Jasmin's POV
Hindi na ako nakatulog pa magmula nung magising ako sa panaginip ko kagabi. Kaya tuloy ngayon, masakit ang ulo ko dahil sa kulang ng tulog.
Ako pala si Jasmin Janeth Marquez, 19 years old. Isang collage student sa LU (Lovhal University). Bunsong babae sa pamilya. I now only have my Mom and Big Brother with me. Maagang namaalam si Papa eh.
Si Mama ay isang designer pagmamay-ari niya ang Lamore Boutique. Only the biggest producing company of designer clothes in our hometown while si Kuya naman ay on training para maging isang idol. And by idol, I meant isang sikat na singer and actor.
Ako lang siguro ang naiiba sa pamilya. Ako lang kasi ang walang malinaw na patutunguhan sa buhay. Maganda naman daw ako, matangkad, maputi, at matalino.... nung dati.
Dahil sa pagkawala ni Renzo, parang nawalan din ako ng clear path sa future. Sa lahat kasi ng ginawa kong pangarap, palaging naroon si Ren-ren. Nung nawala siya, hindi ko na alam kung papano pa mangyayari ang future na yun.
"Jaja, sigurado ka bang hindi ka papasok? Alam mo naman na strict ang school niyo sa absentisms niyo di ba" sabi sa akin ni Kuya nung makapasok siya sa kwarto ko.
Lumapit siya sa kama ko para kausapin ako.
"Masakit talaga ang ulo ko Kuya, I'm sure pauuwiin lang nila ako pagpumasok pa ako" paliwanag ko naman sa kanya.
"Well you have to at least try. Baka makick-out ka na sa school niyo. Kaya kong makiusap pero hindi ko naman yun kayang gawin habang buhay. Ilang beses na akong pinatawag ng school, dahil palagi kang absent, kung hindi naman, palagi kang tulala. Please Jasmin, wag mo naman pahirapan ang sarili mo" pagmamakaawa sa akin ni Kuya.
"Maybe next time" sabi ko naman sa kanya saka tumalikod na.
*sigh*
"Well, kung yan talaga ang gusto mong gawin, then so be it. Naghihintay lang ang breakfast mo sa mesa, bumaba ka na lang kung nagugutom ka na. Si Mama umalis na kanina pa. Kung kailangan mo ng tulong, nandyan si Manang Lilian. Tawagin mo na lang siya. Aalis na ako, I'm gonna be late for my training" pagpapaalam sa akin ni Kuya bago siya lumabas ng kwarto ko.
I'm sorry Kuya. I guess my heart doesn't know how to be okay yet. Pinipilit ko naman maging okay, pero kapag ginagawa ko na, bigla na naman magpapaalala sa akin si Renzo.
Reyrin's POV
Kailan ba babalik ang masigla kong kapatid? Nahihirapan na rin kami ni Mama na tiisin ang mga nakikita namin sa kanya.
Ako pala si Reyrin Jonathan Marquez. 21 years old at isang trainee sa pagiging idol. I still go to school, pero by sched na lang. Hindi naman ako pumapasok araw-araw, kasi may nakaset nang schedule para sa pagpasok ko ng school.
I spend most of my time in training. Being an idol is really my dream. I hope I can also say the same with my sister. Ineencourage ko siyang sumunod sa yapak ko.
Maganda kasi siya, and ang mga features niya ay suitable sa pagiging super star. Magaling din siyang kumanta. Hindi naman sa pagiging mayabang pero nasa dugo na kasi namin ang dugong singer. Our family in our Papa's side came from a line of singers.
♥riiinggg riiiinggg riiiinggg♥
Nakita kong tumatawag sa akin si mama. Sinagot ko ang tawag niya, baka kasi may kailangan siya o baka may naiwan.
"Hello ma, may kailangan ka po ba?" Pagsagot ko sa tawag niya.
"Tan, pumasok na ba ang kapatid mo?" Tanong niya sa akin. Sigurado akong mag-aalala na naman si Mama kapag nalaman niyang hindi na naman pumasok si Jasmin.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Novela JuvenilHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...