Pansamantala (One Shot)

328 18 4
                                    

Hi! :) This is my first one shot. So sana supportahan niyo po. Salamat po.

--

He's your first priority but you're only his second option.

--

September 8 ngayon it means it's our 24th bestfriendsary namin ni Clark, ang boy bestfriend ko.

Sabado ngayon kaya walang pasok, hindi kami magkikita ni Clark kaya naisip kong gawan siya ng surprise kahit wala akong pera.

Mahirap lang ako, hindi katulad ni Clark o ng mga schoolmate namin. Scholar lang ako at isang typical na babae.

Meron lang akong 150 pesos, pano ko gagawan ng surprise si Clark nito kung kulang ang pera ko? Think positive, Sheena! Sabi nga nila "It's the thoughts that counts."

Bumili ako ng isang maliit na box para lagyan ng mga letters ko at bumili ng isang blank CD. Naglakad nalang ako pauwi galing sa NBS at CD R-King para tipid ng may nakita akong isang tindahan ng mga lobong wala pang hangin, bumili ako ng tatlong lobo. Dumaan ako sa tindahan sa tapat ng bahay namin at bumili ng Fita at choco-choco.

1:00 ng tanghali sinimulan ko ng ilabas isa-isa ang mga Fita at nilagyan ng mga letter gamit ang choco-choco.

"H A P P Y B E S T F R I E N D S A R Y !"

Yan ang nakalagay sa mga Fita.

Sinunod ko ang paghipan ng mga lobo.

"Ang sakit ng pisnge ko! Para akong magkakabeke!"

Naligo ako at pagkatapos ay nagrecord ng kantang "Bestfriend" ni Jason Chen at nilagay sa CD.

"I'm inlove with my bestfriend"

Oo. Inlove ako kay Clark, matagal na. Ganun naman talaga diba? May isang palihim na nagmamahal. Gusto ko ng umamin sa kanya, noon pa pero natatakot akong sumugal dahil ang hirap mangapa sa dilim. Hindi mo alam kung ano ka nga ba talaga para sa kanya. Natatakot akong mawala ang Friendship namin. Pero wala na! Gusto ko ng umamin kaya nga sana hindi palpak mamaya, aamin na ko dahil mahal ko talaga siya at hindi ko na kayang itago.

4:30 ng hapon ng matapos ako at sinimulan ko ng maglakad papunta sa school dahil 5:00 ang labas nila Clark mula sa practice ng Basketball.

"Nakakapagod maglakad, kung pwede lang sanang lumipad eh!"

5:15 pm nang dumating ako sa school. 15 minutes late. Sana hindi pa sila nakakalabas.

Lumapit ako kay kuya guard.

"Kuya! Lumabas na po ba ang baaketball team?"

"Ay! Iha! Nasa loob pa."

"Salamat, kuya! Punta ako sa garden ah?"

"Sige lang."

Tinext ko si Clark.

"Claaaaark! Saan ka? Tapos na ba practice mo? Punta ka sa garden dalii!!! :) "

Naglakad ako papunta sa garden ng school medyo malayo ito sa Gym ng school.

1 new message received

From: Clarky :)

Sheens! Nasa mall ako kasama si Patricia. Mas nauna akong umalis ng gym. Anong meron sa garden?

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasama nanaman niya si Patricia, ang dakila niyang girlfriend na di man marunong magpahalaga.

"Nakalimutan ba niya na Bestfriendsary namin ngayon?"

May tumakas na luha mula sa mata ko. Bakit ba ko nagtatanong? Eh, bestfriend ka lang naman! Ano bang pake niya kung Bestfriendsary niyo ngayon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pansamantala (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon