Kinakabahan ako. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan dahil sa letter at kamay na naririto. Ramdam ko rin ang mga nag-babadyang luha at hindi ko na iyon mapigilan, hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung anong uunahin ko, kung si Daddy ba talaga 'to at sino ang may pakana nito.
"Queenie, hey!"
Noon lang ako nabalik sa wisyo ng mahinang tapikin ni Cassidy ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Si Daddy..." Naiusal ko na lamang kaya naman agad niya 'kong niyakap. Gusto ko siya'ng itulak dahil hindi pa naman ako ganon kaayos sa kanya pero nang-hihina ako. Pakiramdam ko wala akong magawa.
"I'll come with you don't worry." Aniya kaya hindi na 'ko sumagot. Diretso lang ang katawan ko habang nakatingin sa kamay na nasa lapag nang biglang may marinig kaming mag-sigawan sa labas ng office. Agad kong inalis ang kamay ni Cassidy at nagpaunang lumabas.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos lahat ng tao ay nasa sahig na at nakayuko na para bang natatakot sa nangyayari, magulo ang mga lamesa at makalat.
"Lumabas ka rin." Rinig kong ani ng lalaking nakaitim, may hawak siyang baril na pinaiikot-ikot niya sa darili niya.
"Siya na ba 'yon?" Sabat ng lalaking nakabonet at may dala ring baril.
Nakita kong lumapit ang isa pang lalaki sa'kin, siya ang pinaka matangkad sa grupo at siya rin ang may pinaka mahabang baril na bitbit. Napaatras pa 'ko ng magkaharap kami, tinignan naman niya 'ko mula ulo hanggang paa.
"Sino kayo?" Matigas kong sabi kahit pa sa loob loob ko'y kinakabahan na ako.
"Sa isang kundisyon, sasama ka sa'min." Sabi nito kaya lalo akong napaatras at naramdaman na nasa likod ko na si Cassidy at Dina.
"Ano'ng kailangan niyo sa kanya? Tska bakit kayo nanggugulo dito?!" Matapang na ani Cassidy.
"Wala ka nang pake 'don!" Sigaw ng isang lalaking nasa entrance ng shop.
Nabigla ako ng biglang higitin ng lalaking kaharap ko ang isang braso ko.
"A-Aray!"
"Sumama ka na, bilis!"
"At bakit ako sasama? Bitawan mo 'ko!" Pagpupumiglas ko sa kanya pero sadyang mahigpit ang kapit niya.
Shit. I guess I'm in trouble again.
"Bitawan mo siya hindi siya sasama sa inyo!" Si Cassidy na hinatak na rin ako pero talagang hindi ako binitawan ng lalaki. "Tatawag ako ng pulis!"
Nagsitawanan ang mga lalaking nandito. Lima sila at para silang miyembro ng mga gang. Nakakatakot ang mga datingan.
"Edi tumawag ka, sino'ng tinakot mo?" Sabi ng lalaking nakasuot ng bonet.
"T-Tatawag talaga 'ko!" Nakita kong kinuha ni Cassidy ang phone sa table pero agad din siyang napigilan ng isang lalaking nakaitim na cup.
"Wag kang pakielamera kung ayaw mong madamay."
Naramdaman kong hinatak ako ng lalaking kanina pa nakahawak sa braso ko at pinilit akong palabasin ng shop pero nagpupumiglas ako, hindi 'to pede... Hindi pedeng main-volved na naman ako sa ganito gayong iniisip ko si Daddy.
"Ano ba!!!" Buong pwersa kong hinablot ang braso ko at kita ko namang nagulat siya. Nagsitawanan naman ang mga kasama niya.
"Palaban ah..." Daing nung isa.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Misterio / SuspensoA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...