The Meaning of Love (A TDG Fanfic)

5.6K 82 30
                                    

Hello po! Eto po yung first-ever fanfic kong naisulat. Hahaha! Ang mga characters po sa One-shot na ito ay mula sa story ni ate Shirlengtearjerky na The Despicable Guy. Go check it out, it's awesome! :) Comment and vote po kung nagustuhan niyo please? Hahaha! Orayt! Read on!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kevin's POV:

HIGHSCHOOL

~~***

Love.

Ang sabi ng bestfriend ko, ang love daw ay ang pinakamasayang feeling na pwedeng maramdaman ng isang tao. Nakakapagpasaya, nakakaadik.

Nakakaramdam ka ng kakaibang saya na tanging yung taong mahal mo lang ang makakapagbigay sa'yo. Yung feeling mo daw e parang "out of this world" yung dating. Palaging lutang, yung tipong hindi mo mapipigilang ngumiti sa tuwing naiisip mo yung taong yun.

Parang magic.

Magic na sa tuwing magkakadikit kayo, makakaramdam kayo ng ibang klaseng kuryente at makakakita ng maraming fireworks every time na magki-kiss kayo. Everyday ka daw nasa Cloud 9 basta't nandiyan siya sa tabi mo.

Magical nga ba ang pakiramdam ng inlove?

Aba, malay ko.

Paano ko naman malalaman? E sa 16 years na pamamalagi ng gwapong (ehem!) tulad ko sa mundong ito e never ko pang naranasang mainlove. I admit na sa edad kong 'to e hindi na imposible sa 'kin na mainlove lalo na during sa high school days ko... puppy love, ika nga.

Kasi let's admit it - halos naman lahat ng tao e karaniwang nagkaroon ng boyfriend/girlfriend during high school di ba?

Pero kahit gaano man karami sa barkada ko ang nagkaroon na ng relasyon, I had never once felt the need to copy them and have one of my own.

I'm simply not interested.

Pero oy, hindi ako bading ha, choosy lang. (Joke.)

Kung tatanungin niyo naman ako kung ano yung sinabi ko sa bestfriend ko nung pinadefine ko sakanya yung meaning ng love (which I deeply regretted by the way), simple lang ang sagot ko diyan:

"Maxene, para kang timang."

Yep, ganun talaga ang pagkakasabi ko sakanya. With matching deadpanned look pa.

Masisisi niyo ba ko? E totoo naman e! Mukha talaga siyang tanga nung sumasagot siya no. May pag hand gestures at may pasway-sway pa.

Baliw.

Sinapok pa nga niya ko dahil dun e. Kahit kelan daw talaga napaka anti-love ko.

E bakit ba?

Sa hindi ko alam kung bakit pa kelangan ng love-love na yan e.

Para san pa?

Mahal naman ako ng nanay, tatay, kuya at ibang mga kamag-anak ako. Okay na yun! Pa roma-romantic love pa. Requirement ba yun para sumaya?

I don't think so.

Bitter ba?

Hindi a. I just don't get the whole concept of falling inlove with another person. Sabi ng iba, they need to find their other half to be whole. That having someone to love means more than anything in this world.

Weh, di nga?

Kasi para sakin, ang mga taong naniniwala dun ay walang self-confidence at hindi nila mahal ang mga sarili nila. Pwede rin namang sabihin natin sa selfish yung mga taong yun. They just want another person to make them feel good about themselves. Someone who would fill the emotional chasm that they have within them because they have their way of thinking that if you can't find a person to love you for who you are, you're not worth it.

The Meaning of Love (A TDG Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon