Chapter 43

4.6K 121 0
                                    

"Ngayon, kayo nga'y magpaliwanag sa amin kung bakit nangyari ang ganitong kalunus-lunus at kahindik-hindik na sorpresa? Napakagulo ng napasukan nyong problema. Talagang malaking gulo! "Medyo hinika at nanginginig sa galit na wika ng lola ni Beeya.
Kaagad nman itong inalalayan ng kanyang abuelo. Pinapahupa ang galit na nadarama ng matandang babae sa kanila.
Nasa malapad at malawak na sala sila ng malaking bahay nina Beeya. Tila ba may malaking pulong na nagaganap. Iyon pala ay lilitisin lamang silang dalawang magkaibigan.
Kung papapiliin nga silang dalawang magkaibigan mas nanaisin pa nilang lumindol at bumuka ang sahig ng pagkalaki-laki sa kanilang sala saka sila lamunin ng buong- buo noon para wala ng may makahanap pa sa kanilang dalawang magkaibigan. Ngunit tila napakalayong mangyari niyon at gusto na nilang panginigang magkaibigan ng tuhod habang nakaupo sa harapan ng tatlong grupo ng man-uusig.
    Nang madaanan nga ng mata ni Beeya ang  lalaking pinag-ugatan ng kanilang sitwasyon. Tila sya napaso na napabawi agad ng tingin sa lalaki. Wala itong kangiti-ngiting nakatitig sa kanya ng mariin. Mabalasik pa nga ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Akala nya di ito sa kanya nakatingin iyon pala tanging sa kanya lamang nakatutok ang buong atensyon nito.
"Oo nga, mantakin mong dapat si Carlito ko ang magiging ama ng batang nasa tiyan ni Beeya at makakasal na sana bago pa matapos ang taong ito iyon pala ay ibang lalaki lang ang susungkit sa apo natin Berteng! "Ani ng abuela ni Carly. Naggagalaita din ito sa galit. Di tuloy nila alam kung saan ba ang mga ito nagagalit. Sa kaalamang di na matutuloy ang kasal nila no Carly or sa kaalamang di si Carlito ang ama ng kanyang dinadala. Pati tuloy si Beeya nagulo na rin ang isipan sa pag-iisip ng pinagpuputok ng butse ng mga lola nila.
Napapangiwing nakikinig sina Beeya at Carly sa pakikinig ng sermon ng kanilang mga lola sa isang tabi. Talagang nagtabi pa silang dalawa sa upuan at magkahawak kamay pa talaga ng mahigpit. Na para bang anumang oras ay mapapalo silang sabay at ibibitin sa puno ng niyog  sa pag-taas  ng presyon ng kanilang mga lola na nag-ala Gabriela Silang na ang pagkapula ng pagmumukha.
    Lahat ng mga kapatid at pamilya nilang dalawa ni Carly ay nandun din, samo't saring emosyon ang nakabalatay sa mga mukha. Tila nga may namamanhikan sa kanilang bahay kung may makakakita sa kanila doon. Isama pa ang mga dalang alipores ni Greeco na nilutuan pa talaga ng kanilang mga ina ng masasarap na pagkain saka pinakain lahat. Parang may palibreng pagkain sa papiyesta sa kanilang bahay ngayon.
      Habang silang dalawa ni Carlito ay pawang nakayuko ang mga ulo at nakapinid ang mga bibig sa kadahilanang baka mahampas sila ng dalawang matanda na tumaas ata ang alta presyon dahil sa kanilang dalawa mabuti nga at di pa naha-highblood.
    Nang magtaas silang magkaibigan ng tingin. Blanko ang ekspresyon ng mukha ng kanilang mga magulang samantalang ang kanilang mga kapatid di nila tantya kung masaya ba o malungkot na parang galit ang mga ito sa kanila.
"I'm willing to take your granddaughter back ma'am. "Ang biglang sabad ng lalaki sa usapan. Seryoso ang mukha nito. Tila nman nabato-balani ang kanilang pamilyang nakikinig na di agad nakatinag sa sinabi nito.
  Nanlaki nman ang kanilang mga mata ni Carly at napaawang rib ang kanilang bibig sa narinig. Nagkatinginan pa silang magkaibigan.
'Anu raw he's willing to take her back eh nilayasan nya na nga ito!Tapos ito rin ang humabol-habol sa kanya hanggang sa probinsya nila. Tapos sasabihin nitong he's willing to take  her back again as if nagmakaawa sya sa lalaking tanggapin nito muli?  Is he out of his damn mind right now? 'laglag-pangang pagdedebate ni Beeya sa kanyang isipan.
  Napaigik pa sya sa sakit ng bigla na lamang syang siniko ni Carly sa tagiliran. Dahil nagsalita pala ang kanyang ama hinggil sa sinabi ng lalaki ng di nya nga namalayan at narinig.  Busy kasi ang kanyang isipan eh sa pakikidebate!
    Pinansilikan nya ng mata ang kaibigang katabi saka inangilan ito.
"Anu ba kasing sinabi?! "Inis nyang tanong.
"Babaeng bingi! Binigay ka na ng tatang mo uy! "Mahinang bulalas nito.
"Anu?! Bakit nman! "Wika nyang magpapapadyak sana ng kanyang paa ng mahagip nya ang tingin ng kanyang ama. Tiningnan sya nito ng matalim, 'patay na' ani ng isipan nya.
"Eh kasi nga bundat ka na raw! "Anito.
Bigla silang natahimik ng magsalitang muli ang kanyang ama.
"No way! "Bigla nyang sigaw kaya lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.
