A/N: Finally, natapos ko din 'to! This is the reason why I couldn't write anything, sa kagustuhan ko kasing mabigyan ulit ng POV si Enzo, for the very last time. Yes, this is the last special chapter of Mr. Sakristan. So I hope you'll enjoy reading this part. THANK YOU! :)
~chas
SONG: WHEN I PRAY FOR YOU by Dan + Shy – You can play the MV on the media box and listen to the song while reading for more feels!
SPECIAL CHAPTER: HOLD ONTO FOREVER
"ALRIGHT, that's it for today. Class dismissed!" I declared after hearing the school bell rang.
All the students were out of their seats, isa-isa na silang naglabasan ng computer lab.
"Sir Kyle, pwede po magtanong?" I heard to one of my student out there.
"Sure, what is it?" I answered while closing all the systems na ginamit ko.
"May hands-on exam po kami tomorrow, right?"
Pagkatapos 'kong magshut down ng laptop ay napaangat ako ng tingin sa grupo ng kababaihang estudyanteng naiwan sa loob ng classroom. Isa lang ang nagtanong pero mukhang lahat sila ay kaylangan ng kumpirmasyon mula sa akin.
Tumango-tango ako pero pinaningkitan ko sila ng mga mata. As far as I remember, I already reminded them earlier. "You didn't pay attention huh, but yes, we have so be ready, students."
Pagkasabi ko nyan ay sinarado ko na ang laptop ko at naglakad na palabas ng pinto.
"Yes Sir, Of course, we will!"
Narinig kong sagot nila pero nakalabas na ako ng computer lab. Itinaas ko nalang ang aking isang kamay para magpaalam at hindi na'ko lumingon pa.
"Ahm, Sir Kyle.. can we ask you a personal question?" tanong ulit ng isa pang estudayante. They all followed me at sinabayan ako sa paglalakad sa hallway.
"No," seryoso at maagap kong sagot.
"Sige na Sir, isang tanong lang po." pangungulit nila.
Hindi ko na sila sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Ganito nalang Sir, tatanungin ka pa din namin but it's up to you if you want to answer it or not,"
Bahagya akong natawa at napailing nalang sa kakulitan ng mga estudyante kong ito.
"Kayaaa! Dali na girl, tanungin mo na Sir,"
"Sige na, malapit na tayo sa faculty,"
"Okay girls, just calm down, ito na nga!"
"Ahm, Sir Kyle, asawa nyo po ba 'yong girl na nakita namin last time sa harap nitong ECE building?"
As I thought... sila siguro 'yong grupo ng mga estudyanteng nakakita kay Gaelle nong sinurprise visit niya ako dito sa university.
"Sir Kyle please..."
"Isang sagot lang, Sir naman..."
Sabi pa nila nong hindi ko pa din sinagot ang tanong nila, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sinundan pa din nila ako ng pangungulit hanggang marating ko ang tapat ng faculty office. Narinig ko pa ang ilang disappointments nila kaya bago ko pihitin ang doorknob, bahagyan ko silang nilingon at ngumiti. "Yes, she's my wife."
"OMG, I told you mga bessss!"
"But she's pretty though,"
"Taken na talaga si Sir,"
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Novela Juvenil❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.