"Carrie, nakaayos na ba lahat ng gamit mo?"
"Opo." Walang gana kong tugon.
Pupunta kami sa probinsyang kinalakhan ng pamilya nila Mama. First time ko palang makakapunta doon pero balita ko, maganda nga raw doon pero parang wala akong gana hindi tulad ng kapatid kong si Ivan na halos ichismis na sa buong barangay ang pagpunta namin ngayon sa San Isidro.
Yes, of course I know that place. Marami na akong naririnig na kwento sa lugar na iyon kala Mama. Isa iyon sa mga dinarayo ng mga turista. Pero sadyang ayaw ko lang talaga pumunta sa ngayon.
Maulan ngayon. Taliwas na taliwas sa nararapat na klima tuwing summer. Para bang sinasabi ng haring araw na wag kaming umalis. Mas nakakatamad tuloy sumama. Galing sa pagkakapalumbaba sa bintana na nakasara ay nilingon ko sila Mama na di magkandatuto sa pag-gagayak ng mga pagkain namin sa byahe.
Napahinga ako ng malalim. I wonder kung ilang araw kami doon? Sabi kasi ni Mama depende daw sa magiging resulta ng pagkakausap nila ng buyer ng lupa na minana nya kay Lola. Kung madali daw makasundo ang bibili, siguro daw mga isang linggo lang ay pabalik na ulit kami.
Napatingin ako ulit sa bintana. Mula dito sa bintana sa aming sala ay matatanaw ang park ng aming subdivision. Sana naman makabalik kami agad. Next next week na ang match nila Clayde para sa kabilang subdivision. Ayaw kong mamissed iyon.
"Carrie, sweety, okay ka lang ba?" Sabi ni Papa sa malambing na tono sabay lagay ng kanyang palad sa noo ko.
Ngumiti ako at marahang tumango. Ngumiti din si Papa at inayos ang hoddie ko sa likod.
"Don't worry, maganda naman doon. Marami kayo doong pinsan na halos kasing edad nyo lang ni Ivan kaya marami kayong makakasundo doon."
Napangiti ako. I hope so. Kasi sa totoo lang, ito ang kauna-unahan naming pagkikita ng mga pinsan namin sa side nila Mama.
Halos lahat ng gamit ko dinala ko na para hindi ako mabored. Yung psp ko, laptop, headset, sketchpad, colorpencils, mga libro, pati yung convertible bike ko dinala ko na rin. Nakahalukipkip ako at nakatingin lang sa bintana habang sila Mama, Papa at Ivan ay sumasabay sa kantang Ang Huling El Bimbo na syang napili nilang patugtugin.
Bawat punong aming nadaraanan naisip ko, paano kaya Niya naisip na dapat puno ang tawag sa mga iyon? Paanong ang tawag sa bulaklak ay bulaklak? Paano Niya kaya napili ang mga ganoong tawag sa bawat bagay na nilalang Niya?
Sa tuwing naiisip ko ang paglikha Niya sa mundo, lubos akong namamangha. Sa bawat kulay, bawat hayop, bawat halaman, at kung ano ano pa na nilikha Niya ay nagkakaroon ng silbi sa isa't isa. Na lahat ay magkakaugnay at hindi maaaring magkaroon ng puwang ang isang bagay sa mundo. Lahat may rason, lahat may saysay.... lahat may mahalaga.
Napatingin ako sa kapatid ko na panay ang turo ng kung ano ano kala Mama. Napangiti ako. Mas magmumukha ata kaming tagabundok nito dahil sa kapatid ko eh.
"Carrie, hindi ka ba nagugutom?" Napatingin ako kay Papa na ngayon ay sumulyap sa rearview mirror.
"Hindi po."
"Matulog na muna kaya kayo ng kapatid mo? Malayo layo pa ang byahe natin." Sabi ni Mama na napalingon na rin sa amin.
Tumango ako. Kinuha ko ang headset ko at pumili ng nakakarelax na kanta bago pumikit.
Mabagal ang naging byahe namin. Maya't maya ay humihinto kami para kumain at para magpunta sa banyo. Tumitigil din kami para magtanong sa direksyon dahil minsan, nagdududa na sila Mama sa app na ginagamit nila.
"Nandito na tayo!" Ngiti sa amin ni Mama pagkatawid sa isang malaking tulay na may pagkakahawig sa San Juanico Bridge.
"Wow! Dagat ba yan Mama?" Manghang tanong ni Ivan habang ang mga mata ay nanlalaki sa asul na asul na tubig sa ibaba.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionCaroline Montefalco or Carrie was too young back then when she visit her mother's province for the very first time. Wala syang ibang motibo doon kung hindi ang mamasyal at sulitin ang buong summer. But then maybe Cupid is really bored that even her...