"Anung no way no way mong pinagsasabi dyan Beeya! Eh di mo ba nakikitang malapit ka ng manganak?"Mabalasik na wika ng kanyang ina.
"Eh inang di ko nman boyfriend yan eh. Di ba nga po papakasal na kami ni Carlito. "Protesta nya rito sabay hila patayo sa nagulat na bakla sa kanyang tabi.
"Oo nga alam namin iyon ngunit di na matutuloy iyon dahil iyang ipinagbubuntis mo ay di nman kay Carlito kundi sa lalaking iyan! "Tugon ng ina nya sabay nguso kay Greeco.
"Hoy! Baklita, ipagtanggol mo ako! "Inis at mariin nyang bulong sabay kurot sa tagiliran ng kaibigan.
"Aray! "Maarteng sigaw nito ng malakas.
Gulat at pagkamangha nman ang rumehistrong larawan sa mukha ng mga nandun.
Nanlalaki ang kanyang mata at biglang napatutop sya sa kanyang bibig ganun din ang kanyang kaibigan kaya siniko nya ito ng nauna syang makabawi saka ito binulungan.
"Langya ka Carly! Bakit ka nagpabuko?!Ipinahamak mo ang sarili sa lahat!"Gigil nyang bulong. Kulang na lang tirisin nya ang kaibigan.
"You see? He's not suitable to be her husband because he's a guy! "Paglalahad ni Greeco sa sekreto ng kaibigan. Pinandilatan nya ito ng mata na in-ignore lamang ng lalaki kaya lalo syang naiinis rito.
"O, mahabaging panginoon! Bakit mo ako binigyan  ng apo na binabae?! "Napatutop sa dibdib na wika ng lola ni Carlito.  Napaiyak naman ang ina ng kaibigan sa sinapit ng bunsong anak.
"Gilbert, di na ako magkakaroon ng apo sa bunso nating anak! Paano pa tayo magkakaroon ng munting prinsesa?"Bulahaw na iyak ng babae.
Kinuwelyuhan nman ng mga kapatid ng kaibigan si Carly at akmang susuntukin ito ng pumagitna sya dito.
"Don't you dare hit my best friend! "Mariin at galit nyang turan. Tinanggal nya ang kaibigan sa pagkakahawak ng kapatid nito. Saka sila lumayo sa mga ito at hinarap ang pamilya ng lalaki. Pinapwesto nya si Carly sa kanyang likuran.
"Kaya nga nangyari ang lahat ng ito dahil ayaw kong malaman nyo na Beki ang kaibigan ko. Dahil di nyo sya matatanggap na ganoon ang pagkatao nya. Kaya ako nagpabuntis para lang magawa iyong ultimatum nyo noon sa amin! Ayaw nmin kayong biguin!"Wika nya sa mga ito. Natahimik ang lahat sa sinabi nya.
"At kelan nyo nman balak sabihin sa aming magkakaapo na pala kami? Kung nailuwal mo na ang apo namin ,ha Beeya? Kung di pa kayo napauwi dito dahil sa may pinagtataguan kayo di pa nmin malalaman iyon!"Galit ding tanong ng ama ni Beeya.
"Di nman nmin itatago sa inyo tay eh. Sa katunayan  nga nagbabalak na kaming sabihin sa inyo kaya kami naparito--"wika nyang biglang pinutol ng ama.
"Dahil natunton na kayo ni Greeco! "Mabilis na dugtong ng kanyang ama .
Natahimik nman si Beeya sa sinabi ng ama dahil isa iyon sa rason kung bakit sila napauwi roon.
"Ngayong wala na tayong  magagawa pa para malusutan mo ito. Kelangan mong pakasalan ang lalaking iyan sa ayaw at sa gusto mo! Maliwanag ba iyon Beeya? "Tanong ng ama nya.
Di sya sumagot sa sobrang inis nya. Ang ending tuloy, papakasal pa rin sya sa lalaking kaharap nya  ngayon labag man iyon sa loob nya.
"Don't worry sir I'm going to marry your daughter to save her dignity. "Wika ng lalaki sabay hila sa kanya payakap.
"That's what a true gentleman will do Mr. Not to leave my daughter in a shameful situation. "Seryosong saad ng kanyang ama.
Nagpumiglas sya ng yakapin sya nito ngunit mas mabilis sya nitong napigilan sa pagpupumiglas. Ikinulong nito ang mga bisig nya sa pagitan ng dibdib nilang dalawa kaya di sya makagalaw.
"Hmmmmp! "Ang grumpy nyang wika dahil nagbabanta ang mga tingin ng lalaki sa kanya. Lukot din ang kanyang mukha na itinikom ang sariling bibig.
"And if that's what you want then we'll have to prepare everything for your wedding . "Seryosong wika uli ng ama nya na sinang-ayunan ng lahat ng naroon maliban sa kanilang dalawa ni Carly.
"Oh yes please sir do it . We'll going to get married here in your town. Don't worry about the expenses. I'll take charge of it. I'll pay for all"Ani ng lalaki sa kanyang ama.
"No. Actually we already prepared for  my daughter's wedding. Nothing else is need to change."ani ng kanyang am a.
"Only the groom did actually changed! "Medyo sarcastic na sabad nman ng ama ni Carly na di napigilan ang pagsali sa usapan.
   "Alright then, let me know if there's anything else you need to purchase or do. I just need to talk to your daughter alone."Anito na di na hinintay ang pagsang-ayon ng kanyang ama. Inakay sya nito palayo roon at alam nyang big  confrontation ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon