Xander Pov!Tinapon ko ang cellphone ko sa kama at tinanggal na ang butones ng longsleeve ko sa may kamay.
"Hindi niya man lang nakuhang magtext kahit isang beses lang kung saang lupalop siya nandun? Kagabi pa ako napipikon sa kanya! Bakit ba kasi kailangan niya pang pakinggan ang mga kanta ng bwisit na Mike na yun? Hindi niya talaga ginagamit ang utak niya! Tapos iiyak.iyak na parang katapusan na ng mundo niya kapag nawala sa kanya ang lalaking yun!"
Kagabi kasi ng matapos ko na ang ginagawa ko. Matutulog na sana ako pero nakita ko na nakasuot pa siya ng headset kaya dahan.dahan kong tinanggal yun sa tainga niya at iooff ko sana yung music sa phone niya pero nakita ko na kanta ni Mike ang pinakikinggan niya.
"Kaya ko namang kumanta para sa kanya kung gugustuhin niya. Magaling naman akong kumanta. Baka nga mas magaling pa ako sa Mike na yun at di hamak na mas gwapo ako dun."
Ang masakit pa yung wallpaper pa niya ay picture nilang dalawa na magkasama. Gusto ko nga sanang basagin ang phone niya pero naisip ko na wala akong karapatan kaya pinagwalang bahala ko na lang pero sana nga ganon ang nangyari dahil umuusbong ang galit ko kagabi sa tuwing naaalala ko yun. Hindi rin ako makatulog kagabi kasi hindi ako sanay na may katabing matulog kasi noon tanging si Veronica lang ang nakakatabi kong babae pero walang malisya yun kasi sanay na ako sa kanya pero matagal na panahon na siyang wala kaya nainibago ulit ako kaya kanina maaga akong nagising o dapat ko bang sabihin na hindi naman talaga ako nakatulog kagabi sa kakatitig sa kanya habang himbing na himbing ang tulog niya. Nang makakatulog na sana ako bigla naman niyang binaggit ang pangalan ng walang hiya niyang ex boyfriend at lumuluha pa siya. Ganon ba siya kabaliw sa lokong yun na hanggang sa panaginip tinatawag niya pa rin ang pangalan nun at hanggang sa panaginip ba naman iniiyakan niya pa rin yun? Bakit ba kasi hindi na lang pangalan ko ang banggitin niya. Isang syllable lang naman ang diperensiya ng pangalan naman kaya bakit hindi na lang Xander ang banggitin niya baka kunan ko pa siya ng video habang sinasabi niya pangalan ko. Ipagmamalaki ko pa yun sa mga kaibigan ko.
Kanina naman nainis ako kasi tinanong nga ako kung hindi pa ba ako kakain pero yun pala iba naman ang kasama kaya pala hindi man lang ako pinilit na samahan siya. Sino ba naman ang hindi maiinis nun?
"Sisantihin ko kaya si James? Sagabal eh! Baka ayaw niyang magpasama sakin kanina kasi kasama niya na naman yun? Ahhh! Nakakainis ka talagang Lory ka! Pagkatapos mo akong tawaging asawa ko kanina sumama ka sa iba? Nakakinis! May asawa bang ganon!" nailagay ko ang kamay ko sa beywang ko. "Naiinis talaga ako!" napasipa ako sa paa ng kama.
Kinuha ko ang phone ko pero wala pa rin siyang text.
"Ginagalit niya talaga ako!"
Inunlock ko ang phone ko at hinanap ang number ni James.
"Loko yun ah alam ng may fiance na si Lory niyayaya niya pang lumabas? Lory bakit ba kasi ang dami kong kaagaw sayo?"
Idadial ko na sana yung number niya ng narinig kong may humintong kotse kaya pumunta kaagad ako sa bintana at sinilip ko at sa tapat ng bahay namin tumigil. Taxi ang tumigil sa harap ng gate namin at bumaba na si Lory mula dun.
"Bwisit na James yun! Lakas ng loob na yayain si Lory tapos hindi man lang makuhang ihatid sa bahay? Ayos ah!"
Naririnig ko na ang yapak niya na papalapit kaya bumalik ako sa may kama at tinapon ko ulit dun ang phone ko habang nakatalikod ako sa pinto at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Niluwagan ko ang suot kong necktie. Bumukas ang pinto at sinara niya ito. Hindi ko marinig ang yapak niya dahil may carpet ang sahig ng kwarto ko.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Hindi mo man lang nakuhang magtext-..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko siyang umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...