[Chapter 16] Everytime

194 2 0
                                    

[Chapter 16] Everytime

[Sabrina’s P.O.V.]

3rd and last day na ngayon ng Fest. Hohoho! How sad.

Mamimiss ko ang mga food booths. Jusmiyo marimar. Ang sasarap pa naman ng mga pagkain sa booth.

Oyy! Di ko kayo ginugutom ah.

Nga pala, kanina pa ako dito sa school, nakatunganga. Mula kaninang umaga hanggang ngayong hapon.

Akalain niyo yun? Bored kasi ako.

Tapos, biglang dumating si Tammy, naghi siya sa’kin at nag-usap naman kami sandali. Matagal na rin kaya kaming di naguusap ng babaeng ‘to. Besides, malayo rin ang quarters ng mga Journalism sa amin.

Nung may tumawag sa kanya, tumalikod na siya at nagbye sa akin.

Alone again. Huhubels.

“SABRINA!” Lumingon ako sa apat na taong patakbong lumalapit sa’kin.

“Ano?” tanong ko.

Oh, sina Monica, Liam, Alex at Niccolo pala.

“Halika nga dito.” Sabi ni Liam sabay hatak.

“Aray ah. Ano ba naman kasi?” takang tanong ko.

“Open na ang marriage booth.” Uwaaa~ Okay Sab, calm down.

“Talaga?”

“Yah!” sabay na sabi nina Monica, Alex at Liam.

“Ang problema, saan kaya natin hahanapin si Kristoff mo?” sabi naman ni Nicco.

“Oo nga no? Hindi rin kasi namin siya nakita nung napunta kami kanina sa quarters ng mga nursing student.” Sabi naman ni Monica.

“Baka nasa V.I.P room?” ani ni Alex.

“Maybe, maybe.” Sabi ko naman.

Hay Toffy lalabs, kahit naman isang oras maging asawa kita. LOL.

Kaya yun, sinabi nilang apat na hahanapin muna nila si Kristoff kaya um-oo nalang ako. Bakit pa naman ako tatanggi, grasya na oh.

Lumabas muna ako saglit sa quarter at naglakad-lakad ako malapit dun sa building ng mga High School.

Charing, matagal na akong di naka-bisita dito ah.

Nung nasa may pamilyar na ako na classroom, may biglang tumawag sa’kin.

“Ate Sab!” nung lumingon ako, nakita ko kaagad ang isang pamilyar na dalaga.

“Luzhen!” tapos nagwave-wave siya sa’kin.

“Ate, long time no see.” Sabi niya, tapos, nagbeso-beso kami.

Si Luzhen Lee, naging ka-close ko na siya dito. Kakaiba din kasi ‘tong babaeng ‘to. 4th year high school na siya.

“Yah, me too. Sobrang busy lang kasi talaga kaya di na uli ako napapadaan dito.”

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon