Chapter 11

106 5 1
                                    

Kady’s POV

Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha ng devil na to. After ba naman ng tutoring namin, nakatulog! Syempre ginising ko, pero tulog mantika! Ayaw magising! Ginawa ko na lahat lahat para lang magising, wala talaga eh. Iniisip ko ngang buhusan na lang siya ng malamig na tubig, pero nakonsensya naman ako. Kahit papano, may konsensya naman ako no! Kaya ayun, hinayaan ko na lang siyang matulog sa upuan kung saan kami nag-aral.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Devs na tulog na tulog pa. Psh. Nanood na lang muna ako ng TV. Mamayang 8am pa naman ang klase namin. At 5am palang.

“Aww.” Napatingin ako sa kaniya. Hawak hawak niya ang likod niya. Masakit siguro, syempre natulog siya magdamag nang nakaupo. Sino ba naman ang hindi sasakit ang likod?

Syempre binanatan ko na naman siya. And it goes on. Mura dito, mura doon. Asar dyan, asar dito. Pinapaalis ko na siya sa sobrang inis ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero kahit simpleng pang-iinis lang ang ginagawa niya sakin, ginagawa kong big deal. Sobra talaga akong naiinis! Argh!

“Magbreakfast muna tayo.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero mas nagulat ako sa biglang pagbabago ng mood niya. Kanina lang, nagbabanatan kami. Tapos ngayon, biglang naging calm siya? He’s really a weird bipolar devil!

Di ako marunong magluto. Now, you can go.” Sabi ko. Totoo naman kasi, hindi ako marunong. Hindi ko lang talaga hilig ang magluto. Nagulat ako nang biglang tumayo si Devs at dumiretso sa kusina ko. Aba’y! Feel at home na feel at home ang peg niya huh?!

“Anong ginagawa mo?!” Sigaw ko sa kaniya. Nandito na rin ako ngayon sa kusina.

“Magluluto. Akala ko ba matalino ka? Hindi mo ba—Aray naman!” Binatukan ko nga. Alam ko namang magluluto siya.

“Gagu!” Mura ko sa kaniya.

“Umupo ka na lang nga dyan at hintayin mo na lang ako. Kaya pala ang payat-payat mo, hindi ka kumakain ng pagkaing tao. Tingnan mo nga oh, puro ka junkfoods, de lata, at noodles!”

“Paki mo. Bilisan mo na nga lang dyan. Nagugutom na ako.” Bulong ko. Hindi ko alam kung ano niluluto niya pero ang sarap ng amoy. Bigla tuloy akong nagutom.

“Anong sabi mo?!”

“Sabi ko bilisan mo dyan at nang makauwi ka na!” Sigaw ko. Nakakainis! Nagugutom na nga yung tao eh. Psh.

After 10 minutes..

Napalunok na lang ako sa niluto niya. Natatakam na talaga ako pero syempre hindi ko iyon pinahalata. Alam kong iinisin lang ako ng Devil na to kung pinakita kong gutom na gutom na ako sa niluto niya.

“Ano yan?! Sigurado ka bang nakakain yan? Mamaya may lason pala yan tapos—Hmm devil hmm ka talaga!” Leshe to. Nagsasalita pa ako nang bigla na lang niya akong sinubuan.

“Kumain ka na lang kasi. Salita ng salita. Ano, masarap ba?” Tanong niya habang nakangiti. Ang weird talaga nito. Napakabipolar!

“Hindi. Pagtitiisan ko na lang.” Sabi ko sabay subo. Masarap siya. Actually, sobrang sarap niya. Hindi ko pa rin maisip na marunong pala tong magluto. On the second thought, may alam naman pala siya kahit papaano.

“Psh. Ano lang naman ang umamin? Tss.” Narinig kong bulong niya. Napangiti na lang ako sa reaksyon niya.

Matapos naming kumain…

“You can go. May klase pa tayo ng 8am.” Sabi ko kasi parang wala pa siyang balak umalis.

“May hinihintay ako.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May pinapunta ba siya dito? Ang kapal talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitch and the Devil's Set-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon