The Stranger

14 1 0
                                    

I dont know who you are but I'm with you. I'm with you~

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

"Mas malalim pa sa dagat na nasa harap mo."

"Haha! Hmm... ganun ba? Parang ang lalim nga nyan."

"Oo ang lalim."

Hindi ko sya kilala pero kinakausap ko sya mukha naman syang harmless. Sa katunayan gwapo sya kung nasa katinuan lang ako baka kinilig ako kasi kinausap nya ako ang kaso masyado akong pre occupied. Nasa punto ako ng buhay ko na di ko alam kung anong gagawin, irereact o iisipin ko, lutang lang ako malayo ang tingin. Nimiski sinasabi ko di ko na alam.

"Things happen for  a reason."

Mula sa pagkakatulala sa dagat napalingon ako sa kanya.

"Gasgas na yan." Sagot ko sa sinabi nyang hindi naman tanong.

"Oo nga pero totoo."

Napatingin ako sa mga mata nyang parang binudburan ng stardust. Namamangha ako sa kagwapuhang taglay nya pero di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi man lang ako kinikilig.

"Natulala ka na sa kagwapuhan ko ah? Hahaha! Pogi problems." nakangiting sabi nya sa akin.

"Oo nga ang gwapo mo... pero bakit ganun? Hindi ako kinikilig?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Oo nga halata naman eh! Kung ibang babae ka pa naku! Hahaha baka natunaw na sila ! Kanina pa ako nakatitig sayo pero tulala ka lang sa dagat, paminsan-minsan mo nga ako nililingon pero parang wala ka namang nakikita. Nakakahurt ka ng ego huh?" Pabiro nyang sambit.

To be continue...

So Much For Your Fairy taleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon