 20. Uwi ka niyan ha!" Dinig kong sabi ni Loisa mula sa kusina.
"Bakit di ko alam yan?"
"Eh kasi nga busy ka lagi." Si Kristoffe naman ang sumagot.
"Umuwi ka Steph please. It's like our own welcome party for you. Sama ka rin, Wade." Wow! Ngayon ko lang narinig na may tumawag na Wade kay Kristoffe!
"I told you, don't call me Wade."
"Eh anhaba kasi ng Kristoffe. Two syllables pa. Wade na lang para isa lang. Papalag ka pa? Hahalikan kita." Sabi ni Loisa. Naalala ko tuloy kung paano nagsimula ang kwento ni Troy at Shane, sa isang bangayan rin. Baka diyan rin magsimula ang kwento nitong dalawa.
Tumayo ako at pinuntahan sila sa kusina at baka magpatayan na sila doon. Now showing pa naman yung mga kutsilyo.
"Oy oy. Awat na! You're in my house. Pwede ko kayong palayasin." Sabi ko at umupo sa breakfast counter.
"Bakit ba kasi ayaw mong Wade ang itawag sayo? Eh ancute cute nga eh." Sabi ni Loisa habang naglalakad papunta sa akin na may dala-dalang plato na may... oh my gosh I can't believe this.
"KARE-KARE!" Usal ko. Napangiti naman si Loisa at humarap kay Kristoffe.
"Oh nasan na yung 5 dollars ko?" Inilahad niya ang palad niya na wari mo'y nanghihingi ng pera. Eh kasi nanghihingi talaga siya ng pera. Sumimangot si Kristoffe. Kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa sa likod ng pantalon niya at naglabas ng 5 dollars. Kinuha ito ni Loisa. "Toldja. Time won't measure your knowledge about someone." Sabi ni Loisa at ngumisi.
"Oh bakit may 5 dollars?" Tanong ko.
"Eh kasi kanina habang namimili kami ng ingredients para sa lulutuin ngayon, nagbangayan kami." Sagot ni Loisa.
"Sabi ko Chicken Fillet with White Sauce ang favorite mong pagkain kaya yun ang ihahanda. Kaso ibang ingredients ang nilagay niya sa cart kasi hindi daw yun ang favorite mong pagkain, kaya nag-away kami sa grocery." Sagot naman ni Kristoffe.
"And you ended up betting. Bakit kare-kare lang ang niluto niyo?" Tanong ko.
"Ako yung nagbayad eh. Kinuha ko yung wallet niya para hindi siya makapalag." Sagot ni Loisa. Bahagyang natawa ako sa kanilang dalawa.
"Para kayong mga bata. Kumain na nga lang tayo!" Sabi ko at kumuha ng serving ng kare-kare at alamang. "Saan ka nakakuha ng alamang?" Ngumiti siya ng sobrang lapad.
"Pinagod niya ako kakahanap ng Pinoy food stall sa mall." Si Kristoffe naman ang sumagot. Bahagyang natawa na naman ako.
Kumain na lang kami habang nagku-kwentuhan sa mga nangyari sa kanila ngayong araw. Buong araw pala silang magkasama. Ini-imagine ko na kung ilang beses silang nagbangayan at kung sino ang nanalo, sino ang natalo.
"I'll go ahead." Sabi ni Kristoffe at hinalikan ako sa noo. "See you tomorrow."
"Bye. Thanks, by the way." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Novela Juvenil[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"